Chapter Fourteen

1.3K 29 0
                                    

Bakit kahit kuha mo naman na ang gusto niyang sabihin, pinipigilan mo pa din ang sarili mong wag 'yon ang isipin kasi baka umasa ka lang at masaktan. Pero sa sinabi ni Vincent kanina, alam ko sa sarili ko na naguguluhan siya sa feelings niya sakin dahil may mahal siyang iba.


"Mahal na din kaya niya ako?"


Aish Maria! Of course not! Naguguluhan lang siya but that doesn't mean na mahal ka na niya.


"Pero sabi niya miss na miss na niya ako?"


Namimiss ka lang niya kasi iniiwasan mo siya. 'Yon lang! Wag kang umasang mamahalin ka din niya!


Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Nalilito na talaga ako, hindi ko na talaga alam kung ano bang gustong iparating ni Vincent.


Humiga ako sa kama ko at nagtalukbong ng comforter. Muling nag-flashback sa isip ko ang mga sinabi ni Vincent kanina.


"M-aria, please stop doing this. Please don't confuse my feelings. Please don't."


"The moment I saw you with that guy again, smiling to him, laughing with him, talking to him, nasasaktan ako. Di ko alam kung anong nangyayari sakin. Pero Maria, ayokong nakikita kang may kasamang ibang lalaki. Gusto ko sakin ka lang, gusto ko akin ka lang. Please."


"Vincent dahil sa sinabi mong 'yon. Mas lalo lang akong naguguluhan sayo."


Dahil sa kakaisip ko sa bad boy na 'yon, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako kinabukasan na masakit ang ulo at paga ang mga mata kakaiyak. Hays. Hindi na ata matatapos tong problema ko sa pagibig.


Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maligo at magbihis. Pupunta na lang ako sa mga kaibigan ko. Baka sakaling umayos ang pakiramdam ko kapag nakausap ko sila. Simpleng white loose shirt and black shorts lang ang sinuot ko. Hinayaan ko na lang na naka-lugay ang mahaba kong buhok at nagsuot na ako ng white shoes bago lumabas ng kwarto ko.


Tumigil muna ako sa tapat ng pinto ni Vincent at maingat na itinapat ang tenga ko sa pinto. Walang ingay sa loob at kahit aircon ay hindi tumutunog. "Baka umalis na siya." Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga bago tuloy tuloy na lumabas ng bahay. Nilock ko lang ang bahay atsaka pumara ng taxi.


Habang bumabyahe ako isa lang ang nasa isip ko. 'Yon pa ding sinabi ni Vincent kagabi. Mukang hindi ako makakamove-on sa sinabi niya. Hays.


"Manong, dito na lang po." Nagbayad lang ako saglit bago bumaba ng taxi. Wala akong kabuhay buhay ng maglakad ako palapit sa condo unit ni Faith sa may Quezon City. Bago pa lang akong mag-dodoorbell ng may humawak na sa kamay ko.


"Maria!" Hindi ako nakapag-react agad ng sabay sabay nila akong niyakap. "Namiss ka namin girl!" Nagtatalon pa silang dalawa habang yakap yakap ako. Hindi ko na din naman naiwasang mapangiti. Tamang tama lang ang desisyon kong puntahan ang mga kaibigan ko. Somehow, nawala sa isip ko ang pinagsasabi ni Vincent.

My Favorite Mistake I Bad Boy Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon