"He's a liar. The demon is a liar. He will lie to confuse us. But, he will also mix lies with the truth to attack us. The attack is psychological, and powerful. So don't listen. Remember that, do not listen."
-Hell
***
"Grabe! Di ako nakatulog ng maayos kagabi" reklamo ni Kim habang inaayos ang kanyang mga bagahe. Ngayon kasi ang araw na napagkasunduan nila para bumalik sa Maynila.
"Ako nga din eh." Dagdag naman ni Nadine na nakatanaw lang sa labas ng bintana. Ito ang pinakamaagang nagising kaya hindi na niya problema ang pag-aayos ng gamit. Pinagmamasdang mabuti ng dalaga ang kabuuan ng lugar. Totoo nga pala na nasa gitna sila ng kagubatan. Maraming puno pero kapansin pansin ang kapanglawan na dulot nito. Tila isang kagubatan na nababalot ng misteryo. Napailing na lang ito at iniwasan na muli pang sumagi sa isipan ang ganoong klaseng ideya.
Panay naman ang paglalagay ni Janella ng samu't saring kolorete sa mukha habang nakaharap sa salamin. Napataas na lang ang kilay ni Kathryn ng mapansin ang pagka kikay ng kaibigan. Abala ito sa pag-aayos ng ilang librong kanyang dinala, pampalipas oras sa mga panahong nababagot na siya sa pananatili sa rest house.
"Wait guys, nakauwi na ba si Marlo?" Tanong nito na napatigil sa ginagawa. Saglit na namayani ang katahimikan dahil walang nagsasalita sa mga ito. Sakto namang pagpasok ng grupo ng mga lalaki na may kanyang kanyang bitbit na mga bag na may lamang mga gamit.
"Dito ba natulog si Marlo kagabi?" Untag ni James na bahagyang natatawa dahil sa ideya na kasamang natulog ng mga babae ang hinahanap na kaibigan. Natahimik ang lahat at nagtaka dahil sa tinanong ng binata.
"Wait, di ba kami dapat ang nagtatanong niyan? Nasaan nga ba si Marlo?" Nagtatakang tinuran ni Kathryn habang nakataas ang kilay. Nagkibit balikat lang ang mga nakarinig dahil wala ni isa sa kanila ang nakakaalam kung saan nga ba naroroon ang binata.
Natigilan si Nadine sa malalim na pag-iisip at agad na nakisali sa usapan. Lumapit ito sa mga kaibigan bago sinimulang klaruhin ang mga pangyayari. "Ano ulit? Di ba kayo ang kasama niya sa kwarto? Dapat alam niyo kung nasaan siya ngayon." Bulyaw niya sa mga ito. Labis itong naguguluhan kung bakit wala ni isa sa mga kanila ang nakakatukoy sa kinaroroonan ng nawawalang kasama.
"Aba Malay namin. Ito kasing mga 'to. Pagkapasok na pagkapasok sa kwarto. Bumulagta na sa kama at harok na ang tumbong" Saad ni Enrique na may halong pagbibiro. Kilala talaga ito sa pagiging mapagbiro ngunit sa pagkakataong ito ay may hindi yata natuwa sa kanyang inasal.
Napapikit na lang si Kim sa mga narinig na kinokontrol na iwasang mainis. Pero hindi na nito napigilan ang sarili na makisabat sa nangyayaring komosyon.
"At talagang nakuha niyo pang magbiro sa ganitong klaseng sitwasyon ha. Kahit minsan naman matuto kayong magseryoso" Inis nitong tinuran at padabog na binibit ang dalang bag. Galit itong lumabas ng kwarto. Sinundan naman siya ni Liza na nag aalala sa kaibigan.
Agad na kinabahan si Janella dahil sa narinig. Napahawak ito sa dibdib dahil sa mga masasamang ideya na pumapasok sa kaniyang isipan. "Baka may----"
"Scratch that! Wag muna tayo mag-isip ng masama." Naputol naman ang sasabihin ng dalaga ng biglang nakisali si Maine sa usapan. Nagsitanguan lang ang lahat at nagsimulang ayusin ang kanilang mga gamit.
BINABASA MO ANG
The Cursed Book
HorrorThe Cursed Book A Mystery/Horror Story Written by: ElevenXxx Date Started: June 07, 2016 Date Finished: *** All Rights Reserved 2016