Kabanata 11

1.3K 42 7
                                    

A/N: Play the multimedia first before reading :D By the way, Salamat sa patuloy na sumusuporta ng story. Sorry sa mabagal na Update. Basta marami pang exciting na mangyayari. :D

***

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***


HINDI MAIPALIWANAG ni Janella ang labis na takot na nararamdaman. Kalungkutan rin ang patuloy na bumabalot sa kanyang pagkatao. Hindi pa rin ito makapaniwala at tila ayaw pa rin tanggapin ng kanyang isipan ang mga nagyayari sa kanya ngayon. Hindi rin niya matanggap na ang matandang katulong na itinuring niyang pangalawang magulang ay isa na lamang ngayong malamig na bangkay.


Patuloy ito sa pagtakbo kahit hindi alam ang paroroonan maging ang kanyang kahahantungan. Isa lamang ang malinaw sa kanya, kailangan niyang makalabas ng bahay at matakasan ang kaluluwang pilit siyang ginagambala. May isang bagay pa ang kinakatakot niyang mangyari—ang tuluyan siyang sunduin ni Kamatayan.


Halos magkandarapa ito sa pagtakbo dahil sa kadiliman na bumabalot sa buong bahay. Pinipigilan nito ang pag-iyak subalit sa labis na tensyon, kusang bumubukal ang luha mula sa kanyang mga mata. Nagmamadali nitong tinungo ang hagdanan pababa ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na nadatnan. Napaurong siya sa labis na takot ng makita ang nilalang na gumagapang paakyat ng hagdan. Nakabukas ang bibig at panay ang pagbukal ng pulang likido mula dito. Mulat na mulat rin ang mga mata at animoy malapit ng lumuwa. Paminsan-minsa'y nakahilig rin ang ulo nito na lalong kahindik-hindik pagmasdan.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nanginig ang katawan ng dalaga sa labis na takot. Napahawak ito sa bibig habang panay ang pag-iyak. Ilang segundo rin itong natigilan bago tuluyang makabawi ng lakas. Tumakbo ito sa direksyon patungo sa kanyang silid kung saan niya planong magkubli. Iyon ay kung maiisahan niya ang babaeng nakaitim.


Panay ang kanyang pagtakbo. Kagaya kanina'y ilang beses rin itong nadapa. Halos magkasugat-sugat na ang tuhod ng dalaga. Ngunit hindi niya alintana ang sakit, mas mahalaga sa kanya ang mailigtas ang kanyang sarili mula sa nakaambang na kapahamakan. Panay rin ang kanyang pagtangis at pag-usal ng panalangin, hinihiling na sana'y panaginip lamang ang lahat.

The Cursed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon