Chapter Fifteen (Part 2)

1.3K 35 0
                                    

"Mahal din kita Vincent. Mahal na mahal din kita." Hindi ko napigilang umamin. Napatingin siya sakin at parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Wala namang masamang umamin, mas mabuti na ito kaysa itago ko lang.


"Are you serious Maria?" Takang tanong niya.


Tumango lang ako at matamis na ngintian siya. "Kaya ako umiwas sayo dahil sa natatakot nga akong mas lumalalim pa ang pagmamahal ko sayo. Ayokong masaktan kaya mas pinili ko na lang na layuan ka. Pero habang tumatagal ay ako lang ang nahihirapan. Mahal kita Vincent, totoo 'yon." Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Matamang nakatingin lang siya sakin na para bang ako na ang pinaka-weird na tao sa buong mundo.


"Can you repeat it?"


"Huh? Sabi ko mahal din kita." Sinserong sabi ko. Laking gulat ko ng bigla niyang hinapit ang bewang ko at inilapit sakaniya. He hugged me so tight na para bang sakin siya kumukuha ng lakas para mabuhay. "V-incent." Mahinang banggit ko sa pangalan niya.


"Sobrang saya ko! Salamat Maria! Pangako hindi ka magsisising minahal mo ako!" Napasuntok pa siya sa hangin at natawa na lang din ako. Tama ako ng desisyon! Tama ako! Dahil sobrang saya ko habang nakatingin sakaniya na tuwang tuwa.


Masaya din ako, Vincent. Sobrang saya. Kung ano man ang kaharapin nating problema, alam kong malalagpasan nating dalawa iyon.


~~*~~


Hindi ko alam pero bigla na lang akong nagising sa kalagitnaan ng gabi. Pagtingin ko sa orasan sa side table ay mag-aalas dos na ng madaling araw. Babalik na sana ako sa pagtulog ng marinig kong may nabasag na kung ano sa baba.


Bumilis ang tibok ng puso ko at nawala na ang antok sa sistema ko. Dahan dahan akong bumaba sa kama at kinuha ang medyo mahabang kahoy sa may likod ng pinto ko at maingat na lumabas ng kwarto.


Sinilip ko muna kung saan nanggaling ang nabasag na bagay. Bukas ang ilaw sa may living room at mukang doon may nabasag. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at pigil ang hininga ko hanggang sa makarating ako sa may living room.


"Vincent, nasan ka ba?" Bulong ko. Pinagpapawisan na ako pati ata singit at kili-kili ko sa sobrang kaba. Baka magnanakaw 'yon o ano. Inikot ko ang paningin ko sa buong bahay pero walang tao at miski ang nabasag ay wala naman. "Ano kaya yon? Baka naman pusa lang o ano." Babalik na sana ako sa taas pero laking gulat ko ng may humawak sa kamay ko at tinakpan ang bibig ko. Hindi ako nakapagsalita agad at pakiramdam ko ay maiihi na ako sa sobrang takot. "P-lease. Wag po." Pagmamakaawa ko kahit pa tinakpan niya ang bibig ko.


"Wag kang matakot. Relax lang." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses niya. Pamilyar iyon at hindi ako pwedeng magkamali. "Sumama ka sakin. Halika." Bulong pa din niya. Hindi agad ako nakakilos at parang hindi pa nagpa-function ng maayos ang utak ko kaya naman binuhat na niya ako ng pa-bridal style at dinala sa may garden.


"V-incent." Sa wakas, nakapagsalita na din ako. Yes, si Vincent ang nagdala sakin dito.


Ngumisi lang siya atsaka lumayo sakin. May pinindot siya ng kung ano at nagbukas ang parang christmas lights sa may garden. Sobrang ganda. Puro puti ang ilaw at don ko nakita ang naka-set up sa may garden. May picnic cloth at may mga pagkaing nandon. Nakatulala lang ako hanggang sa bumalik si Vincent at may dala na itong isang tangkay ng red rose.

My Favorite Mistake I Bad Boy Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon