Chapter 40

33 5 2
                                    

Malaki-laki na rin yung tiyan ko. Five months na daw sabi ng doctor. Ang sabi ng doctor malaki ang chance na lalaki ito, kaya yung isang room dito ay pinagawa talaga ni Jared. May time rin nga na sinusumpong ako at hindi ko kinakausap ang mga tao dito sa bahay. So far, tahimik at masaya lang ang pamumuhay namin dito.

Tapos magugulat na lang ako minsan na dumadalaw dito yung kapatid ko at si daddy, hindi ko na sila pinapaalis pero masama pa rin naman ang loob ko kay dad. Si mama naman ay lumipat na dito sa maynila at pinatayuan siya ni Jared ng bahay. Malayo-layo rin dito samen pero okay lang naman.

"Love gusto ko ng strawberries."- saad ko kay Jared.

"Saan naman ako kukuha nun?"

"Maghanap ka nang paraan! Basta gusto ko strawberries saka dapat fresh."- giit ko.

Npatayo naman siya at napakamot sa kanyang ulo. Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan.

Alam na rin pala to ng dad ni Jared pero hindi pa rin daw siya sang ayon sa relasyon namin at tutol pa rin siya sa kasal.

Ilang oras lang ako nakalatay dito sa kama at dinadalhan lang ako ng maid ng mga pagkain saka gatas pero napansin ko wala pa rin ang strawberries ko. Ilang oras naman wala si Jared dito at hindi man lang nagsabi kung saan ito pumunta.

"Jareeeeed!"- nakakabinging sigaw ko. Pero wala pa ring pumunta dito ni anino niya. Ilang minuto din ang lumipas ay tumatakbo si Jared papunta saken at pawis na pawis ito. Meron siyang dalang dalawang basket ng... Strawberries!

Binigay niya saken at agad ko din itong nilantakan. It feels heaven. Kukuha na sana si Jared pero pinitik ko yung kamay niya.

"Don't you dare."-saad ko sa kanya at nagpatuloy lang sa pagkain. At sinamaan siya ng tingin

"Nasaan nga pala si Caitlyn?"- tanong ko

"Magkasama sila ngayon ni Jasmine, papasyal daw sila."

...

After 3 months...

3rd Person's POV

"Manganganak na ako! Jareeeeed!"- sigaw ni Ashley at namimilipit ito sa sakit. Agad namang nataranta si Jared kaya binuhat niya si Ashley at isinakay sa kaniyang sasakyan. Kaya naiwan naman si Caitlyn sa mga kasambahay.

Agad na pinatakbo ni Jared ang sasakyan at maingat din siya sa pagda-drive hanggang sa makarating na sila sa hospital.

Mabuti nalang at kilala ni Jared ang doctor at nurses kaya agad silang naasikaso.

Umere lang na umere si Ashley kahit na ang sakit sakit pilit niya pa ring umire. Kaya napahawak nalang siya sa kamay ni Jared. Hanggang sa narinig nila ang isang iyak ng bata. Napaluha naman dahil don si Ashley at napangiti.

"Congratulations it's a boy."- saad ng doctor at ipinahawak nito ang bata kay Ashley.

Napangiti naman si Ashley at ganun din si Jared.

"Baby Seth."- saad ni Jared.

"Seth? Mas gusto ko yung Nathan."- sagot naman ni Ashley.

"Edi Seth Nathan Romero Perez." - napaisip naman si Ashley sa naisip ni Jared na pangalan kaya napangiti nalang ito at tumango.

***

ASHLEY

"Wow! Mommy, Daddy may baby na ulit?"- saad ni Caitlyn at halata sa mukha nito na ang saya-saya niya.

"Yes baby. He's baby Seth."- 4 years old na si Caitlyn at habang lumalaki siya ay nagiging kamukha niya talaga yung dad niya.

"Yay! He's a baby boy mom?"- tumango lang ako at ngumiti.

"Magpahinga ka muna, okay? Ako na ang bahala muna kay baby Seth."- saad ni Jared kaya tumango lang ako. At dumiretso na sa itaas saka nahiga sa kama. Na miss ko 'to.

Bigla namang sumakit ang ulo ko. At nanginginig ako, mukhang magkakalagnat pa ako neto. Kailangan ko muna sigurong magpahinga.

At dinalaw na ako ng antok.

...

Pagkagising ko ay bumungad saken si Violet.

"Ang taas ng lagnat mo Ash."- kaya naman pala hindi ako makatayo at ang sakit ng ulo ko. Pero bigla nalang ako napatayo at nasuka sa sahig.

"You okay? Kailangan mo ng magpacheck-up."

"Kakagaling ko lang ng hospital. Wala lang to, pagod lang siguro ako. Saan si Jared at baby?"

"Nako! Congrats pala sa inyo. Saka pinapatulog ni Jared si baby Seth. Alam mo pursigido talaga si Jared alagaan yung baby niyo. Kelan pala kayo ikakasal?"- ngumiti ako sa kanya. Dapat lang, anak namin yon eh.

"Hindi ko pa alam kay Jared eh, siguro sa ngayon magfo-focus muna kami sa pag-aalaga kay baby Seth."- sagot ko nalang at humiga na.

"Magpahinga ka muna, dito lang ako."

"Kagigising ko lang Violet. Baba muna tayo, gusto kong makita si baby Seth."- bumaba naman kami at inalalayan lang ako ni Violet at nakasalubong naman namin si Caitlyn.

"Mommy! Tita Violet!"- niyakap ko naman si Caitlyn at niyakap din niya si Violet.

"Dito ka lang muna kay Tita Violet mo ha? May sakit si mommy baka mahawa ka."- tumango lang si Caitlyn at nagpunta na ako sa kwarto ni baby Seth.

Binuksan ko ang pinto at sumilip ng bahagya at nakita ko si Jared na pinapatulog ang bata, mukhang pagod na pagod na si Jared.

"Oh love, nandito ka pala."- pumasok ako at ngumiti.

"Hey, you look pale. Okay ka lang ba?"- tanong niya kaya tumango lang ako.

"You sure?"- saad niya saka inilagay si Seth sa kanyang kama.

"Ipagluluto kita ng soup. Hintayin mo ako sa room natin."- pinigilan ko naman siya.

"You look tired magpahinga ka muna."- saad ko at niyakap ko siya sa braso. At dinala sa kwarto.

"Matulog ka muna okay? Wala ka pang pahinga."- saad ko sa kanya at kinumutan ang sarili namin.

"Mahal kita."- saad niya saka hinalikan ako sa noo.

"Mahal din kita."

____

√RosyIce

A Complicated OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon