Chapter 8

2.5K 99 2
                                    

Chapter 8: Davis' Mansion

Avianna:

It's a new day, at ngayong araw rin na magiging slave na ako ni Chase. Okay naman sa akin, basta huwag lang niya pahirapan ang mga inuutos niya sa akin.

Nandito na ako sa harap nang DU, pumasok na ako at agad dumiretso sa locker ko. Nilagay ko 'dun yung ibang libro ko for later.

Nang matapos ko nang ilagay 'yun, nakita ko si Rose. "Rose!" agad naman siyang lumingon at kumaway sa akin.

Lumapit naman ako sa kaniya tapos nakipag-beso sa kaniya.

"How's your sleep?" tanong niya sa akin.

"Okay lang naman, ang aga mo ah?" wika ko.

"Yup! I have something to do today." sabi niya.

"Ah, halika na, punta na tayo sa room." tumango naman siya tapos sinundan naman niya ako.

Nang makarating kami 'dun, biglang may humila sa akin, hindi lang hila ah? YUNG KALADKAD BA?

"Oy! Hoy, bitawan mo nga si, Avi!" sigaw ni Rose pero walang nagawa iyun. Nawala na sa paningin ko si Rose. Ang bilis kasi mag-lakad ni Chase.

Oo, si Chase nga ang KUMAKALADKAD sa akin, halos pagtinginan kami nang mga tao dito.

"Chase, ano ba! San mo ba ako dadalhin?!" tanong ko sa kaniya pero hindi pa rin niya binibitawan 'yung braso ko.

"Your coming with me, so can you shut up for a second?" bakas sa kaniya ang pagka-irita kaya hindi na ako umimik. Pero pagka-tapos niyang sabihin 'yun, tumigil kami at dahan dahan niyang hinawakan ang kamay tinaggap ko naman 'yon, pagkatapos 'nun, tumakbo na kami papuntang parking lot.

Sumakay agad kami nang kotse, "San ba tayo pupunta, Chase?" tanong ko sa kanya.

"Huwag ka munang magsalita, Avianna. Okay?" paano niya nalaman yung pangalan ko?

"Paano ko nalaman pangalan mo? It's written on your I.D." he said without looking at me.

Tiningnan ko yung I.D. ko, oo nga 'no?

Pinaharurot na ni Chase yung kotse at agad pinatakbo paalis nang DU.

Nang makarating kami sa isang... MANSYON?!

OMYGOD.

Ang laki nang bahay nila Chase! Waa!! Ang yaman yaman talaga nila!

"Whoah! Ang yaman yaman niyo naman, Chase." manghang mangha 'kong sinabi sa kaniya.

Di ko talaga mapigilang tumili, kasi pangarap ko talagang makakita nang mansyon ngayo'y natupad na!

"Why are you screaming?" tanong niya sa akin.

"Hm? Ah, wala lang.. Pangarap 'ko lang talagang makakita nang gantong mga bahay at ngayo'y natupad na.." ni hindi ko inalis ang tingin sa mansyon habang nagsasalita.

Basta happy ako dahil natupad na rin ang isa sa mga wishes ko. You don't even know how happy and excited I am.

Pumasok na kaming dalawa sa mansyon, "Woww.." mukha akong tanga na manghang mangha sa mansyon, ang ganda kasi nang loob.

"Mukha kang tanga dyan, halika dun tayo sa kwarto ko." natigilan ako.

"S-Sa.. Kwarto.. Mo?" nauutal na tanong ko sa kanya.

"Ay hindi, sa kanal 'yun, Avianna. Oo, sa kanal." irita niyang sabi.

"Ts, korni." bulong ko.

Pumasok na kami sa kwarto ni Chase, laking gulat ko na sobrang laki nang kwarto, kahit simple lang ay napaka-ganda na nang kanyang kwarto.

Mas malaki pa ang kwarto ni Chase keysa sa bahay namin. Jusmeyoo! Ang ganda ganda talaga nang bahay nila Chase.

Hindi pa ako pumapasok kasi nakakahiya naman sa kanya. Pero kapag hindi lang siya ang kasama ko, kanina pa ako talon nang talon sa kama niya. Wala lang, happy lang.

"Hindi ka ba papasok o tutunganga ka lang dyan?" tanong niya.

"Ayan na po, papasok na po." wika ko atsaka pumasok sa kwarto ni Chase.

Isang hakbang pa lang, ramdam ko na ang lamig nang kwarto, jusko! May aircon nga pala kapag mansyon! Di na ako nasanay..

"A-Anong gagawin natin dito?" tanong ko.

"Linisin mo 'yung kwarto ko.." wika niya.

"Huh? Eh ang linis linis naman nang kwarto mo ah?" kaya nga, bakit pa ipapalinis 'kung malinis naman 'yung kwarto niya.

"Susunod ka ba o ipapa-expell kita ngayon 'din?" tanong niya.

"Ayan na nga po, maglilinis na nga po.." agad kong hinanap 'yung walis at naglinis nang kwarto ni Chase.

***
[[Edited Version]]

Ms. Nerd Meets Mr. Yabang (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon