Chapter 41

2.1K 94 11
                                    

Chapter 41: First Kiss [3]

Avianna:

Dinala ako ni Chase sa tabi nang pond at umupo kami sa isang bench. Napanga-nga ako dahil inakbayan niya ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Halos manginig ako sa mga ginagawa niya sa akin ngayon.

"Ah, ahehe. Chase, uhm.. B-bakit?" yun na lamang ang nasabi ko sa kaniya, siya naman ay seryosong tumingin sa akin.

Nakita ko naman sa mga mata niya na nakuha niya ang ibig sabihin nang tinatanong ko, "Ah, because I hate girls. Pampadag-dag sakit sa ulo." sagot niya, tumango naman ako nang dahan-dahan.

"Hindi katulad mo, tahimik lang at hindi maligalig." sinabi niya yun pero hindi siya nakatingin sa akin. I blushed.

"Ah.. Chase, ano bang tipo mo sa mga babae?" pagba-bago ko nang topic.

"Hm, ah.. Yung mga babaeng hindi malandi, yung hindi maligalig. Yung simple lang at tska.. Yung hindi ako iiwan."seryosong wika niya. Hindi ako nagsalita, nakita ko kasi sa itsura niya na paiyak na siya.

"Kaso.. Wala na siya eh, wala na yung babaeng minahal ko noon." yumuko siya, "Huh, bakit? Nasaan na siya?" nakita ko naman na paluha na siya kaya natigilan ako, "A-eh.. O-Okay lang kahit hindi mo na sabihin.." pagpigil ko sa kaniya.

"She uhm, died in a car accident. Pero hindi namin mahanap ang bangkay niya, nasunog rin kasi ang sinasakyan niyang kotse kaya.. Ang natira lang doon ay ang kuwintas niya na ibinigay ko sa kaniya bago ako umalis patungong America. Naghiwalay kami kasi alam kong hindi niya maha-handle ang ganoong relationship." wika nito.

Biglang sumakit ang ulo ko pagka-tapos kong marinig iyun, parang may kung anong iniikot sa utak ko na kailangan kong maalala. Napa-ungol ako sa sakit.

"Babe, don't leave me! I-I can handle our relationship just please don't let me go!" umiiyak na wika nang isang babae, blurred ang kaniyang mukha pero sa hugis nang mukha at buhok ay mukhang babae ito.

"Babe, I'm sorry. I'm really really sorry.. I-I can't handle this relationship anymore." pilit nang isang lalaking pumiglas sa pagkakaya-yakap nang babae sa kaniya. Humagulgol naman sa iyak ang babae.

"Y-You love me right?" hindi sumagot ang lalaki, "You love me right, babe! You love me!" sigaw nang babae habang hinihila ang lalaki.

"I.." napatitig naman ito sa babae, "I don't love you anymore." natigilan ang babae, "W-What?" halos hindi mapigilan nang babae ang pagiyak nito.

"I said I don't love you anymore!" ulit nang lalaki at pumiglas sa yakap nang babae at tumakbo.

"Avianna!" narinig kong may sumigaw, "Are you okay?" naga-alalang tanong nito.

Halos pinagpa-pawisan ako sa mga naalala ko. A-anong ibig sabihin nun?

"Avianna, what happened?" naga-alalang tanong ni Chase sa akin.

"I-I'm fine.." huminga ako nang malalim at sinimulang punasan ang mga pawis ko.

"I worried about you," bigla niya akong niyakap nang mahigpit, yung parang hindi na niya ako kayang pakawalan. "Kanina ka pa sumisigaw sa sakit. I panicked na baka mahimatay ka." sincere na wika nito. I blushed a bit at nag-respond sa yakap niya.

"I'm fine Chase. No need to worry." mahinahon kong wika. Una siyang pumiglas sa yakap.

"Good thing your fine, come on. Bumalik na tayo sa bus. Baka mahuli tayo." hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at tumakbo kami papunta sa bus.

Papunta na kami sa last destination at ang last destination namin ay sa amusement park. Malaki-laki rin ang lugar na ito.

Kesa sa makasama ko si Rose ay bigla akong hinila ni Chase, "Your my slave, remember? So you need to follow me." sumimangot naman ako sa sinabi niya, "Ehh! Gusto ko kasama si Rose!" pumipiglas naman ako sa hawak niya sa kamay ko.

"You're coming with me, or else.." matalim naman niya akong tiningnan and I just nodded in defeat. Hay.

Hm, ano kayang magandang sakyan? Hehe.

"Waa! Dun tayo Chasee!!" tinuro ko naman ang isang rollercoaster na bumabaliktad. Nakita ko naman ang excitement niya sa mukha.

"Come on, let's go!" tumango naman ako at sinamahan siya sa rollercoaster.

Magka-tabi kami sa rollercoaster at nang gumalaw na, sumigaw ako nang napakalakas.

Nang bumaliktad na yung rollercoaster ay hindi ko maiwasang isigaw ang buong pangalan ni Chase, tumawa naman siya nang napaka-lakas. Siniko ko naman siya pagka-tapos nun.

"Ayun, ayun oh! Waa! Ang ganda nang teddy bear!" manghang-mangha kong wika habang tinuturo yung teddy bear.

Ang laki kasi tapos kulay brown, waa! Ang sarap yakapin nang sobrang higpit!

Lumapit kami sa stall nito, para makuha ito. Kailangan mong magbasag nang tatlong plato sa loob nang isang minuto. Oh diba? Sulit na rin ito.

Hinila naman niya ako nang walang pasabi-sabi, "Ito oh." nagbayad naman siya at sinimulan nang maglaro.

Gumagalaw ang mga plato, bumababa ito at tumataas. Una siyang nag-shoot at natamaan ang isang plato at sumigaw naman ako, "Whoo! Go, Chase!" cheer ko sa kaniya, nginitian niya ako.

Nagshoot siya ulit at natamaan niya ulit, niyakap ko naman siya kasi isa na lang at makukuha ko na ang isang teddy bear.

"Waa!! Isa na lang Chase! Isa na lang!" excited kong wika habang tumatalon.

"This one is for you, Avi." he said and gave a wink. Natahimk naman ako at palihim na namula sa sinabi niya. Napalunok na lang ako kasi yung titig niya sa akin kanina ay iba. Yung mapang-akit na tingin ba? Wa.

Binato na niya ang isang bola, pinikit ko ang mga mata ko kasi baka hindi niya mashoot. Isang bola na lang rin kasi ang ibinigay sa kaniya.

At nang marinig ko siyang sumigaw, napadilat ako dahil pagka-tingin ko. Dumungaw sa akin ang isang malaking teddy bear. Sumigaw ako at niyakap nang mahigpit ang isang teddy bear. Inlove ako sa teddy bear na to promise!

"Waa! Ang cute cute moooo!!" tapos binigyan ko nang kiss yung teddy bear sa ilong.

Tumingin naman ako sa kaniya, "Hey, bakit ganyan itsura mo?" nagtatakang tingin ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin, "Binigay ko yan sayo pero di ibig sabihin na hahalikan mo siya." nakatitig lang ito sa akin at tila hindi manlang kumurap kurap.

"O-Oh a-ano naman?" nauutal kong tanong sa kaniya.

"Ako lang dapat ang hahalik sayo." hindi na ako nakapagsalita dahil bigla niya akong siniil sa halik. Nagulat ako sa ginawa niya at halos hindi ako makagalaw.

A-anong nangyari?

Ang bawat segundo na magka-lapat ang aming mga labi ay parang mahalaga na sa akin ang ganoong oras.

Parang may kung anong maririnig ka na mabilis ang tibok nang puso mo.

I think I'm falling for Chase.

***
(A/N:)
FINALLY. They kissed! HAHAHA. How is it guys? Enjoying it? Waa!!

~ caroljane

Ms. Nerd Meets Mr. Yabang (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon