Mr. Pasaway (NashLene one-shot)

3.9K 74 43
                                    

pwede niyo namang hindi isipin na NashLene 'to eh. kumbaga different person yung iimagine niyo :)

-

"Mr. Aguas Get out. NOW!"

"Mr. Aguas. Go to my office. NOW!"

"Mr. Aguas. Detention. NOW."

"Mr. Aguas. ipapatawag ko ang mga magulang mo."

"Mr. Aguas. community service."

"Mr. Aguas. why are you late?"

"Mr. Aguas."

"Mr. Aguas."

Haaay nako. ano pa nga ba ang bago? Eh araw-araw puro MR. AGUAS kaagad naririnig ko. Ano ba? Hindi ba siya nagsasawa na lagi siyang pinapagalitan? Sawang sawa na kami, lahat ng estudyante dito naiirita na. Minsan nga sinasabayan na namin yung mga teachers or yung principal eh.

Eh 'yang Aguas na 'yan? wala man lang pakealam. Tumatawa pa siya pagkatapos siyang sabihan ng kung ano ano. Go to my office, get out, etc.

Sino yung Mr. Aguas na yun? huh. Siya si Nash Aguas famously known as MR. PASAWAY. Hay nako, tuwing umaga talaga apilyedo niya talaga ang lagi mong maririnig.

"MR. AGUAS!"

"Get out. NOW!" sinabayan niya pa yung teacher namin. Hay nako Aguas.

"Ah classmates! Maaga breaktime ko. Mainggit kayo!" at tumakbo na siya palabas dala dala ang bag niya. P A S A W A Y.

"Ms. San Pedro. Ikaw na ang bahala kay Mr. Aguas. nakakapagod na, araw araw nalang namin siyang sinasaway."

"Sige po ma'am." bubugbugin ko talaga 'yung Aguas na 'yun.

-

Breaktime na at hinahanap ko si Aguas.

"Ah, nakita niyo ba si Mr. Aguas?"

              ang lagi nilang sagot ay "hindi po pres"

bawat madaanan ko ay lagi silang nag h"Hi Pres!"

lagi ko namang sagot ay "Ay hello hehe"

at susundan ko ng "nakita niyo ba si Mr. Aguas?" tapos back to start ulit. Nakakainis na.

"ARAY!" sabay naming sinabi ng nakabanggaan ko.

"Sorry po!" ako yan, magalang ako eh hahaha

"Ayos lang"

"Uhm kuya, nakita niyo po ba si Mr. Aguas?"

"Aguas? Ayun oh!" tas tinuro niya yung nasa likod ko

lumingon ako at ibang tao naman yun. "Kuya wala nama-" pagkalingon ko ulit kay kuyang nakacap

magkalapit yung mukha namin

-dug dug- -dug dug- ano 'to? ba't ang bilis ng heart beat ko?

"Hi Pres." nakangiti niyang sabi.

Si Nash.

"Anong meron?" nakasmirk naman ngayon at inilayo niya na yung mukha niya.

"Pumunta kang student council room mamaya. 2pm sharp. bye." at umalis na ko. Iba kasi yung naramdaman ko kanina eh. Alam niyo yun? yung parang ang bilis ng tibok ng puso ko tapos parang lahat ng dugo mo umakyat sa mukha mo tapos parang nagiinit yung mukha mo? What is this feeling?

Mr. Pasaway (NashLene one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon