Chapter 16

75 39 8
                                    

Nandito lang ako sa couch tulala at umuupo na nakayakap sa aking mga tuhod. Si Jared naman ay nagluluto dun sa kusina. Kaya pumunta muna ako sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom.

Dumiretso ako sa ref at kumuha ng pitcher dun at nilagay ang tubig sa baso. Habang umiinom ako ay pinagmamasdan ko lang si Jared na nagluluto ng kung ano man diyan, I don't know.

"Bakit ang bait mo ngayon?"- I know I'm being straightforward but hindi ko na kasi mapigilan ang sarili kong mag tanong. Tinignan niya ako sandali bago sumagot.

"Oh, Am I? Do I make you feel uncomfortable?"- sagot niya at kumuha ng tubig din at yung baso ko pa yung ginamit niya.

"Hoy! Baso ko yan!"- singhal ko sa kanya.

"Well, nag kiss na tayo. So it doesn't matter."- sagot niya naman na ikinatahimik ko. Naalala ko na naman yung nangyari samin.

"Anyways, I just thought that kasalanan ko ang lahat kung bakit dun nahantong yung nangyari. Kaya I'm just being kind."- pag-iiba niya ng usapan. Nahalata niya siguro na hindi ko pa kayang marinig kung ano man ang nangyari samin. So, ngayong araw lang pala to. Tumango lang ako at umalis na dun at bumalik sa couch.

_______________

Ilang araw na ang lumipas nang nangyari 'yun' sa amin ni Jared at ilang araw na rin ang lumipas na mabait pa din si Jared saken. Ewan ko sa kanya, he always bring flowers at chocolates sa apartment at akala ko para kay Violet yun pero nabigla nalang ako nung binibigay ni Violet saken at para saken daw talaga.

At ilang araw na din akong wala sa sarili. Dahil hindi ko na alam ang nararamdaman ko.

"May problema ka ba Ash?"- tanong ni Steph. Kanina pa yan nangungulit saken kung may problema ba ako or kung ano ang nangyayari saken pero hindi ko pa rin siya sinasagot hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Si Steph lang ang naging kaibigan ko dito at ganun din siya kaya parang close na talaga kami.

Umupo kami sa usual part na inuupuan namin sa pinakadulo ng cafeteria at nag order din siya.

"Anong gagawin mo bukas?"- binigyan kasi kami ng 2 weeks na bakasyon at siguro araw narin ng bakasyon at finals na din namin pagbalik. Actually, wala talaga akong plano. I just want to study sa apartment for two weeks, but I know hindi ako makakapag-aral ng maayos if nandito ako at anytime ay guguluhin nanaman ako ni Jared.

"Uuwi ako samen."- sagot ko nalang. Ito ang mabuting paraan para maiwasan ko ang lahat dito, lalo na si Jared. Tingin ko pa rin kasi sa sarili ko maduming babae. Kaya kailangan kong umiwas sa lahat, ayoko kong may makaalam. At saka anniversary na namin ni Nicholas in 3 days.

"Ay ganun. Iiwan mo ako dito?"

"Namimiss ko na rin naman kasi si mama."

"Pwde bang sumama?"- tanong niya saka nag puppy eyes pa.

"Hindi. Saka wala ka namang gagawin dun."- sagot ko na lamang.

"Grabe naman to. Sabihin mo na lang na ayaw mo na akong kasama. Nakakatampo kana ha."

"Wala namang maganda dun, saka ma bo-bored kalang dun."

_____________

"Hindi ka ba uuwi sa inyo?"- tanong ko kay Violet na nakaupo lang malapit sa bintana at nag si-sigarilyo na naman.

Nag e-impake na ako ngayon dahil ngayon na ang alis ako papunta samen.

"No, saka wala naman akong uuwian dun. Kinamumuhian nila ako dun."

"Sorry. Gusto mo bang sumama saken?"

"Hindi na. Sa susunod na lang, saka may schedule na ako dito kung ano ang gagawin ko sa 2 weeks."

Tumango nalang ako at lumabas na ng apartment

.....-.....

Thanks for reading guys! Please don't forget to vote and comment your suggestions about this chapter. Saranghae

A Complicated OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon