Chapter Seventeen

1.4K 28 12
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan ko ang doorknob ng kwartong inookyupa ni Vincent. Nang buksan ko iyon ay pumikit ako sandali bago ako pumasok sa loob. Walang tao sa loob ng kwarto at tanging si Vincent lang na mahimbing na natutulog ang nakahiga sa kama.


Maingat akong naglakad palapit sakaniya at umupo sa tabi niya. Dahan dahan kong hinawakan ang muka niya at napa-kislot ako dahil parang may kung ano akong naramdamang dumaloy sa buong katawan ko.


Kuryente?


Di ko alam!


Di ko na alam kung gaano na ba katagal kong tinititigan ang muka niya. Sobrang himbing ng pagkakatulog niya at wala pa ding pinagbago ang maamo niyang muka. Ang gwapo niyang muka na mukang anghel pag natutulog pero kapag gising ay parang dragon.


"Wala ka pa ding pagbabago. Ikaw pa din ang Vincent na minahal ko." Di ko na naiwasang mapangiti ng malapad. Kahit anong gawin kong pagtatago ng feelings ko para sakaniya ay kusang lumalabas iyon kahit di ko gustuhin.


Kaya ko pa sanang tignan ang muka niya ng matagal kundi lang may pumasok sa kwarto at naglikha iyon ng ingay.


"Nurse, kamusta na ang kaibigan namin?" Pamilyar sakin ang boses na iyon. Kundi ako nagkakamali ay si Sean iyon. Tumayo ako at nanatiling nakatalikod sakanila. Kunwaring inayos ko ang dextrose ni Vincent at tinignan ang benda sa may balikat niya na may dugo na. Maingat ko iyon pinalitan nang maramdaman kong umupo sila sa may mahabang upuan sa gilid ng hospital room.


"Nahuli na ba ang may gawa nito? Tangina niya! Hindi ko tatantanan ang may gawa nito sa kaibigan natin." Mahinang sabi ni Lawrence pero dahil sa sobrang tahimik sa loob ay narinig ko ang sinabi niya.


"Mukang malaki ang galit nang gumawa nito kay Vince." Mariing sabi ni Tyler sa mga kaibigan.


"Ang sabi may nakakita daw sa nangyari. At hinuhuli na daw ng mga pulis ang may gawa nito sa kaibigan natin." Komento naman ni JP. "Pero ano ba talagang nangyari? Bakit binaril si Vincent ng mga iyon?" Puno ng pagtatakang tanong pa nito. Natigilan ako sa ginagawa ko at nanatiling tahimik habang nakikinig. Iyon din ang gusto kong malaman. Bakit binaril si Vincent? Oo, bad boy ang isang to pero alam kong di naman gagawa si Vincent ng mga katarantaduhan para lang ikapahamak niya.


"Malaki ang galit ng mga iyon kay Vincent gawa ni Mia. Ang alam ko yung leader ng mga iyon ay matagal nang may gusto kay Mia." Natigilan ako sa ginagawa ko at dahil sa pagkagulat ay nabitawan ko ang tray na hawak ko na may lamang mga gamot. Lumikha iyon ng ingay kaya tumigil sa paguusap ang mga ito.


"Tulungan na kita, Miss." Sinserong offer ni Sean. Tumango lang ako at tinulungan niya akong ayusin ang mga gamit. Di ako nagsalita at tumango lang ako sakanila atsaka lumabas ng kwartong iyon. Buti na lang naka-face mask ako kaya hindi nila ako nakilala.


Nanginginig ang buong katawan ko nang bumalik ako sa station. Lumapit sakin si Gigi at puno nang pagtataka ang buong muka niya habang nakatingin sakin. Umiling lang ako at tipid na ngumiti. Nang maiayos ko ang mga gamit ko ay dumiretso ako sa CR at nagkulong doon.

My Favorite Mistake I Bad Boy Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon