Chapter 39

36 5 3
                                    

"Mabuti nalang at nakarating ka kuya."- sambit ni Steph. Ako naman ay hindi makalagaw sa pagkakaupo lalo na't inakbayan pa niya ako.

I need to get out of here. Right now

"Excuse me, cr lang muna ako."- giit ko. Tumango naman sila at naglakad ako papunta sa cr ng girls. Pero nagulat ako nung pumasok si Jared at nilock yung cr.

"Venice, I missed you so damn much."- sambit niya at niyakap ako ng napakahigpit. Napaiyak nalang ako, why'd you do this to me Jared?

Tinulak ko siya palayo saken at nakita kong umiiyak pala siya.

"A-ano na ang nangyari saten Jared?"- tanong ko.

"Ven, may kailangan kang malaman. Hindi ko alam kung saan ko ito sisimulan, pero please makinig ka muna."- kinabahan naman ako bigla sa sinabi niya.

"M-may anak ako. Sa ibang babae."- napahagulgol na lang ako sa narinig ko.

"Kaya hindi ako nagparamdam sayo kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo. Ven, I'm sorry."- napaupo nalang siya at sinuntok-suntok ang sahig. Umalis ako dun at pumara ng taxi, sinubukan pa akong habulin ni Steph pero nakasakay na ako sa taxi.

B-bakit ganito? Bakit nangyayari to?

Nakarating ako sa apartment at dun ko ibinuhos ang lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan. Nasasaktan ako dahil hindi niya magawang maging honest saken, bakit kailangan pa niyang paabutin sa isang linggo diba?

***

Nakatulog pala ako sa sobrang kaiiyak ko. Gabi na at nandito na si Violet sa apartment, di ko siya kasi nakita nung dumating ako. Pero nagulat ako na may kausap siyang bata, batang babae na kukhang nasa edad na 2 or 3 years old. Maraming pasa ang kanyang katawan. Sino naman siya?

"Violet, kapatid mo?"- umiling lang si Violet. Eh sino siya?

May narinig naman akong umiiyak sa labas, boses babae at hindi siya pamilyar. Mukhang hindi siya umuupa dito sa apartment.

"Kahit yung bata nalang Jared, huwag na ako. Please, maawa ka sa anak natin."- napatakip ako sa bibig ko ng marinig ko ang pangalan ni Jared. Ano ang ginagawa nila dito?

"May girlfriend ako Mich, di ko matatanggap ang batang yan."- sambit ni Jared.

"Pero yung bata kawawa! Sinasaktan siya ni papa dahil hindi siya nito matanggap!"- napaluha naman ako sa narinig ko. Kaya lumabas na ako at hinarap silang dalawa, mukhang nagulat pa sila. Siya ito yung babae na kasama ni Jared sa starbucks.

"V-venice."- sambit ni Jared.

"Jared, okay lang saken. Kunin mo na siya."- saad ko. Okay lang saken, masakit mawalan ng papa kaya kahit sa kanya na lang hindi niya maranasan yon.

"Okay lang sayo?"- tumango lang ako at nakaramdam ako ng pagkalam ng aking tiyan. Kaya napapunta kaagad ako ng banyo at nagsuka. Ilang araw na din akong nasusuka, hindi ko rin alam kung bakit. Saka kapag gabi naman ay kahit na naka aircon ay naiinitan pa rin ako at tagktak pa rin ang pawis ko.

"Okay ka lang ba?"- sambit ni Jared saka hinagod pa yung likod ko. Tumango lang ako sa kanya at tumayo at dumiretso sa kama.

Pero umakyat ang bata dito at tumabi saken. She looked like Jared, parang girl version talaga siya ni Jared. Hinayaan ko nalang siya at natulog na kaming dalawa.

...

Nagulat ako ng magising ako na katabi ko na si Jared at yung bata. Nagising din si Jared at umupo ng bahagya sa kama.

"She's Caitlyn."- biglang sambit niya habang tinitignan ang bata na sa tabi ko.

"Siguro matutuwa si Jasmine kapag makita niya si Caitlyn, may playmate na kasi siya."- saad ko naman saka umupo din.

"Ven, I'm really sorry."

"No, it's okay. Kalimutan mo na yon." Saad ko naman.

Bigla namang sumakit yung ulo ko at parang masusuka na naman ako anytime kaya dumiretso na kaagad ako sa banyo.

"Kailangan mo nang magpacheck-up."

Siguro kailangan ko na nga. Baka malala na ito

...

"Congratulations, you're 2 weeks pregnant."- hindi ako makapaniwala sa sinabi ng doctor. I'm pregnant! I'm going to be a mother!

Napayakap naman ako kay Jared na sa ngayon ay tuwang tuwa na din. Umalis na kami ng clinic at sumakay na sa sasakyan ni Jared.

"Mula ngayon sa bahay kana titira."

"Bahay? Sa dad mo?"

"Nope, nagpatayo ako ng bahay last 2 months. I know na mapapangasawa kita kaya nagpatayo ako."- saad niya saka ngumiti.

Dumiretso kami sa apartment at inimpake ni Jared ang mga gamit ko at ako naman ay kinakausap si Caitlyn.

"Are you still hurt?"

"Yes po, they always hit me with a belt."- saad naman niya. Kawawa naman nung bata, walang kasalanan, sinasaktan.

"Aww, it's okay. Your dad is here na okay?"- tumango lang ito at yumakap saken.

"Mommy."- biglang sambit niya na siyang ikinangiti ko.

"Can I call you mommy?"

"Of course you can."

...

"Violet, bibisitahin pa rin kita dito okay? Bride's maid ka sa kasal ko."- saad ko kay Violet saka niyakap siya.

"Oo naman."

Nagpaalam na ako sa kanya at ganun din si Jared. Sumakay kaming tatlo sa sasakyan ni Jared at si Caitlyn naman ay nasa back seat lang at naglalaro sa kanyang ipad.

Napakatahimik lang ng buong byahe hanggang sa makarating kami. Namangha ako sa disensyo ng bahay! Malaki siya at kulay white, maraming glass pane. Simple but elegant ang bahay, modernized talaga ang pagkakagawa.

Excited na pumasok Caitlyn at ganun din ako. At nakita ko wala pang masyadong mga gamit sa loob at ang GANDA! Pang mayaman talaga ang dating.

Dumiretso kami sa kwarto at laking gulat ko na nandito na yung Teddy bear na si Lexi. Paano? Malaki yung kama, king size talaga. Tapos yung pintura ay kulay white lang. May veranda din at makikita mo pool at garden sa baba. Isa lang talaga ang masasabi ko. Sobrang ganda.

"Did you like it?"- tanong ni Jared saken saka niyakap ako patalikod. Tumango naman ako at ngumiti.

Humarap naman ako sa kanya.

"Sorry for being immature. At pinagselosan ko yung wedding organizer natin."- saad ko.

"Sorry din kasi nasigawan kita."- niyakap ko naman siya. And now, we're okay. I'm so happy

____

√RosyIce

A Complicated OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon