Chapter 51

1.9K 52 0
                                    

Chapter 51: Confession And Broken




Avianna:




Aaminin ko na kay Chase ang totoo kong nararamdaman para sa kaniya. Gusto kong sabihin ang totoo. Gusto kong malaman niya mula sa akin.




“Chase!” sigaw ko, paalis na kasi siya at nasa parking lot kami ngayon.




Nilingon naman ako nito pero hindi ito tumingin manlang sa akin kaya nag-taka ako.




Nilapitan ko siya at pinantayan sa pag-lalakad, “Chase, may gusto lang sana akong sabihin sayo.” simula ko.





Natigil naman ito sa pagla-lakad at tinitigan ako, “Ano yun?” tanong nito.





“C-Chase..” nauutal kong sinabi, “G-Gusto kita.. D-dati p-pa..” I confessed.





Napa-yuko ako sa sinabi ko, parang ngayon ay na-guilty ako. Gusto kong magpa-lamon sa lupa. Dahil sa kahihiyang bumabalot sa akin.





“Okay.” tanging sagot niya at nilagpasan ako, Okay? What the heck?!





“Okay? Yun lang yung sasabihin mo?! Pagka-tapos kong sabihin na gusto kita pero ano? Okay?!” naiinis kong saad. Sa totoo lang, nakaka-irita na siya ngayon.





Natigil ito sa pagla-lakad at nilapitan ako, “Bakit?! Ano bang gusto mong sabihin ko sayo? Na gusto rin kita ha?!” mariin na singhal ni Chase.





May namumuong luha na mula sa mga mata ko, “Hindi sa ganon, Chase! Gusto ko lang naman kasing malaman ang totoo mong nararamdaman sa akin! I just wanna know!” mangiyak-ngiyak na wika ko.





“You want to know? Then fine, wala akong gusto sa iyo! At never akong magkaka-gusto sa iyo Avianna! Kasi may iba akong mahal at hindi ikaw iyun.” galit na sagot ni Chase, namutla ako sa sinabi niya. Parang hindi ko kayang marinig pa muli ang susunod niyang sasabihin dahil may kutob na ako.




Oo, siguro nga mukha akong cheap para sa paningin niya! Hindi ko naman sinasadya na magka-gusto ako sa kaniya!




“P-pero a-ano yung h-halik?” nauutal kong tanong sa kaniya.




“Wala akong pakielam doon, you're just my slave, Avianna.” at iniwanan na niya ako sa ere.




You're just a slave.

You're just a slave.

You're just a slave.





Tumakbo ako, ewan ko kung saan ako papunta. Kasama ang malakas na ulan, hindi ko alam kung saan na ako pupunta ngayon. Ang gusto ko lang ay mapag-isa. Gusto kong lumayo sa problema.





After he said that, my memories are coming back. Every single piece of my memories are coming back. Humagulgol ako sa iyak dahil sa nalaman ko.





“I'm.. I'm.. A-Anna.. Ch-Chua.” and everything went black.





Chase:





Hagulhol niya lamang ang narinig ko mula sa kaniya bago ako tuluyang umalis sa paroroonan niya.





Sinabi ko lahat ng iyon dahil ayokong mahulog sa isang katulad niya. Hindi dahil sa hindi ko siya mahal. May halaga ang halik ko sa kaniya. Bilang pasasalamat at ang pag-intindi niya sa akin habang nagdudusa ako na sana hindi na lang nawala si Anna.





Nagsisi ako sa una, dahil sa akin, namatay si Anna! Kung hindi ko lang sana siya hinayaang umalis at tumakbo palabas, sana hindi ko na lang ginawa yun!





Napaka-gago ko kasi eh, nagpaka-gago talaga ako kay Anna. Kung.. Kung hindi ko yun sana ginawa, kami pa rin hanggang ngayon!





Tapos ngayon, nasaktan ko si Avianna dahil sa naiinis ako! Naiinis ako dahil baka mangyari ulit iyon! Baka.. Maulit ulit ang lahat ng nangyari sa nakaraan ko! Ayoko na ulit manakit sa taong minahal ako. Lalo na kay Avianna.





Avianna:





“Anak, puwede ka ba naming maka-usap?” biglang tanong ni mama sa akin, wala akong interes na makipag-usap ngayon, kahit ngayon lang gusto kong mapag-isa.





“Wala akong panahong makipag-usap sa taong tinaguan ako ng sikreto sa totoong pagka-tao ko.” nagulat naman si mama sa sinabi ko. May namuong luha sa aking mga mata ganun rin kay mama.





“A-anak, p-paano?” nauutal na tanong nito.





“Ma, alam ko na ang lahat. Lahat-lahat! Gusto kong malaman pa lahat ma, sabihin mo na sa akin para.. Para mahanap ko ang totoong pamilya ko.” saad ko. Si mama naman ay napa-yuko at tumingin naman siya kay papa.




“Anak, simula nung.. Nung na-aksidente ka.. Naka-gapang ka palabas ng kotse, biglang sumabog ang kotseng sinasakyan mo,” natigil si mama at pinahid ang mga luha ganun rin ako, “Kina-umagahan, nakita namin ang katawan mo. Akala namin ng papa mo patay ka na pero humihinga ka pa at nawalan ka lang ng malay.” saad ni mama.





“Pagka-tapos nun, inuwi ka namin dito sa bahay at pinaligo, at binigyan ng kumportableng kama. Hanggang sa magising ka, una mong sinabi ay mama. Nagulat ako. Itinago namin sa iyo ito anak dahil..” naputol ang sasabihin ni mama ng mag-salita ako.





“Para ano? Para pag-tabuyan ako ng totoo kong pamilya?! Para saan pa iyon mama? Diba ang gusto niyo ay ang pasayahin ako? Pero ano? Ngayon nagdudusa ako!” hagulgol ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng sampal sa aking mukha.





“Hindi sa ganon anak! Ang gusto lang naman namin na magkaroon ng anak! Iyun lang anak!” tuluyang napa-iyak si mama, si papa naman ay pinapa-tahan na siya.





Hindi ko na alam ang gagawin ko, parang wala na akong maisip na sabihin kundi ang tumakbo. I'm already broken. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Saan na ako ngayon pupunta?!





Tatawid sana ako pero..





*BEEP BEEP*

*BUGSH!*





And everything went black.

***
(A/N:)
OMG, ano na kaya ang susunod na mangyayari? Abangan sa susunod na kabanata. Char. HAHAHA.

Ms. Nerd Meets Mr. Yabang (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon