"Anong sabi?" Tanong agad nina Yasmin matapos kong maibaba ang cellphone.
"Oo daw. Pupunta daw sila, kasama niya iyong best friend niya." Sabi ko sa dalawa.
"Best friend?" Chorus na tanong ng mga ito. "Omy! Is Camille here in the Philippines?!" Tukoy ni Faith sa best friend ni Kim. Tumango ako pagkuwa'y nagtilian ang dalawa.
Never pa naming nakausap or nakita si Camille sa personal dahil nasa South Korea ito. But we already saw her pictures, and she's really beautiful. Excited na din kaming magkita ito dahil sa mga kwento ni Kim ay mabait at medyo 'luka-luka' din ang best friend niya kagaya nila Yasmin.
"Oh shit! Tara na, mag-ready na tayo!" Excited na bulalas ni Yasmin. Tumayo na ito at naglakad papunta sa walk-in closet ko para maghanap ng damit na susuutin namin.
Nito lang namin nalaman na may party pa lang gaganapin dito sa bahay ngayon. Pa-'welcome' party iyon ni Vincent sa sarili niya at nagimbita ito ng ilang mga kaibigan. Wala pa ngang balak saking sabihin ng bad boy na 'yon kundi lang kami bumaba nila Faith kanina para mag-swimming. Inaayos ang living room hanggang sa may garden. May mga high tables na nagkalat tapos may mahabang lamesa sa may garden at may nakalagay na ding mga pagkain. Kahit nga sa may bar sa loob ng bahay ay may bartender na nakatoka doon at madaming alak din na naka-ready. They even set an improvised stage sa gitna ng malawak naming garden.
I called my parents after that, at ang sabi nila ay pumayag silang mag-party dito sa bahay. Wala naman akong nagawa kundi ang umoo na lang. Plano naming magkulong na lang sa kwarto ko at doon manood ng TV habang nagpaparty sa baba since sound proof naman sa room ko. Pero eto nga si Faith, kinukulit kami na umattend ng party na hindi naman kami invited.
Dahil sa 'biglaang' party na ito kaya ang dalawa ay hindi prepared. Buti na lang at hindi nagkakalayo ang mga katawan namin kaya kasya sakanila ang iba kong damit.
"Eto na lang kaya?" Sabi ni Yasmin sabay labas ng color red orange spaghetti strap dress na above the knee ang haba. Tumingin siya samin ni Faith at umiling lang kami. Muling naghanap ng damit si Yasmin sa closet ko at ng may makita siyang color pastel green na long sleeved na hapit sa may balakang. "Here! Mukang bagay ito sakin." Hindi na niya inantay ang komento namin ni Faith at mabilis itong nagbihis.
While we're waiting for Yasmin to finish ay nagsimula na din kaming maghanap ni Faith ng damit. Plain dark pink na crop top at black fitted skirt ang pinili ni Faith habang color light purple na maluwag ang sleeves at above the knee ang akin.
We both changed our outfit ng matapos kaming maligo atsaka bumalik sa may kama para antayin sila Kim. Nakaupo lang ako sa may tapat ng salamin habang si Yasmin naman ay tahimik na nanonood ng TV.
"Can you put down the noise? Ang ingay girl!" Iritadong saway ni Yasmin kay Faith na kasalukuyang nagpapatuyo ng buhok gamit ang blower. Hindi naman natakot si Faith at inirapan lang si Yasmin.
Natapos na si Faith sa pagaayos ng buhok kaya nag-decide muna kaming bumaba para intayin sina Kim. Nagtext na ang mga ito at malapit na daw ang dalawa sa bahay. Wala pang tao sa baba kaya mabilis kaming nakapuslit palabas. Umupo kami sa kahoy na duyan na nasa gilid ng bahay malapit sa may gate. Kasya ang walo dito dahil magkabilang side ang duyan.
Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano at masayang nagtawanan. Kahit maingay sa bahay dahil sa malaking speaker doon ay hindi iyon naka-gulo saming tatlo.
"Naku! Si Daddy, nagpaparinig sakin nung isang araw. Gusto na daw niyang magkaasawa kami ni Liza. At ang magaling kong kapatid, ayon pinipilit si Daddy na i-arrange marriage sila ni Andrew! Ang landi talaga! Kaloka!" Gigil na gigil si Yasmin habang nagkukwento. Natawa na lang kami sa itsura niya.
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake I Bad Boy Series #3
Romance✅ COMPLETED but EDITING ✅ Vincent and Maria's story. Isa lang bang pagkakamali ang pagmamahal na naramdaman ni Maria para kay Vincent? Kelan nga ba naging mali ang pagmamahal?