Chapter Two

2.7K 50 11
                                    

Maria's point of view.


10 months ago...


Nakatingin lang ako kay Faith habang patuloy lang siya sa pagkukwento sa naging encounter nila ni Sean- ang kaniya 'daw' one and only love. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil ramdam ko ang sobrang kaligayahang nararamdaman niya ng mga oras na to. She really loves Sean since time immemorial. And finally, napansin na din siya ng crush niya.


"Masaya ako for you girl! Keep it up!" Natatawang sabi naman ni Yasmin dito sabay ikot ng mata. Napahawak ako sa bibig ko at mahinang natawa.


"Ah basta! I'm sooo happy!" Humagikhik pa ito sabay flip ng hair. Wala na kaming naging komento pa ni Yasmin dahil sanay na sanay na kami kay Faith. Ganito na talaga siya simula ng high school.


Nagpaalam na si Yasmin samin ng dumating na ang sundo niya. Umupo muna kami ni Faith sa may waiting shed para intayin ang kaniya-kaniya din naming sundo. Wala si Kim ngayon at hindi siya nakapasok dahil sa ginawang pang-aaway ng grupo nila Liza sakaniya.


Sana po Lord God, alisin niyo na po ang selos, galit at inggit sa puso ni Liza at pati na din ang mga kaibigan niya. Piping dasal ko bago bumaling kay Faith na kanina pa ako niyaya na samahan siyang pumunta ng mall para bumili ng mga libro. Sasagot na sana ako sakaniya sakto namang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa. Kinuha ko iyon at binasa agad. And it was from my Mommy.


Please come home early. We need to tell you something important hon. I love you!


Hindi na ako nagreply pa sa text ni Mommy at binalik ko na lang sa bulsa ko ang cellphone ko. Humarap ulit ako kay Faith na mukang kanina pa inaantay ang pagpayag ko. "Sorry Faith, di talaga kita masasamahan ngayon sa paghahanap mo ng libro ni Johanna Lindsey. Nagtext kasi si Mommy e, may sasabihin daw siya sakin at mukang importante pa iyon. Sorry talaga ha. Ingat ka!"Lumapit ako sakaniya para yakapin siya.


"That's fine with me. Take care also! Please say hi na lang for me sa parents mo, Girl." We waved our goodbyes to each other bago ako lumabas ng gate. Gustuhin ko man na intayin na si Mang Ricky- ang driver ni Faith bago umalis pero mukang importante kasi ang sasabihin ng parents ko. My Mom and Dad used to call me if may sasabihin sila or what at nagtetext lang sila kapag importanteng bagay. Kagaya lang ngayon.


Paglabas ko ng campus ay siyang dating ni Mang Edgar. Siya ang family driver namin, but mostly ako lang talaga ang pinag-mamaneho niya dahil hindi ako marunong mag-drive. "Good afternoon po Ma'am Maria." Nakangiti agad na bungad sakin ng matandang driver.


Sinuklian ko din naman agad ng matamis na ngiti si Mang Edgar. "Magandang hapon din po Manong. Kamusta na po pala ang anak niyo? Nakalabas na po ba siya sa hospital?" Saglit niya akong nilingon bago muling humarap sa daan.


"Okay na po siya Ma'am Maria. Nagme-maintenance na lang po siya ng gamot at ayun nga po, linggo linggong dapat bumalik sa hospital para ma-monitor ang puso niya. Mahirap po lalo na sa panggastos kaya po maraming marami salama po talaga sa tulong niyo, Ma'am. Kung hindi po dahil sainyo baka po wala na ang anak ko." Malungkot na tinuran ni Mang Edgar. Parang maiiyak pa siya kaya marahan kong tinapik ang kaniyang balikat. Muli niya akong nilingon at tipid na ngumiti.

My Favorite Mistake I Bad Boy Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon