Nagmulat ako ng mga mata ko at agad na tumama sakin ang liwanag na nanggagaling sa sikat ng araw. Papikit-pikit pa ako para i-adjust ang mga mata ko ng mapagtanto kong wala pala ako sa kwarto ko. Inikot ko ang paningin ko at nakita kong may brasong nakayapos sa bewang ko.
Agad akong bumalik at nanlaki ang mga mata ko ng makitang mahimbing na natutulog si Vincent. Inisip ko kung anong nangyari kagabi hanggang sa naalala kong nag-drama nga pala si Vincent kagabi kaya dito na ako nakatulog. Pero ang alam ko sa may couch ako natulog e. Hmm...
Baka nag-sleep walk ako. Tama!
Maingat akong bumangon at tahimik na lumabas ng kwarto nito. Pumasok ako agad sa kwarto ko at dumiretso sa CR para maligo dahil may pasok pa kami ngayon. Nagbihis lang ako at mabilis na lumabas ng kwarto ko. Natigilan ako sa paglalakad ng maisip ko ulit si Vincent. Kahit nahihiya ako ay tumigil pa din ako sa tapat ng pinto sa katabing kwarto ko at dahan dahan akong naglakad palapit don at maingat na idinikit ang tenga ko sa pinto. Wala akong marinig na kahit anong kaluskos sa loob at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko. Baka tulog pa nga siya. Madami siyang nainom kaya baka hindi na siya makapasok sa school. Hindi na ako kumatok pa at nag-decide na lang akong bumaba para magluto at kumain na din.
Kumuha ako ng isang sticky note sa bag ko at nagsimulang magsimula.
Please eat this and drink the medicine. Pumasok ka na lang kapag kaya mo na. Ako na lang ang bahala sa professor mo. Sige, ingat ka dito.
Maria.
Siniksik ko sa ilalim ng plato ang note ko for him. I checked again my wrist watch at 20 minutes na lang ay malelate na ako sa klase ko. I drink my milk right away at mabilis na lumabas ng bahay.
~~*~~
Busy ako sa pagsusulat ng may umupo sa tapat ko. Nasa may soccer field ako at iniintay kong bumalik si Yasmin na kausap lang sa cellphone ang Daddy niya at si Faith na kasama si Sean ngayon. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang seryosong muka ni Andrew.
"B-akit?" Alam kong tatanungin niya sakin si Kim dahil matagal ng absent ang kaibigan namin na 'yon. Hindi ko alam ang sasabihin k okay Andrew kapag tinanong nga niya iyon. Ayaw kasi ni Kim na sabihin sa 'pretend boyfriend' niya ang kalagayan niya.
Umangat ang isang gilid ng labi nito. "Nasan si Vincent?" Nakahinga ako ng maluwag sa tinanong niya. Akala ko si Kim ang paguusapan namin e.
"Nasa bahay na. Kagabi lang siya umuwi."
"I see. Pasabi pumunta sa bahay mamaya kung gusto pa niyang mabuhay." Nakangising sabi nito atsaka tumalikod na. Akala ko ay aalis na siya pero may iniwan pa siyang salitang nakagulo ng sistema ko.
Wag mo lang siyang iwan, Maria. Alam kong babalik din siya dating siya. Lalo na't ikaw pa ang kasama niya sa mga oras na ito.
Nagkibit-balikat na lang ako at patay malisya sa sinabi ni Andrew. Kunwari hindi ko gets ang sinabi niya, kunwari wala akong pakialam at kunwari hindi ako apektado.
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake I Bad Boy Series #3
Romance✅ COMPLETED but EDITING ✅ Vincent and Maria's story. Isa lang bang pagkakamali ang pagmamahal na naramdaman ni Maria para kay Vincent? Kelan nga ba naging mali ang pagmamahal?