#14: school fest

41 0 0
                                    

Fatima's POV

Napatanaw ako dun sa lalaking nakacap at nagiintay sakin dito sa work ko,nakatingin tuloy sakin si ate Joy,lam nyo ba yung tinging nakakaloko? Pakiramdam ko yun un ea!

"Hanggang anong oras mo yan gustong paghintayin?" Nakangiting sabi ni ate Joy,habang nagpupunas kami ng mga tables tutal pasarado na kami.

"Tsk! Hayaan mo nga sya" yung ngiti nya kasi parang aso.

"Naku!! Kaya ka NBSB"pagkasabi ni ate Joy bigla nyang hinila yung kamay at biglang itinaas napatingin samin si boss, mabait naman sya wala ngayon si Kuya kaya yung asawa nya ang bantay dito.

"Yes?"

"Ako na po gagawa ng gawain ni Fatima may DATE pa po sya ng boyfriend nya!!!-----"bigla kong tinakpan ang bibig nya, leche hiniyaw ni ate Joy yun kaya naman tumingin lahat sa gawi namin yung iba naming customer.

"Sure!"pagkasabi pa lang ng boss namin,binitawan ko na din bibig nya kaso paking tape bigla nya akong tinulak buti na lang napigilan kong bumagsak,pagkaharap ko malapit na sakin si Rinoa..

Teka? Sasaluhin nya ba dapat ako? Nakaform kasi syang tatabanan nya ako,pero umiwas din sya ng tingin at umayos na kami pareho.

"Ayyyiiiiieeee!! Nagkahiyaan pa sila?"malanding sabi ni ate Joy, bwiset pakiramdam ko tuloy nagiinit mukha ko!!

Bakit!!! Hindi naman ako nagreact? Diba dapat pareho kaming depensive? Fish cake umurong na naman dila ko.

Biglang dumaan si ate Joy at tinap ang shoulder ni Rinoa,at may binulong dito..

"Ano nga pala sinabi ni ate Joy?" Pagtatanong ko pagkalabas namin ng resto.

"Hindi importante" ea? Bakit Hindi sya makatingin sakin? Nasa sahig ba mukha ko?

"Tsk! Yung totoo? Kasi naman eh! Sabihin mo na,promise hindi ako magagalit"pagmamaktol ko,Hays..ano naman ba big deal sa sinabi ni ate Joy.

"Sure ka?" Tumango naman ako,tumingin na sya sakin kaso pagtapat namin sa isang post light..namumula ba SYA? Or imagination ko lang iyon?

"Gumamit daw ako ng condom paggumawa daw tayo ng milagro" bigla akong natigil sa sinabi nya..pakiramdam ko pati ako namula sa sinabi nya..

Sana pala hindi ko na tinanong...

Bwiset ka ate Joy!!!!!!!! Takte!! Nagiinit mukha ko!!!napahawak ako sa pisngi ko both hands.. kunwari tinatampal ko sarili ko.

Natahimik tuloy kami bigla..gosh! Ano gagawin ko?

"ahhh!!?? Naku!! S-si ate Joy talaga huwag k-kang naniniwala dun" natigilan ulit kami pagkayari ng sinabi ko,nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang mapatigil kami sa kanto kung saan na yung bahay nila Tita.

"Ahh..sige mauuna na ako" sumilip muna ako sa kanto,pagkasabi ko nun napaharap ako sa kanya, nakatitig pa sya sakin?

"Ahhh..ganun ba sige"bigla nyang hinila yung kamay ko,Kaya napadikit ako sa kanya..foot spa!!!

Bago pa ako makalayo sa kanya hinalikan nya na yung pisngi ko pero saglit lang, napahinto nya ata pagikot ng mundo ko ng ginawa nya iyon..

"Good nyt" natuhan lang ako ng sinabi nya iyon ng nakatalikod sakin..

Bakit kinikilig ako..

***

"Guess who's with him?" Sabi ko kay Xyma, I wonder kung hanggang saan ang magiging kahihiyan nya ngayong araw.

Buti na lang at sinundan ko sya kagabi,panget na nga ang boses nya may bonus pa nakakuha pa ako ng picture ng hinalikan sya sa pisngi.

"Who's this girl?"

Diary ng StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon