Chapter Six

1.4K 36 1
                                    

Nakakailang paikot ikot na ako sa kama ko pero hindi pa din ako tinatamaan ng antok. Ay talaga nga namang tinamaan ng lintik o! Bumangon ako at ginulo gulo ang buhok ko. Nakokonsensya ako dahil sa itsura ni Vincent kanina. Alam kong hindi ko dapat sinabi ang masasakit na salitang 'yon kahit pa yun ang totoong nararamdaman ko. Hindi man lang ako nagisip na baka makasakit ako ng damdamin.

Tama siya. Good girl ako pero mukang hindi na.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang magdasal. Masyado ng malaki ang kasalanan ko at nahihiya na ako sa Panginoon.

"In the name of the Father and of the Son and the Holy Spirit. Amen." I closed my eyes and started to pray.

Lord, patawarin Niyo po ako sa mga masasakit na salitang nasabi ko kay Vincent. Alam ko pong hindi ko po dapat iyon sinabi sakaniya. Nagpadala po ako sa sobrang galit kaya hindi ko na po na-control ang sarili ko. Masyado po akong nagagalit dahil lang sa bad boy siya. Pero hindi ko po naisip ang pangaral Niyo na hindi po ako dapat naging ganon. Lahat po kami ay pantay pantay lang, mabait ka man o masama. Anak Niyo pa din po kami. Isa pa po, alam ko pong may plano po Kayo para samin, kaya po siya tumira dito sa bahay at kaya po umalis sila Yaya. At kung ano man po ang alam Niyong tama, magtitiwala po ako Sainyo. Lord, inaamin ko na din po na gwapo po talaga si Vincent. Pero sana po hindi na po maulit ang pagkabog sa dibdib ko sa tuwing kasama ko siya. Please po.

Amen.

Bumalik ako sa pagkakahiga bago muling pinikit ang mga mata. Ngayon, at peace na ang isip ko at isa lang ang nasa isip ko ngayon.

Ang humingi ng sorry kay Vincent bukas na bukas din.

We're not friends, yeah. But we're housemates now at mahirap maging masaya kung ang kasama mo sa bahay ay galit sayo. Sana lang mapatawad niya ako.

~~*~~

Maaga akong nagising para magluto ng umagahan namin. Wala ng magaasikaso saming dalawa ni Vincent kundi ang isa't isa na lang. Magtatatlong araw na din simula ng maiwan kaming dalawa dito sa bahay. So far, wala namang kakaibang nangyayari. Dahil sa nakalipas na mga araw ay lagi namang wala si Vincent. Alam kong pinupuntahan niya ang girlfriend niya kaya wala siya dito.

Mushroom and egg white omelette ang niluto ko. Sinearch ko lang naman 'yon sa internet, first time ko kasing magluto ngayon. Although may alam ako pagdating sa pagluluto. Ngayon ko pa nga lang siya na-apply. Yung mabilis na ang napili kong lutuin para makapag-simba ako ng maaga. Nag-toast na din ako ng bread at naglabas ng mga paalam, strawberry jam, peanut butter, cream cheese and mayonnaise. Hindi ko kasi alam ang favorite niyang palaman kaya inilabas ko na lang lahat para may choices siya. Nag-fry na din ako ng ham, bacon and hotdogs just to make sure na kakain siya. Hindi ko alam kung mas prefer niya ang bread or rice sa morning pero sana magustuhan niya tong inihanda ko.

Opo, peace offering ko po talaga to.

Hindi ko kasi alam kung paano siya kakausapin e, natatakot kasi akong malamang galit pa din siya sakin. "Hays. Bahala na nga." Tumayo ako matapos kong ayusin ang mga niluto ko sa lamesa atsaka umakyat na pabalik sa kwarto ko. Magaayos na muna ako para makapasok na ako sa school. Maaga kasi kaming pinapasok since school fair ngayon.

Simpleng faded jeans and lavender polo shirt ang sinuot ko. Hinayaan ko na lang na nakalaguy ang bagsak kong buhok. Naglagay din ako ng polbo sa muka at lipgloss. Nang makitang ayos na ako sa salamin ay kinuha ko na ang bag at iba ko pang mga gamit atsaka lumabas ng kwarto.

Tumigil muna ako saglit sa katabing kwarto ko. Inilapat ko ang tenga ko sa pinto para pakiramdam kung may tao pa. Pero bukas ang aircon kaya sure akong tulog pa si Vincent. Yes, dito siya natutulog sa katabing kwarto ko. Di ko alam kung sinong nakaisip ng ideya na 'yon pero di na ako nagreklamo pa.

My Favorite Mistake I Bad Boy Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon