"The oldest and strongest emotion of mankind is fear, and the oldest and strongest kind of fear is fear of the unknown."
- HP Lovecraft
***
"Miss, ano ginagawa mo dito? Gabi na ah. At bakit ka naman nakasuot ng ganyan, may costume party ba?" Untag ni Marlo habang nagpipigil ng tawa. Nagtataka kasi ito kung bakit ganito ang kasuotan ng babae.
Ngunit nanatili itong tahimik at nakatalikod sa kanya. Naguguluhan itong lumapit at hinawakan sa balikat ang babae. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya ng maramdamang ubod ito ng lamig. Agad itong napabitaw mula sa pagkakahawak at nagsimulang kabahan. Nanindig ang kanyang balahibo ngunit pinanatili nitong kalmado ang sarili.
"Miss, may problema ka ba?" Paglalakas loob nitong tanong. Ngunit mas lalong nagtaasan ang kaniyang balahibo ng marinig ang mahina nitong paghikbi. Nakakakilabot ang pagiyak nito na tila nanggagaling sa ilalim ng lupa. Animo'y may malalim na pinagdadaanan ang pilit niyang kinakausap.
Muli pa sana niya itong kakausapin ng bigla itong humarap sa kaniya. Napaupo ang binata at napaawang ang bibig ng tumambad sa kanya ang mukha nito na may tumutulong sariwang dugo. Itim na itim ang mga mata nito na matalim ang tingin sa kaniya. Napailing ito at nanlalaki ang matang nakatitig sa hindi maipaliwanag na nilalang.
Ngumiti ito sa kaniya na kasabay ng pagmarka ng mga itim na ugat sa mukha. Napakagat labi ang binata sa nakikita. Hindi maipaliwanag ang kaniyang ekspresyon dahil hindi ito naniniwala na mayroong multo na namamalagi kapiling ng mga buhay.
Nagawi ang tingin nito sa babang bahagi at napansin na lumulutang ito. Gulat na gulat ito na tumayo at nagtatakbo. "Demonyo! May demonyo" Bulalas ng binata habang patuloy sa pagtakbo na tila wala sa sarili. Sa labis na pagkataranta ay hindi nito napansin ang nakausling ugat sa dinaraanan. Nawalan ito ng balanse at kamalas malasan ay nagpagulong gulong dahil tagilid ang porma ng lupa sa nasabing kagubatan. Maririnig ang mahina niyang pagdaing dahil sa gasgas at sugat na natamo.
Lumilinga linga ang binata at napansin na nasa likurang bahagi siya ng bahay. Maraming puno at madilim sa kinatatayuan niya ngayon. Gayunpaman, kahit papaano ay nagbibigay ng liwanag ang buwan kahit na may ilang ulap na tila pilit itong tinatakpan.
Muling nabalot ng takot ang binata ng makita ang babaeng nakaitim. Matalim ang tingin sa kaniya at tila galit na galit. Muli siyang nagtatakbo at nagtago sa isang punong kahoy. "Ano ba 'to? Nalintikan na" Mahina niyang bulong habang pilit pinaglalabanan ang takot na nararamdaman.
Nanatili siyang nakakitkit sa punong kahoy habang pasilip silip upang matukoy ang lokasyon ng humahabol sa kaniya. "Wala na yata" Usal nito ng mapansin na wala na ang sumusunod sa kaniya. Sa isip isip nito ay naisahan niya ang babaeng nakaitim. Ngunit nagtaka ito ng may kung anong likido na tumulo sa kaniyang mukha. Hinaplos niya ang mukha at inamoy kung ano yun. "D-Dugo" namimilog ang mga matang naibulalas at nanginginig na tumingala.
"Waaaahh" Sigaw ng binata ng walang ano ano ay nagpakita ang babaeng nakaitim. Napaupo siya sa labis na takot habang napapaurong. "Hindi ka totoo. Hindi ka totoo" Malakas na sigaw ng binata habang nakapikit ng mariin.
BINABASA MO ANG
The Cursed Book
HorrorThe Cursed Book A Mystery/Horror Story Written by: ElevenXxx Date Started: June 07, 2016 Date Finished: *** All Rights Reserved 2016