"Manang, ano pong ginagawa niyo?" Pinatong ko ang orange juice sa lamesa at lumapit ako sakaniya na busy sa pagbubuhat ng mga kahon na mukang galing sa taas. "Ako na po, Manang." Pilit kong kinukuha ang kahon pero ayaw niyang ibigay iyon sakin.
"Ako na anak. Baka mabigatan ka pa. Pinapadala kasi ng Mommy mo ang mga to sa storage room." Nangunot ang noo ko ng tumingin ako sakaniya. Ano kayang meron bakit nag-gegeneral cleaning sila ngayon? Mukang nabasa naman ni Manang ang tanong sa isip ko nang unti unti itong lumapit sakin para bumulong. "Lilipat na daw kasi si Sir Vincent dito mamayang gabi." Ah si Vincent lang pala e.
Si Vincent? ANO? Ngayon na ba ang lipat niya? Naku naman! Bakit di man lang ako na-informe! Huhu.
"Ano Yaya? Si Vincent po? Ngayon na po ba 'yon? Bakit naman po ganon?" Tango lang ng tango si Manang Bing sa mga tinanong ko habang nakatingin ito sa itaas at mukang may inaantay pa siyang paparating na kahon. Nawala na sa isip ko na ngayon na pala siya lilipat. Friday na pala ngayon at itong araw na to ang usapan nila Tita na lilipat si Vincent. "Ah, sige po Manang. Aakyat lang po ako sa taas." Tumango lang siyang muli sakin kaya nanakbo na ako paakyat sa taas. Sinara ko agad ang pinto at pabagsak na umupo sa kama ko.
I started to dialed Faith's account at buti na lang online siya ngayon. Sinagot niya agad ang tawag ko after 3 rings. "Why girl?" Bungad nito sakin. Naka-pink strapless ito na may cupcake na design at mukang kakagising lang niya. Wala kasi kaming pasok ngayong Friday dahil sa pag-reready ng mga estudyante para sa school fair sa Monday. Dapat pahinga ako ngayon pero eto nga, nagulo na ang isip at puso ko sa nalaman ko. "Why you're face is like that? May problem?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"SOS." Sagot ko dito. Alam na niya ang ibig sabihin non. Alam niyang kailangan ko ng tulong niya. We're best friends since high school kaya kilala na niya ako kapag may problema ako. Same with Yasmin pero bihira lang kasi namin siyang makasama kasi sobrang higpit ng Daddy niya. "Lilipat na si Vincent dito sa bahay mamaya. Nagaayos na nga sila Manang e, mukang nililinis nila ang magiging kwarto ni Vincent and guess what girl?" Napa-face palm na lang ako at humugot ng malalim na buntong hininga. "Sa tabing kwarto ko pa talaga ang napili nila Mom." Naiiyak na talaga ako. Alam kong masamang magtanim ng galit sa kapwa pero kung si Vincent lang din naman ay ayos lang. Naiinis kasi talaga ako sakaniya ng walang dahilan. Oo wala ngang dahilan. Basta makita ko pa lang siya, kumukulo na agad ang dugo ko. Hays.
"Hahaha." Tinignan ko siya sa screen at tawa siya ng tawa. Mukang masaya pa siya sa nangyayari sa tahimik kong buhay ngayon. "What's the problem ba? Girl, one month lang naman siya dyan ah. I think wala namang masama doon." Sabi niya sakin sabay inom sa baso niya na sa tingin ko ay milk ang laman non.
"Yes. One month nga lang siya dito pero ang hirap kasi e. Yung lalaking kinaiinisan mo? Makakasama mo sa iisang bahay? Faith, hindi ko ata kayang makita si Vincent araw araw. Sa school pa nga lang, nabubwisit na ako. What more kung sa magkasama pa kami sa iisang bahay diba?" Hindi ko na alam kung ilan na ang lines ko sa noo sa sobrang frustrated.
"Mabait ka naman girl ah? You can do it. Time is so fast naman e. Mabilis na ang 30 days 'no? Kaya mo yan. Don't pansin na lang him na para bang he's air to you." Sabagay, she has the point. Baka nga hindi ko na mapansin na tapos na pala ang isang buwan. Hindi ko na lang siya papansinin na para bang hindi ko siya nakikita. Right. Faith ang genius mo talaga! "Basta if may problem ka, call us na lang. Okay?" Tumango na lang ako at pabagsak na humiga sa kama ko.
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake I Bad Boy Series #3
Romance✅ COMPLETED but EDITING ✅ Vincent and Maria's story. Isa lang bang pagkakamali ang pagmamahal na naramdaman ni Maria para kay Vincent? Kelan nga ba naging mali ang pagmamahal?