Chapter 36

38 6 7
                                    

Hi guyseu! I changed the surname of Jared and Stephen to Perez okay? Kapag may nakita pa kayong Daimon diyan kindly message or comment please. Kamsaa ~

________

Hindi ako nakatulog ng mahimbing kagabi dahil kinakabahan ako kung ano ang magiging resulta kaya mga 1:30 ng umaga na ako nakatulog. Sana lang makapasa ako.

Kanina pa ako dito sa school, kasama ko si Violet. Hindi daw makakapunta si Jared kasi may pupuntahan pa siya di rin naman niya sinabi kung saan.

"Uy okay ka lang? Kanina ka pa nanginginig ah?"- sambit ni Violet saka hinawakan ako sa balikat.

Hindi ko namang maiwasang kabahan dahil kapag bumagsak ako kukuha ako ulit ng exam at magbabayad pa ng 20,000 eh saan naman ako kukuha nun?

"Sana makapasa ako."

"Ano ka ba! Papasa ka okay? Ang talino mo kaya."

Sana nga. Ngumiti lang ako sa kanya, bigla namang nagkumpulan ang mga estudyante sa bulletin board ng makita nila ang principal na idinikit yung papel. Siguro yun na ang listahan ng mga nakapasa.

Grabe sobrang dami nila, nagkumpulan silang lahat. Nakita ko namang nag-iyakan yung iba, yung iba naman ay tuwang-tuwa.

Bigla naman akong kinabahan ulit. Eto na talaga, sana makapasa ako. Lumusot ako sa iba hanggang sa nasa harap na ako ng bulletin.

Hinanap ko ang pangalan ko at nagulat ako na nasa top 5 ako! Oh my god! I made it! This is more than I expected.

Nakita ko naman ang pangalan ni Jared na nangunguna sa listahan, hayst ang talino talaga ng mokong yun!

Si Steph, nakita ko ang pangalan niya nasa ika-walo siya sa listahan. I'm so happy for him!

Umalis ako dun na napakasaya. Nakita ko si Violet na kumakaway at ngumingiti saken.

"I made it Violet! I really made it!"- napaiyak na ako at niyakap siya ng napakahigpit.

"See? Sabi sayo eh!"

Biglang tumunog naman ang phone ko at nakita kong may nag-message saken. Si Jared.

~ Meet me in my condo. 6pm sharp okay? I love you.

Hindi na ako nag response at ngumiti na lang.

"Ashley! We made it!"- rinig kong sigaw ni Steph. Saka niyakap din ako.

"I'm happy for you, Steph."- sambit ko naman saka bumitaw na sa yakap.

"Congrats din sayo Ashley! At dahil diyan, magce-celebrate tayo!"

Hinigit niya kaming dalawa ni Violet sakay isinakay sa kanyang sasakyan.

"Saan tayo?"- sambit ko sa kanya.

"Saan ba gusto niyo?"

Binatukan ko naman siya. Siya nga tong nagyaya na magcelebrate di pa niya alam kung saan kami dadalhin.

"Lunch na lang tayo?"- sambit ni Steph.

Tumango lang kami ni Violet at nagsimula na siyang mag drive. Ilang minuto din ang nakalipas ay huminto kami sa isang eleganteng restaurant.

"Huy, baka mahal dito."- sambit ko sa kanya.

"Don't worry. Ako ang magbabayad."

Lumabas kami ng sasakyan. Mabuti nalang at hindi kami naka uniform, wala namang pasok eh. Naka jeans lang ako at white shirt at si Violet naman ay naka shorts at crop-top. Si Steph naman ay shirt na black lang at white pedal and naka rubber shoes.

A Complicated OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon