***
Nagpalipas na ng gabi ang magkasintahang Maine at Alden sa rest house lalo na't magdamag rin naman na naroroon ang mga pulis. Panay ang pagtatanong ng mga ito at pag-iimbestiga upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Matapos ang imbestigasyon, nagpasiya ang dalawa na bumalik na ng Maynila. Marami pang naghihintay na trabaho sa opisina si Maine na hindi maaaring ipagpaliban. Siya kasi ang nag-aasikaso ng kanilang kompanya dahil ipinagkatiwala na ito ng kanyang mga magulang. Idagdag pa na siya na ang susunod na magpapatakbo nito.
Tahimik lamang ang dalawa habang nasa biyahe at walang konbersayon na namamagitan sa kanila. Nakatanaw lamang sa labas ng bintana si Maine habang malalim ang iniisip. Mababakas sa mukha nito ang kalungkutan na hindi maitago-tago. Napansin naman ito ni Alden na binalingan siya ng sulyap habang nagmamaneho.
"Babe, are you alright?" saad ni Alden na nag-aalala sa kasintahan. Batid nito na may kung ano na bumabagabag sa isipan ng dalaga. Tiningnan naman siya nito saka umiling at nagpakawala ng pilit na ngiti. Ngunit alam ng binata na nagsisinungaling ito.
"Babe naman, kilala kita. Alam kong may problema ka," malumanay nitong sinabi at tumingin sa kasintahan ng may nag-aalalang ekspresyon. Napabuntong-hininga na lamang si Maine dahil mukhang hindi siya titigilan ng kasintahan sa pangungulit nito. Kilalang-kilala talaga siya ni Alden at tila ba alam na alam nito kung may sinasarili siyang problema.
"Alden, it's all my fault. Kasalanan ko kung bakit namatay si Marlo." Naiiyak nitong sinabi na mababakas ang pagkadismaya sa tono ng pananalita. Agad namang ipinarada ni Alden sa gilid ng kalsada ang minamaneho niyang sasakyan. Hinawakan niya ang mukha ng dalaga at hinaplos ang pisngi nito.
"Psssh. Don't say that, okay? Walang may gusto sa nangyari," Pagpapakalma nito sa umiiyak na si Maine.
"P-Pero ako ang nagdala sa inyo sa rest house at alam ko na baka sisihin nila ako. Kasalanan ko 'to. Dapat hindi ko na lang kayo dinala doon." sambit nito na hindi na napigilan pang maiyak. Patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito. Sa halip na sumagot, isang mainit na yakap ang iginawad sa kanya ng kasintahan habang hinahaplos ang kanyang likuran.
"Hindi ka nila sinisisi sa nangyari, babe. Alam nila na walang may gusto ng nangyari kay Marlo. At 'yung pagpunta namin sa rest house, kagustuhan namin 'yon. Isa pa, ginagawa na ng mga pulis ang makakaya nila para malutas ang kaso at mahuli ang kriminal." Tuloy-tuloy na sinabi ni Alden habang nakayakap pa rin sa dalaga. Kumalas ito mula sa pagkakayakap at muling hinawakan ang mukha ng kasintahan.
BINABASA MO ANG
The Cursed Book
HorrorThe Cursed Book A Mystery/Horror Story Written by: ElevenXxx Date Started: June 07, 2016 Date Finished: *** All Rights Reserved 2016