Chapter 38

35 5 2
                                    

Ilang araw na kaming hindi nagkabalitaan sa isa't-isa ni Jared, siguro mag iisang linggo na din. Ewan ko sa kanya, ganun na ba kataas yung pride niya para ako pa yung humingi ng tawad sa kanya? Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Ilang araw kana nagmumukmok dito sa apartment ah? Anyare sa inyo ni Jared?"- biglang tanong ni Violet na kasalukuyang pinapalitan yung cover ng kanyang mga unan.

"Ewan ko dun. Ganun ba yun? Mataas yung pride?"

"Hindi naman. Ano ba yung pinag-awayan niyo?"

"Isang babae. Nagselos ako, tapos siya pa to yung nagalit. Di ko na alam ang gagawin ko."

"Aba't napakaliit lang naman pala. Ba't naging ganun yun?"- giit ni Violet. Nagkibit balikat nalang ako at kinumutan ang buong katawan ko.

Calling...

Napantig ang tenga ko ng may tumawag sa phone. Dali-dali ko itong kinuha at sinagot. Pero nanlumo naman ako nung hindi boses ni Jared yung narinig ko. Kundi boses ni Steph.

"Steph?"

"Ashley! Ilang araw na akong walang balita sayo, namiss kita. Let's go out? Nandito ako sa labas ng apartment mo."

Napatayo naman ako at sumilip sa bintana at nakita ko si Steph na nakasandal sa sasakyan niya. Nakashades ito, at parang artista siya sa porma niya.

"Oo na, give me 10 minutes."- saad ko, siguro kailangan ko na munang lumabas. Hindi naman pwedeng magkulong nalang ako dito sa apartment.

Nag-ayos ako at nagsuot lang ng ripped jeans saka sleeveless na white. Mas komportable ako sa ganito.

"Alis muna ako Violet."

"Sige ingat ka."

Pagbaba ko ay nakangiti lang si Steph at kumaway saken. Ngumiti din ako pabalik sa kanya.

Sumakay kami sa sasakyan niya at nagsimula na siyang magdrive.

"Saan tayo?"- tanong niya.

"Mall na lang."- sambit ko naman

Malapit lang naman ang mall dito sa apartment mga 15 minutes ride lang siguro. Kaya nakarating kami kaagad.

"Coffee muna tayo?"- tumango lang ako. I feel tired at hindi ko alam kung bakit.

Pumunta kami sa starbucks at siya na rin ang nag order. Tinatamad ako. Sana di nalang ako sumama no? Pero kasi namiss ko rin si Steph.

Umupo naman si Steph sa harap ko matapos siyang mag-order. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat na din. Pero nahagip ng mata ko si... J-jared, may kausap na babae. Makinis yung babae at mahaba ang buhok.

Alam kong hindi si Nicka to. Napatulo naman ang luha, pinalitan na niya ba ako kaagad? Masakit isipin na madali lang pala akong palitan.

"Hey, are you okay? What's wrong?"- tanong ni Steph saken. Hinigit ko naman siya palayo sa starbucks.

"Masakit lang yung ulo ko. Pero I can manage naman."- actually it's not a lie, masakit talaga yung ulo ko.

"You sure? Saan tayo ngayon?"

"Yep. Ewan ko."

"Ahah! Ishoshopping kita."- excited niyang tugon.

"Huy para kang bakla! Saka huwag na."

"Hmm. Make over na lang, tara."- hindi na ako nakaangal dahil hinigit na niya ako. Make over talaga? Mukha na ba akong dugong kaya pinalitan na ako ni Jared sa isang makinis na babae? Napailing na lang ako, dahil naalala ko naman yung nakita ko kanina.

Pumunta kami sa isang parlor na parang elegante. Iniwan ako ni Steph sa isang bakla. Pero infairness, mukhang babae siya. May kung ano-ano siyang ginawa sa mukha ko, sabi niya daw facial yun tapos yung kilay ko may kung ano din siyang nilagay.

Bigla namang nagflashback ang mukha ni Jared saken nung makita ko siya kanina, para siyang adik. Yung mata niya parang hindi natulog ng ilang araw. Somehow, I have the urge na balikan siya don sa starbucks at yakapin ng napakahigpit. Pero wala eh, nangunguna pa rin ang galit at selos sa puso ko.

"Ayan! You're so pretty na!"- sigaw bigla ng bakla saka iniharap ako sa salamin. Actually wala rin namang masyadong nagbago, kuminis lang yung mukha at malinis na tignan. Pero ganon pa rin naman yung itsura ko.

Maganda naman ako ah? Pero ba't napalitan kaagad ako? Siguro nga, laro lang lahat para kay Jared. Kaya kailangan ko nang tapusin na ang relasyon namin hangga't maaga pa.

Napatayo ako nagpasalamat na sa bakla. Sinalubong naman ako ni Steph na nakangiti ng sobrang lawak. Problema neto? Kunwaring hindi ko siya napansin at finlip pa ako buhok ko saka tumawa.

"Ashley naman! Huwag kang ganyan."- sambit niya. Kaya natawa ulit ako.

"Saan ka galing?"- tanong ko.

"Nagkita lang kami nung nililigawan ko."- sambit niya saka namula.

"Huy! Di mo pa nga ako sinasabihan tungkol sa kanya."- pagtatampo ko naman.

"Asus. Ipapakilala ko siya sayo ngayon."

"Ngayon? As in ngayon talaga?"

"Oo nga. Tara na."- sambit niya saka hinigit ako. Napunta kami sa isang restaurant. Mukhang sosyal dahil limitado lang ang tao at sobrang formal pa ng mga staffs.

May nakita akong babae sobrang ganda niya, para siyang model. Yung balat niya hindi masyadong maputi pero makinis lang ito. She's way skinny. Nagulat na lang ako nung tumayo ito at inilahad ang kanyang kamay saken. Siya ba yung nililigawan ni Steph? Ba't ang ganda?

"I'm Audrey Que. Nice to finally meet you Ashley."- k-kilala niya ako? Wth, kinikilig ako. Girl crush ko na yata to.

Tinanggap ko naman yung kamay niya ng buong-buo at ngumiti ng napakatamis. Umupo kaming tatlo at magkatabi sila ni Steph at Audrey samantalang ako naman ay forever alone sa upuan na ito.

"So kamusta kayo ni Jared? He already proposed right?"- K-kilala din niya si Jared? Pero kamusta na nga ba kami?

"U-um, okay lang naman. Going s-strong hehe."

Nagpatuloy lang kaming mag-usap at marami rin ako nalaman tungkol sa kanya. She's a model, halata rin naman sa katawan niya. At sa New York siya nakatira, kaya minsan lang siya dito. Pero umuwi daw siya talaga para kay Steph, how sweet.

"Sorry I'm late." - biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses niya.

Ano ang ginagawa niya dito?

______

Excited na akong matapos to! Yuho!

√RosyIce

A Complicated OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon