Chapter 26

55 21 5
                                    

"Sino ba kayo? Hindi nyo ba alam na trespassing kayo dahil sa ginagawa niyo?"- mahinhin ang boses nito pero mahahalata mong maldita ito dahil sa kanyang pananalita at nakataas ang kilay nito.

"Eh ikaw sino ka sa buhay ni Nicholas?"- seryosong sambit ni Jared. P-pero what? A-ano ang pinagsasabi ni Jared?

"T-teka lang, ano ba ang n-nangyayari? S-sino siya Jared?"- naguguluhan kong tanong.

"Manahimik ka Venice at hayaan mo siya ang magsalita muna."- may diin pa rin sa tono ng pananalita ni Jared kaya tumahimik nalang ako. Nakita ko ang pamumutla ng babae at parang kinakabahan ito.

"W-wala a-akong alam sa s-sinasabi mo!"- sigaw nito.

"Talaga? So, mali pala ang imbestigador ko?"

"A-ano ang pinagsasabi mo?!"- sigaw pa nito.

"Well, let me tell you a story..."

Nicholas's

Maaga na at kumakain kami sa bahay nila ni Venice. Ng may biglang pumasok, lalaki may dalang bulaklak at chocolates. Wait, siya yung nakita ko kahapon bago kami mag punta dito kina Venice may kasama siyang babae at naghahalikan sila. Naglalakad lang ako nun kasi nauna si Steph kina Venice at ako naman ay pina-pamilyar ang lugar.

Tumigil sila sa paghahalikan ng makita ako. At tinignan ako nung lalaki pero nagkibit balikat lang ito at nagsimulang halikan ulit ang babae.

Kaya nagulat ako ng tinawag ni Venice yung lalaki na Nicholas! Siya yung boyfriend ni Venice? Bakit may kasamang ibang b-babae? Niloloko niya ba si Venice?

Kaya nagkatinginan muna kami bago niya hinigit si Venice palayo sa amin at dinala sa kwarto ni Venice. (See Chapter 19)

ASHLEY

Nagulat naman ako sa kwento ni Jared kaya napaiyak na lang ako.

"No, hindi yun magagawa ni Nicholas sakin!"- sigaw ko sa kanila at napahagulgol.

"Pinaimbestigahan ko kayo ni Nicholas kaya alam ko kung ano ang pangalan mo at kung saan ka nakatira. Kaya sabihin mo nga sakin, paano mo nagawang pumatol sa lalaki na may girlfriend na?"- napatigil naman ang babae at halatang kinakabahan na ito kay Jared. Seryosong-seryoso kasi ito.

"M-mahal ko si Nicholas! At mahal din niya ako. Hindi niya na mahal si Ashley!"

"A-ano ang ibig mong sabihin?"- kinakabahan kong tanong.

"Bago ang unang uwi mo dito ay kami na Nicholas. Nagsasawa na daw siya sayo kasi hindi mo siya mabigyan ng oras at malayo kayo sa isa't isa. May pangangailangan din di Nicholas Ashley."- deretsang sagot nito. K-kaya ba gusto niyang makipagtalik sakin?

"H-hindi yon magagawa ni Nicholas saken."

"Nagawa niya na. Wala ka nang magagawa, mahal na mahal namin ang isa't isa. Alam na ito ng mga magulang niya at pati ang mga ito ay pingalalaruan ka lang! Remember nung nagpunta ka sa bahay ni Nicholas at binisita yung papa niya? Nandon ako at alam nang papa niya yon!"

Nasasaktan ako hindi dahil mahal ko pa si Nicholas, nasasaktan ako dahil malaki ang tiwala ko sa kaniyang pamilya at hindi ko inaasahang gagawin nila ito sa akin. Gusto nila ako kay Nicholas noon pa, bakit ano ang nangyari ngayon? H-hindi to totoo! P-panaginip lang to diba? Hindi nila yon magagawa sakin! Alam kong mababait sila. Hindi nila magagawa yon.

"Paano na ikaw? Makakaya mo bang maging kabit?"- tanong naman ni Jared sa kanya.

"May annulment naman at hihiwalayan din siya ni Nicholas."- nakangiti nitong sambit.

"H-hindi! Alam kong gustong-gusto ako ng pamilya ni Nicholas!"

"Noon yun, pero nung umalis ka nakalimutan ka na nila. Dahil ako ang nag-aalaga sa pamilya ni Nicholas nung wala ka!Kaya umalis na kayo dito sa pamamahay ko!"- sigaw nito at saka pumasok sa kanyang kwarto.

Lumabas kami sa kanyang bahay at huminto ako sa gilid ng kanyang sasakyan.

"Pumasok kana."- sambit ni Jared.

"Bakit hindi mo sinabi sakin noon pa?"

"V-ven, hindi ko kaya. Alam kong malaki ang tiwala mo kay Nicholas at hinahangaan mo siya. Kaya nung araw na pumunta ako dito at sinabihan kitang I love you at hiwalayan mo siya para sakin ay dahil ayaw kong masira ang imahe ni Nicholas sayo. Kaya nung naghiwalay kayo ay tuwang tuwa ako at gusto kong makasama ka nalang buong araw doon sa maynila para hindi mo na malaman ang lahat ng ito. Mas gusto ko na yung ganito na hindi nasira yung paghanga mo kay Nicholas alam kong madidisappoint ka ng sobra kapag nalaman mo kaya tinago ko na lang ito. Nung nabalitaan ko kay Steph na babalikan mo si Nicholas ay sumugod na ako dito, I'm just concern about you Ven, after all naging friends na tayo."- ouch, maraming beses mo na akong sinaktan Jared.

Pumasok na ako sa sasakyan at napaiyak na lang ako.

"Ihatid mo na ako sa maynila."

"Paano mama mo?"

"Mabuti na kung wala siyang alam dito. Ayaw kong mag-away sila ng parents ni Nicholas."

____

Nagsi-sink in ba lahat sa utak niyo guys? Haha. Btw, comment lang kung sino yung gustong magoa dedicate :)
Please vote and share this :)

A Complicated OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon