Chapter 35

44 5 2
                                    

Follow me on twitter @_RosyIce mwehehe ❤ Dm me for a followback.

Dahil mabait ako napaaga ulit ang update mehehehe ✌
______

"Seryoso ka ba diyan love?"- nanginginig kong tanong, oo kinakabahan ako.

"I just want you, only you. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay, ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay at ikaw lang ang magiging ina ng anak ko habang buhay. And I'm fucking serious."- seryosong sambit niya.

"Pero mga bata pa tayo love."

"Yun na nga eh, after we graduate. Eh hindi naman agad-agad, kapag graduate kasal agad no hindi yon. Gusto ko lang markahan ang AKIN lamang."

Lumapit siya saken at hinawakan ako sa kamay.

"Hindi kita minamadali okay? Kung ayaw mo muna, I'll understand."- sabi niya saka hinalikan ako sa kamay.

"No love, gusto ko. Gustong-gusto."

Sabi ko at bigla niya naman akong niyakap ng napakahigpit.

"Talaga?!"- sambit pa niya saka marahang tumango ako. Hinalikan naman niya ako sa labi, this time hindi smack. Slow and passionate.

Bumitaw naman kaagad ako dahil naalala ko ang niluluto kong adobo. Nung tinignan ko ay napa buntong hininga nalang ako, mabuti nalang at hindi kami nagka-aberya. Siguradong lalabas nanaman kami at kumain. Edi gastos pa.

...

"Ang sarap mong magluto love! Dito kana lang kasi tumira kasama ko. Makakatipid ka."

"Malapit lang ang apartment sa school at sa cafe na tinatrabahuhan ko love."

"What's the use of my car? Love, ihahatid sundo kita!"- nagulat naman ako sa sinabi niya.

"No! I mean, kaya ko na ang sarili ko okay? Don't worry about me."- sagot ko sa kanya.

"Of course I worry about you! Sige na, dito kana lang tumira please."- sabi niya saka nag-puppy eyes pa. Kaya hinampas ko siya ng mahina ng tuwalya na hinahawakan ko. Nililinis ko kasi ang mesa na pinagkainan namin.

"Pag-iisipan ko. Saka, magpapaalam muna ako kay mama."

"Yes! Ako na lang kaya ang magpaalam? For sure hindi na tatanggi yon! Wala akong tiwala sayo baka sabihin mo kay mama mo masasama para hindi ka niya payagan."- sambit niya saka nag-pout pa.

"Hoy grabe! Saka huwag ka ngang mag pout! Para kang bakla."- sagot ko sa kanya saka tumawa.

"Bakla talaga? Eh kung irape kaya kita?"- sambit niya naman saka lumapit pa ng bahagya sa akin na nakangisi.

"H-hugasan mo yung pinggan! Huwag kang umasa sa naglilinis sa condo mo!"- nauutal kong sambit saka umalis sa harap niya at dumiretso sa sala. Umupo ako sa couch at nagbasa ng mga magazines.

Nagtataka ako kung bakit hindi ako sinundan ni Jared. Kaya sinilip ko siya sa kusina, kaya pala hindi siya sumunod saken sa sala kase naghugas talaga siya ng plato!

Ang cute niyang tignan kasi parang hindi pa siya marunong. Hinayaan ko nalang siya at napangiti na lang na bumalik sa sala at umupo doon.

Ilang minuto din ang lumipas ay nakita ko si Jared na nagpupunas ng kanyang kamay papunta saken.

"Oh? Okay ka lang?"- tanong ko sa kanya. Tumango ito at tumabi saken saka niyakap ako.

"Problema mo?"- tanong ko sakanya.

"Wala, I just can't imagine my life if hindi ka dumating."

"Sus! Corny mo!"- sambit ko saka pinisil ang ilong niya.

"Seryoso kaya yon!"

"Oo na. Mahal na mahal kita."- sagot ko sa kanya saka hinalikan siya sa noo.

"Mahal na mahal na mahal din kita, Venice."

***

Exam na namin ngayon at halos hindi ako makapag-concentrate dahil ang ingay ng mga kaklase ko. Bulong dito, bulong doon.

Kesyo hindi daw sila makapaniwala na pumasok si Jared at naka holding hands pa kami. Tapos yung feeling na umalis yung prof na exam namin, di ba siya nag-aalala na magche-cheat yung iba? Tsk.

Hindi naman masakit sa ulo yung exam, hindi rin madali sakto lang. Hanggang sa nag time na.

"Love!"- sambit ni Jared. Kahit kasi iisa lanh room namin malayo yung uouan namin sa isa't isa. Alphabet kasi yung pinag-babasehan ng chairs if may exams.

Inakbayan niya ako at lumabas kami saka pumunta sa cafeteria. Nag-order siya at naiwan akong nakaupo sa dulo ng cafeteria.

"Ashleeeey!"- napantig ang tenga ko nung may sumigaw ng pangalan ko. Kilala ko ang boses na 'to. Papunta ito saken at tumatakbo pa.

"Steph!"

"Daya mo! Naging kaklase lang natin si kuya di mo na ako hinintay."- sabi niya saka nag pout pa, saka umupo sa harap ko.

"Uy sorry, nawala sa isip ko. Hehe"- sabi ko saka nag peace sign pa.

"Ganon? Kinakalimutan mo na ako?"

"Sus! Huwag ka nang magtampo, ano ka ba!"- sabi ko saka kinurot ko siya sa magkabilang pisngi niya.

"Araaaay!"- giit niya kasi hindi ko pa rin binibitawan ang pagkapisil ko sa kanyang pisngi. Tumawa lang ako.

"Ehem."

"Oy kuya! Binilhan mo din ba ako?"

"Wala. Dun ka sa iba, magde-date pa kami ni Venice."

"Ouch! Grabe kayo ha? Ge, alis na ako. Bye Ashley."- sabi niya saka akmang hahalikan niya ako sa pisngi, hinarang ni Jared ang kanyang mukha gamit ng kanyang kamay. Napatawa na lamang ako, alam kong joke joke lang ni Steph yun. Haha! Umalis na din maya-maya si Steph at ginulo ang buhok ko.

"Pati kapatid mo pinagseselosan mo?"- sambit ko sakanya.

"Kahit sino pagseselosan ko, kahit bata pa yan."- seryosong sambit niya.

"Asus! Huwag ka nga! Ikaw pa rin naman ang mahal ko."- sabi ko saka sinundot-sundot ko pa siya sa kanyang gilid.

"Malapit na yung graduation natin."- biglang sambit niya na siyang ikinatigil ko sa pagsundot sa kanya. Umupo ako ng naman ako ng maayos

"Oo nga eh."- mahinang sambit ko. Wala talaga ako naging kaibigan sa mga classmates ko, pwera nalang kapag may group projects. Saka si sapat na maging kaibigan si Steph. Ayoko rin naman kasi ng madami, hindi mo alam kung sino ang totoo at magiging peke.

"Malapit na tayong ikasal."

Binatukan ko naman siya. "Sira!"- sambit ko sa kanya. Eh akala ko seryoso na yung ag-uusapan namin eh.

"Totoo naman ah! Pumayag ka na nga diba?"

"Oo nga."

Sa susunod na araw na pala ang graduation namin. Saka bukas ipopost kung nakapasa ba kami o hindi. Sana lang nga.

To be continued...

•••

Next update will be on Monday :)

^^RosyIce

A Complicated OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon