Present time...
Napahawak ako sa noo ko ng maramdaman ko ang pananakit ng ulo ko. Kulang ako sa tulog dahil sa kakaisip ng nangyari samin ni Vincent sa nakaraan kaya eto ako puyat at parang hinihila pa ng kama para bumalik sa pagtulog. Napatingin ako sa orasan sa side table ko at 15 minutes na lang at six AM na. Gustuhin ko mang wag pumasok pero kailangan.
Wala ako sa sariling kumuha ng roba at dumiretso sa CR. Di ko alam kung gaano ba ako kabilis nakaligo pero eto ako nakasakay na sa kotse ko papuntang Tan Hospital and Medical Center na siyang pinagtatrabahuhan naming magka-kaibigan.
Pinark ko ang kotse ko ng makarating ako sa hospital. I run as fast as I can. Ayokong malate kundi pagagalitan ako ng head namin. Hingal na hingal ako ng makarating ako sa station namin.
"Oh? Bakit hinahapo ka dyan?" Lumapit sakin si Camille at pinaupo niya ako. "Oh tubig." Tinanggap ko ang tubig na iniabot niya tsaka ako nagsimulang magkwento. Pati na din ang muling pagkikita namin ni Vincent kahapon. "T-alaga ba?!" Tumango lang ako. Pagkuwa'y tumili siya ng kay lakas.
"Ano ba naman Camille Audrey Mariano! Ang sakit mo sa tenga." Natatawang sabi ko. Nagpalit na ako ng damit at nagsuot ng puting sapatos. Tinali ko din ang buhok ko at naglagay ng cap.
"Tapos? Anong isinagot mo sa sinabi niya?" Napapitlag ako ng magsalita ito sa may likuran ko. Ang bruha ay sumunod pala sakin.
"Wala. Tinarayan ko siya. Tapos umalis na ako." Pero sa totoo lang, naghalo-halo ang emosyon ko nang marinig ko iyon sakaniya. I don't know kung ano bang dapat kong i-react kaya umalis na lang ako don at nagkunwaring walang pakialam.
"Feeling ko, love ka niya talaga. Buti ka pa nga, love ka pa ng ex mo." Binulong lang niya ang huling salitang sinabi niya. Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi niya dahil alam ko naman ang pinang-huhugutan niya. "Eh naipag-pray mo ba?" Tanong niya.
Tumango lang ako. Oo, pagkauwing pagkauwi ko ay nagdasal agad ako na siyang nakapag-pagaan ng loob ko. "Ah basta. Tara na nga." Kinuha ko ang tray sa may cup board at inayos ang mga gamot na kailangang ipainom at iinject sa mga pasyente ng oras na 'yon. Nakasunod lang siya sakin at plano pa sana niyang kulitin ako ng lumapit sakaniya si Dra. Tin ang apo ng may-ari ng hospital na ito.
"Bye, mag-rarounds pa kami ni Doktora. Mamaya balik ako." Natatawang sabi niya.
"Oo na. Sige na." Pinagtulakan ko na siya palapit kay Dra. Tin at nang tuluyan na siyang nakaalis ay muli na namang bumalik sa isip ko si Vincent. Di ko na lolokohin pa ang sarili ko. Kahit anim na buwan na ang nakakalipas, ang pagmamahal ko para sa bad boy na 'yon ay ganon pa din. Wala man lang nagbago. I still love him.
Vincent, you're really my favorite mistake. My mistake na ayoko ng ulitin ulit.
Napabuga ako ng hangin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Pumunta na din ako sa mga rooms sa floor na iyon at binigyan sila ng mga gamot. Chineck ko na din ang mga dextrose, blood pressure and body temperature nila bago ako bumalik sa station kung saan nandoon na si Camille at busy sa pagsusulat.
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake I Bad Boy Series #3
Romance✅ COMPLETED but EDITING ✅ Vincent and Maria's story. Isa lang bang pagkakamali ang pagmamahal na naramdaman ni Maria para kay Vincent? Kelan nga ba naging mali ang pagmamahal?