[Bad Boy Series #3]
This is a work of fiction. The names, characters, places and events are just the results of Author's imagination. Any resemblance to any person, living or dead and actual events are purely coincidental.
-
Vincent Dale Gonzales- the heir of Gonzales Hotel Chains. He's a certified bad boy. Malakas siyang maginom, manigarilyo, mahilig mag-cutting classes, mahilig makipag-basag ulo at wala siyang kinatatakutan kahit pa ang kaniyang mga magulang. He's a bad ass, asshole, douchebag or kahit ano pang itawag sa mga kagaya nilang walang pakialam kung makasakit sila ng iba. But Vincent is the only bad boy who has a warm heart. Maasahan itong kaibigan, malambing na anak at mapagmahal na kasintahan. Siya lang ang bad boy na loyal sa isang relasyon. Kapag kasi nagmahal siya ay wala na siyang tinitira para sa sarili niya. As in ibibigay niya ang lahat para dito wag lang siyang iwan. And Mia- his long time girlfriend is one hell a lucky bitch.
Akala ni Vincent ay wala ng makasisira pa sa relasyon nilang dalawa ni Mia. But the biggest joke came to his life. Kailangang umalis ng mga magulang niya papunta sa ibang bansa para ayusin ang negosyo doon. Isang buwan lang naman- isang buwan lang naman niya kailangang makitira sa bahay nila Maria. Walang kaso kay Vince 'yon kasi pabor pa nga sakaniya 'yon but Maria hates it. Ayaw nga nitong maging kaibigan siya e, housemate pa kaya?
Maria is his childhood friend- no childhood enemy. Magkaaway sila since birth. Literal na ayaw sakaniya ng dalaga, kesyo ayaw daw nitong magkaroon ng kaibigang katulad niyang gago. Hindi nga siya kinakakausap ng dalaga e. But he's Vincent anyway, wala siyang inuurungan kahit pa ang good girl na ito.
"Isang buwan lang naman e, mabilis na 'yon." Pangungumbinsi niya pa sa dalaga, pero bakit parang sarili niya din ang kinukumbinsi niya? Oo nga Vincent, isang buwan lang and then after that back to normal na kayong dalawa.
Pero peste na yan! Sa loob ng isang buwan, na naging dalawang buwan na pagsasama nila sa iisang bahay ay madami ng nabago. Nakilala na nila ang bawat isa. Naging malapit na din silang dalawa. Nakakatuwa lang na ang dating magkaaway ay magkaibigan na ngayon. Nagbago na ang tingin nila sa isa't isa at pati ang puso nila ay nagkagulo na. Pero hindi pwede! Ayaw ni Vincent, mahal niya si Mia, may girlfriend na siya. Naiinis siya dahil nawawala na sa isip niya na may girlfriend siyang pinangakuan dahil sa sweetness and kindness ni Maria. Pero bakit tumitibok ng mabilis ang puso niya kapag malapit sakaniya si Maria?
"M-aria, please stop doing this. Please don't confuse my feelings. Please don't."
Goddamnit!
He fell in love with other woman. He fell in love with his childhood friend. He fell in love with Maria and he can't help himself to love her even more.
Hindi niya inaasahan na sa loob ng dalawang buwan, minahal na niya agad si Maria. Si Maria na lang lagi ang laman ng isip niya at bukambibig niya. Kaya siguro, natabangan na si Mia at ito na ang kusang nakipag-break.
He feels relieved. Sa wakas, wala na sila! Malaya na niyang pipiliin si Maria ng hindi nakakasakit ng iba. Nagusap sila, nagkaaminan hanggang sa naging sila na din sa wakas.
Malaya na silang nagmamahalang dalawa ni Maria at wala na silang ibang iisipin pa kundi ang bawat isa lang. Pero akala nila ay pang-habambuhay na ang saya sa pagitan nila. Hindi nila naisip na sadyang mapaglaro ang tadhana at hindi pwedeng maging exempted sila doon.
Bumalik si Mia sa buhay nila matapos ang tatlong buwan, dala ang magiging dahilan ng pagkasira sa relasyong iniingatan ng dalawa. At sa desisyong pinili ni Vincent, si Maria ang nasaktan. Nagdadasal siya na sana mapatawad pa siya ni Maria at umaasa pa din siyang maitatama ng pagmamahal ang pagkakamali niya.
Pero ano nga ba ang kayang gawin ng isang bad boy na tulad niya para lang matupad ang mga pinangako niya kay Maria? Pero deserve nga ba ng mga kagaya nila ang makakuha ng 'happy ending'? Or dahil sa gago sila ay wala na silang karapatang maging masaya?
-
My Favorite Mistake / Bad Boy Series #3
Written by: AkoSxiEje
All rights reserved. Copyright © 2016
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake I Bad Boy Series #3
Romance✅ COMPLETED but EDITING ✅ Vincent and Maria's story. Isa lang bang pagkakamali ang pagmamahal na naramdaman ni Maria para kay Vincent? Kelan nga ba naging mali ang pagmamahal?