Chapter 16: Truth Or Dare
Third Person View:
Isang araw na 'ring nakakalipas simulang nangyari ang eksenang iyun, si Avianna ay papasok na ulit sa DU kasama si Rose.
Si Chase na hindi maipinta ang itsura habang naglalakad sa corridor papuntang room nila, 'nang bigla niyang madaanan ang room nila Avianna, 'andun si Avianna at nakaupo at nakikipag-usap kay Rose. Hindi na niya ito pinansin at pumunta na sa room si Chase.
Balik tayo kay Avianna, ang mga estudyante na naiinip na dahil ilang oras na silang naghihintay sa teacher at 'nang malaman nilang hindi raw makakapasok ang kanilang proffesor, lahat 'nang mga estudyante ay magkumpol kumpolan 'nang biglang dumating ang lima.
Sila Andy, Ian, Dominick, Gerome at Chase. Maraming nagbulungan, nagtilian 'nang makita nilang andun ang lima at tinitingnan sila.
"Hello! Puwede ba kayong sumali sa laro naming, Truth Or Dare?" tanong 'nang isang kaklase ni Avianna.
"Sige ba!" sigaw 'nung apat maliban kay Chase, umupo na silang lima at nagsi-ayos na 'nang upo ang iba, 'yung mga babaeng nginingitian 'nang apat ay hinihimatay samantalang si Chase na parang walang balak ngumiti ay nakatulala lamang sa kawalan.
Nagstart na ang laro 'nang biglang tumapat kay Julianna, "Truth!" sigaw lamang nito, ang nagpaikot 'nang bote kasi ay si Max.
"Sinong crush mo?" namula si Julianna at umiwas 'nang tingin kay Max.
"Uhm.." ang tanging sagot ni Julianna. Kilala ito ni Avianna kasi paminsan ay naging ka-grupo niya ito sa mga reports at projects.
"Sagot! Pag hindi mo sinagot may concequences." kilala 'nang lahat na may crush si Julianna kay Max.
"E-A-Ikaw!" at agad tumalikod si Julianna at umalis. Si Max naman ay napatigil at biglang ngumiti 'nang malapad habang ang lahat ay nag-tatawanan.
"Oy oy oy, tama na 'yan! Julianna, ikaw naman ang mag-iikot 'nang bote!" sigaw ni Xiela. Tumango naman si Julianna at tumakbo ito palapit sa kaklase niya at inikot ito. At saktong tumapat ang bote kay Christina, "Dare ako!"
Napaisip si Julianna kaya natagalan kami masyado, "Mag-sabi ka 'nang hello sa crush mo, 'yung dito lang ah!" tumango naman si Christina at humarap kay James.
"Hello!!!" malakas na sigaw ni Christina kay James na ikinatawa nila, ito namang si James ay diring diri, "Kadiri naman 'yang hininga mo!" nandidiring sigaw ni James sa kaniya.
Ito namang si Christina ay tawa lang 'nang tawa. "Bawal PDA!" sigaw ni Xiela 'nang ikinainis ni Christina, tawanan ang lahat maliban kay Avianna at Chase.
"Ikaw 'nang mag-ikot 'nang bote, Chrisy." tumango naman di Christina at ipinaikot ang bote, at saktong tumapat kay Ian.
"Truth or Dare, Ian?" tanong ni Christina.
"Dare!" tumango naman itong si Christina, napaisip siya at agad nakaisip.
"I dare you to twerk infront of us." lahat 'nang mga tao dito ay nagtawanan, pati na rin si Avianna at Chase ay natawa na.
Tumayo si Ian 'nang pailing iling at tumayo siya sa gitna 'nang bilog. Nagsimulang magtwerk si Ian na parang ang tigas 'nang buto kaya ang lakas 'nang tawanan nila halos mawalan na 'nang hininga sila Dominick 'non.
Si Ian naman ay parang hindi nahihiya sa mga kaklase niya dahil sikat naman siya 'non.
Inikot na ni Ian ang bote at tumapat ito kay Avianna, halos ang lahat 'nang mga kaklase niya ay nakatingin sa kaniya, "Truth or Dare?" tanong lamang ni Ian.
Ian actually met her 'nung time na akala nila na maganda 'yung slave ni Chase but she's not.. Beautiful..
"I.. I... D-dare?" nahihiyang wika ni Avianna.
"Hm, I dare you nalang to take off your glasses until the end of the game." nakangiting wika ni Ian sa kaniya.
Tumango naman 'tong si Avianna at dahan dahan itong itinanggal. Hindi naman masyadong malabo ang paningin ni Avianna, sabi kasi 'nang nanay niya na sa kakabasa daw niya, lumabo na ang kaniyang mata, kaya simula 'nung nag-collage siya, nagsasalamin na siya at pinagkamalahang siyang nerd sa school 'non.
Kahit malabo ang paningin ni Avianna, nakikita pa rin niya sila pero sa malapitan lamang.
Ngunit 'nang maagaw niya ang atensyon ni Chase na tulala at hindi manlang makaiwas sa mga tingin sa kaniya ni Avianna.
***
[[Edited Version]]
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Meets Mr. Yabang (Revising)
Romans"Oy oh! Ang guwapo niya!" hiyaw ko habang patalon-talon pa. At tinuro ang lalaking nilalapitan ng mga babae at naghihiyawan. Lalapit sana ako ng bigla niya akong hinila. "Tsk, mas guwapo pa ako jan." irap niya sa akin, sumimangot naman ako. "Ang yab...