"REST in peace, Kim." may mga luha sa pisnging tinuran ni Nadine saka marahang binitiwan ang hawak na puting rosas. Dumalo ang magkakaibigan sa libing ng dalaga at ang ina nito. Maaaninag sa mukha ng bawat isa ang hindi maitagong kalungkutan.
"Wifey, don't worry. Alam ko na masaya na si Kim ngayon kasama ang nanay niya," turan ni James habang marahang hinahaplos ang kanyang likod. Tiningnan lamang niya ito at kahit paano'y pinilit na ngumiti.
Iginala niya ang paningin upang hanapin ang mga kaibigan. Nakita niya ang magkasintahang Alden at Maine. Mukhang si Enrique at Liza lamang ang wala doon. Nakaagaw naman ng atensyon ni Nadine ang pilit na pagpapakalma ni Kathryn at Daniel sa nakababatang kapatid ng yumaong mag-ina, si Trisha. Agad niya itong nilapitan.
Nang tuluyang makalapit, agad niyang hinawakan sa balikat ang bata. "Trisha, magiging maayos rin ang lahat," aniya. Ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Pinahid niya ang ilang takas na luha sa inosenteng mukha ng kausap. Sobrang sakit para sa kanya na makakita ng isang inosenteng bata na dumaraan sa isang traumatic na pangyayari.
Muli siyang nagsalita. "Alam mo ba kung saan napupunta ang mga mabubuting tao kapag namamatay sila?" Huminto sa paghikbi ang bata, napaisip sa tanong niya. Umiling lamang ito bilang tugon.
"Kapag namamatay ang mga mabubuting tao tulad ni Kim at ng iyong ina, napupunta sila sa langit," turan niya saka itinuro ang bughaw na kalangitan. "At ngayon, sigurado akong binabantayan ka na nila. Nadagdagan na ang mga anghel na magpoprotekta sa'yo." pagpapatuloy niya saka mahigpit na niyakap ang bata.
Ilang saglit pa at natapos na ang libing kaya't unti-unti na ring nagsialisan ang mga tao. Tanging silang magkakaibigan na lamang ang naiwang naroroon. Naging malapit si Kim sa bawat isa sa mga ito kaya't ganoon na lamang ang kanilang pangungulila. Subalit ang tanging magagawa na lamang nila ay ang tanggapin ang mapait na kapalaran ng mahal nilang kaibigan.
Sa huling pagkakataon ay niyakap ni Nadine ang nangungulilang si Trisha. Ngayong araw ay dadalhin na ito sa DSWD. Si Kathryn at Daniel ang nagprisinta na maghatid sa bata.
Pinigilan ni Nadine ang ilang butil ng luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Naaawa siya para sa bata. Alam niyang hindi aksidente ang nangyari sa mag-ina. Mahina niyang hinaplos ang inosente nitong mukha.
"Pangako, Trisha...aalamin ko ang ang misteryo sa likod ng lahat ng ito. Para sa nanay mo at kay Kim...para sa'yo."
***
"UNA si Marlo, tapos si Janella, ngayon naman si Kim. Sinong susunod, ha?" Halos mag-hysterical na tanong ni Liza sa mga kaibigan. Napagkasunduan ng mga ito na mag-usap matapos ang sunod-sunod na pagkamatay ng tatlo sa kanila. Nasa bahay sila ngayon ni Nadine na siyang nagpatawag sa kanila.
Agad sinubukang pahupaan ni Maine ang umiinit na sitwasyon. "Liza, huminahon ka. Hindi makakatulong kung magpa-panic tayo."
Matalim niya itong tiningnan. Kung naaatim ng mga ito na hintayin na lang ang kamatayan nila. Pwes siya, hindi.
"Huminahon? Hindi mo ba napapansin Maine? May gustong umubos sa atin. May gustong PUMATAY sa bawat isa sa atin!" aniya na binigyang-diin pa ang salitang 'pumatay.'
"Don't jump into conclusions, Liza. Maybe coincidence lang ang lahat. Isa pa, wala tayong hawak na mga ebidensya." Mas lalo lamang uminit ang ulo niya sa sinabi ni Maine. Napailing siya at sinubukang pahupain ang galit na nararamdaman. Ngunit wala na siyang magawa. Kailangan na niyang sabihin ang ideyang ilang araw nang gumugulo sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Cursed Book
HorrorThe Cursed Book A Mystery/Horror Story Written by: ElevenXxx Date Started: June 07, 2016 Date Finished: *** All Rights Reserved 2016