Fatima's POV
Lunch time**
As usual ako ang babaeng takot sa tao kaya saan pa ba ako matatagpuan..dito lang naman sa usual spot.
"Bakit kailangan mong maging loner lagi?" Napatingin ako dun sa tumabi sakin, bwiset halos mabilaukan ako dun sa kanin na kinakain ko..
I look away, nakakahiya asal baboy ako kung kumain to mention sa harap pa ng crush ko.
Pagkaharap ko sa kanya,inalok nya ako ng foods pero tumanggi ako, kahit papano naman ayoko ng nanghihingi. Umiling-iling ako pero mukhang hindi sya considered dun.
Kumuha sya ng spoon,teka? Ako gagawin nya..susubuan nya kaya ako? Whiiieee!! Kung oo katulad ng mga napapanood ko sa mga palabas waahh!! Kilig to the bones..
Napangiti naman sya at binuksan nya yung cup noodles (taghirap po ea walang chopstick) at sinubuan YUNG SARILI NYA!!
ASSUMERA!!
Pagkayari kong kumain tumayo na ako para umalis,kailangan ko pang pumunta kay Sir..
Kaso bigla nya akong hinawakan ang braso ko, napalingon ako sa kanya and he's not looking at me instead he is just staring at his cup noodles..
Buti pa cup noodles tinititigan nya pero ako ETSYAPWERA!
"Sana kahit minsan mapagod ka ring mag-isa"
Huh!?
Bakit ganun pakiramdam ko ang bigat ng loob nya ng sinabi nya iyon, parang may kumurot sa puso kong nagyeyelo.
Pero ang bruha inunahan ako sa pagwalk out!
Pero while looking at his back..nakokonsensya ako..
Bakit ako nakakaramdam nito?
Samantalang wala naman akong ginagawang hindi maganda, siguro tama naman ang sinabi sakin ni mama..
I'm such a cold hearted..
Hindi marunong masaktan at puno ng galit sa mundo...
****
"Fatima you're good at capturing at different angles, its beautiful because you get the perfect angle..but it so empty, maybe you should go and find some reasons why you're doing this? Find some inspiration to make your photos become meaningful and full of love"
Nanloloko ba si coach? The heck that I'm doing that, empty ba talaga yung gawa ko, tsaka paano naman nya yun malalaman.
Kadaming kaek-ekan, ganun na ba ako kawalang emosyon? Hmp! Porquet wala lang si Anne, ako na itong pinagdidiskitahan ni Sir.
"Okey" tipid kong sagot,kinuha ko na lang yung gamit ko..
Fishcake..naman oh!
Nasabit pa yung palda ko sa turnilyo nabutas tuloy,bugbugin ko tong upuan haharang harang..
habang nakatalikod at pinagagalitan yung arm chair, narinig ko na lang yung boses ni Sir.
"Yung topic mo its aloneness"
Aloneness ako ba yung tinutukoy nya? Nanadya ata itong si Sir, pwede selfie?
Nakikiuso lang, naku baka pagginawa ko yun gawin lang panakot sa mga insekto yung picture ko.
Pansin nyo ba lagi na lang akong minamalas? Kasi ramdam na ramdam ko ea..
Naglakad na lang ako palayo, nagplug na lang ako ng earphones.. sana pala kanina hindi ko sya binigyan ng panyo, naku baka nagsuicide na yun.
BINABASA MO ANG
Diary ng Stalker
Teen FictionI never expect na ang isang simpleng shot ng picture ay magbabago ang buhay ko, from the past I was a loner pero dahil sa kanya natuto akong ngumiti, tumawa,at magmahal ng palihim. Dahil sayo hindi ko namalayan na napasama na pala ako sa mga stalker...