KABANATA 16

109 6 5
                                    

"Lies and secrets, Tessa, they are like a cancer in the soul. They eat away what is good and leave only destruction behind."
― Cassandra Clare, Clockwork Prince


          HINDI PA rin maipinta ang mukha ni Liza habang binabagtas ang daan pauwi ng bahay. Lulan siya ngayon ng kotse na minamaneho ng kasintahang si Enrique. Mababakas sa kanyang mukha ang pagkabalisa dahil sa daming bagay na naglalaro sa utak niya. Gusto niyang malinawan sa lahat ng hindi maipaliwanag na bagay na nangyayari sa kanila; ngunit hindi niya alam kung paano.

Natatakot siya. Natatakot para sa maaaring kahantungan ng kanilang kapalaran. Kaya nga hindi na niya maiwasang magalit kanina nang nag-usap silang magkakaibigan. Sa totoo lang, ayaw niyang maniwala sa mga naging rebelasyon ni Nadine at Kathryn. Pero sa sunod-sunod na pagkamatay ng ilan sa kanila, hindi niya mapigilan ang sarili na maniwala.

Hindi rin naman niya gusto na pagsalitaan ng masasakit ang kanyang mga kaibigan. Marami na rin silang masasaya at malulungkot na pinagdaanan kaya naman napamahal na rin ang mga ito sa kanya. Ngunit aminado siya na sadyang nanaig lamang kanina ang takot na baka siya na ang sunod na mawala at galit, sapagkat ayaw niyang madamay sa gulong kinasangkutan ng mga kaibigan.

Ilang saglit pa at huminto na ang kotse. Hindi man lang niya namalayan na nasa tapat na pala sila ng kanilang bahay. Pero kagaya sa buong biyahe, wala pa ring nagsasalita sa kanila. Tahimik lamang siya, ganoon rin si Enrique, mistulang pinapakiramdaman ang isa't isa.

"Liza..." pagtawag ni Enrique sa pangalan niya na bumasag sa katahimikan. Pagkunwa'y hinawakan nito ang kanyang kamay bago muling nagsalita, "Mahal, kahit gustuhin man natin, sadyang wala tayong magagawa sa mga bagay na wala tayong kontrol. But Liza, I promise na hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Nandito lang ako palagi, okay?" mahabang litanya ng kasintahan.

Hindi napigilan ni Liza ang maluha dahil sa narinig mula sa binata. "Thank you, mahal," iyon lamang ang kanyang nagawang itugon. Ngumiti lamang si Enrique at saka siya ikinulong sa mainit nitong mga bisig. Guminhawa ang kalooban ng dalaga dahil sa ginawa nito. Walang pagsidlan ang tuwang kanyang nararamdaman dahil alam niyang may isang taong palaging nariyan para sa kanya; hindi siya iiwan anuman ang mangyari.

"Wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano, okay?" ani Enrique habang hawak ang kanyang mukha saka marahang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. "I love you, Liza. I love you more than my life," turan ng binata na mas lalong nagpaiyak sa kanya—mga luha ng labis na kaligayahan.

"Mahal din kita, Enrique. Mahal na—" Hindi na niya natapos pa ang nais sabihin dahil agad na inangkin ng binata ang kanyang mga labi. Nanlaki ang kanyang mata sa labis na pagkabigla. Ngunit ilang saglit pa, hindi niya napigilan ang init at sensayong nanalaytay sa kanyang katawan. Walang anu-ano'y mistulang kusang gumalaw ang kanyang mga kamay at humawak sa batok ng binata. Mainit, matamis at puno ng pagmamahal—ganoon niya ilarawan ang halik na iyon. Ilang segundo rin na tumagal sa ganoong sitwasyon. At nang tuluyang maghiwalay ang kanilang mga labi, pakiramdam niya ay kakapusin siya sa paghinga

"Mahal mo nga pala talaga ako," banggit ni Enrique, itinaas-baba pa ang kilay habang may pilyong ngiti sa mga labi.

Napairap na lang siya sa kalokohan ng binata. "Ewan ko sa 'yo," anito saka niya ito marahang itinulak dahil sobrang lapit pa rin ng mukha nito sa kanya. Tumawa lang ito at bahagyang pinisil ang kanyang pisngi.

"Pasok na ako sa bahay, ha. Mag-iingat ka pag-uwi," pamamaalam niya sa binata saka ito muling hinalikan sa pisngi.

Tumango lamang si Enrique; naroon pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi. "Good night, mahal. Dream of me," pahabol nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cursed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon