Chapter 6

126 54 25
                                    

Ashley's POV

Nang makaalis na si Jared agad na akong pumasok sa room namin ni Violet. Pagpasok ko, ayun nagso-smoke nanaman siya sa gilid nang bintana.

"Hi Violet."-masiglang bati ko.

"Hello. So, hinatid ka ni Jared? Pasensya na kung hindi na kita nahatid pauwi ah? May naghatid din kasi saken dito kagabi. Eh di ko naman alam na nandun ka pa pala. Sorry talaga."

"Ano ka ba. Kahit nakakainis ka dahil iniwan mo ko kagabi at nasira ang araw ko nang dahil kay Jared, but it's okay wala ka namang kasalan. Uminom kasi ako kaya kasalanan ko din."-pagkasabi ko nun ay agad akong humiga sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko para kamustahin si Nicholas. Pagtingin ko dito ay 10 missed calls at 6 messages. Galing lahat ito kay Nicholas. Kaya agad ko siyang tinawagan.

"Babe"

"Kagabi pa ako tumatawag babe. Bakit hindi mo sinasagot. Nag-alala ako sayo."-halatang galit siya dahil sa pananalita at sa tono din niya. Ano ang sasabihin ko? Na pumunta ako sa isang frat party? Alamo kong magwawala siya dahil hindi ako nagpaalam at delikado ang frat.

"N-nag-aral kasi kami ni Violet sa bahay nang classmate namin at naiwan ko ang phone ko dito. Sorry talaga babe."-pagsisinungaling ko na kailan man ay di ko nagawa kay Nicholas.

"Sa susunod kasi babe mag iwan ka lang naman nang message o di kaya magpaalam ka saken kung saan ka man pumunta para hindi ako mag-alala. Okay?"

"Yes babe. I love you."

"I love you too."

Nakokonsensya ako sa ginawa ko. Hays, what I have done? Nakakainis naman oh. Hindi deserve ni Nicholas ang ganito, ang pagsisinungaling ko. Napakabait niya para magsinungaling ako. Aish! Sasabihin ko nalang sa kanya ang totoo pag ready na ako.

"Oh, nagalit ba?"-tanong ni Violet.

"Ewan ko. Parang oo na parang hindi. Nakokonsensya nga ako eh."

"Ganun talaga ang buhay no. Maayos din ang lahat."-pagkasabi niya nun ay may naalala ako. May pasok pa ako! Tinignan ko kung anong oras na 7:25 na! Hibdi na ako aabot sa 1st subject ko. Aish! Sa 2nd subject nalang ako papasok. Kaya naligo na ako at inayos ang aking sarili.

A Complicated OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon