stalking entry1:mr.??

97 1 0
                                    

Fatima's POV

"I want you to become stalker"

Oh my gash!

Stalker?

Ang pagkakaalam ko isa lang ang iniistalk ko..

***
Fatima Tolentino

Matagal na ako dito sa school na ito pero walang may kakilala sakin bukod lang dun sa mga naging classmates ko, kaso laging sila at sila lang din ang mukhang nakikita ko sa araw-araw. Grade 10 student na ako pero wala naman akong pakelam sa paligid ko,basta't hindi tungkol sakin..

Basta ang best friend ko lang ang books at cameras,madali lang naman akong marecognize dahil sa earphone at bangs na tumatakip na halos mata ko, bag pack at laging mag-isa.

My classmates also know me as NSC or Never spoken classmate..

I don't know kung sino ang nagpangalan sakin nyan ang alam ko lang narinig ko lang yan sa kanila.

"Wow, Kristina ano yung bagong pocket book mo??" Tanong ni Louis dun sa kaibigan nya..buti na lang at mahina lang yung sound ng earphone ko kaya naririnig ko pa sila.

"Stalker"sabi ni Kristine sabay tingin sakin, kahit hindi ako nakatingin kita ko parin iyon sa peripheral vision ko, hindi ko sya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa.

"Parang ang boring nyan" sabat pa ni Louis,huh? Mas boring pa kaya yung binabasa nya.

"Hindi naman, interesting kaya kasi its all about a guy, a loner one..who is actually weird, he fell in love in a famous girl at school and he always stalked to the girl..and..that's all hindi ko pa kasi sya nayayari, alam mo actually dalawa lang ito sa library baka there's somebody who already finished it" kairitang sabi ni Kristine, tapos Tama bang tumingin sakin habang kinukwento iyon??

"Yuck! Parang hindi ko matake kung merong stalker na aaligid sayo tapos weirdo pa" sapaw! Asar itong dalawa ah! Kala mo kung sinong maganda.

Biglang lumapit si Nica at biglang pinatid ni Kristine..sama talaga ng ugali nya. Nadapa tuloy sya at nasagi yung mga aklat ko.Tinulungan ko syang tumayo at saka pinulot yung mga libro,

"Aw..so best friend na pala sila ngayon, so happy"nag smirk pa sya,meron talaga syang gustong iparating..kaya bigla kong napansing may nakasingit na isa pang libro.

Stalker..

So ako pala talaga ang pinatatamaan nya? Hindi ko na lang pinahalata at bumalik na lang ako sa upuan. Binuklat ko yung libro.

"Fatima na may gusto kay Raven Flores" nanlaki yung mata ko ng nabasa ko iyon, how did she-- argh! Yes! She's right pero crush ko lang yun kapag may programs.

I admit he's a great dancer and he moves smoothly and clean, maangas kasi yung dating nya kaya I'm one of the students who fall from his charm. tumingin ako sa kanya ng masama at kinuha ko yung papel sa aklat.

Mas magandang umiwas muna dahil baka kung ano pa isipin ng bruhan iyon! Pinalitan ko na lang yung music sa phone ko at nilakasan para wala na akong marinig pa dyan sa bruhang yun.

Tumayo na ako at tinapon ang papel sa basurahan,napatingin ako dun sa labas dahil sa tabi lang ng pinto yung basurahan namin kaya dito makikita mo yung katapat ng room namin, class-2 kaya ito ng grade 10? Siguradong madalas ko syang makikita...

Kaso biglang may late na pumasok sa room nila..si Proxima mali class-8 pala ito,, kasunod nya yung mga alalay. Biglang tumingin sakin yung nahuhuling babae si Chelsie kaya umiwas lang ako at bumalik na sa upuan ko.

Sakto naman at dumating na si Sir kaya tinanggal ko na yung earphone ko..

"Good morning, nice to meet all of my new students, ako nga pala ang magiging adviser nyo for the whole year,,teka kulang kayo" kinuha ni Sir yung papel ng enrollment, mukhang binabasa nya kung sino ang bagong mga pumasok sa section namin.

Diary ng StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon