Fatima's POV
"Diary? Pwede bang pakibalik na lang yung araw na nabangga ko si Chelsie?"
"Waaaahhhh!!! Mamatay na ako!!!"
"Stalker??"
"Sana private investigator ang kinuha nila hindi stalker"
Niyakap ko yung diary ko,dati ang laman nito puro pagpapantasya ko kay Raven ngayon..
"Kamatayan ko na ang kasunod" nagpagulong gulong ako sa kama, at napatingin sa pera..
One hundred thousand pesos yun,ganon sila kayaman at handa silang magbayad para sa mahal nila?
Kaya nakakatakot magmahal..
Biglang may kumatok sa pinto kaya mabilis akong tumayo at binuksan iyon, biglang pumasok si Jay,pamangkin ko ko he's 10 years old anak nila kuya Sed.
"Hay! Tita Timmy pwede po bang samahan mo akong bumili dyan ng napkin?"
Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Jay..kalalaking tao NAPKIN! yung bibilhin?
"B-bakla k-ka ba!!" Binatukan ako ni Jay..Pasalamat sya at naabot nya ako dahil nakaupo kami sa kama.
"Si mama may kailangan nun" ano pa ba magagawa ko? Lumabas na kami ng disoras ng gabi para lang sa Napkin.
Pagkadating namin sa isang grocery, kumuha narin ako ng cart at bibili narin ako ng mga cup noodles at mga miryenda ko after work.
Humiwalay sakin si Jay,pero pagkatingin ko sa napkin section..may kaholding hands na!!??
"Hoy! Ano yan?" Napahiwalay sila ng hawak..
"K-kaibigan ko po" pero natawa yung batang babae.. sa pagtawa ng bata parang there's something hit me..
Bigla akong nakaalala..parang ganyan kami dati ni Peter,,childhood friend at first puppy love.
"Weh?" Umupo ako parang shoulder level para maabot ko sila, "what's your name sweetie?"hindi nya ako sinagot ng direct. Kundi binulungan nya ako.
"Cindy po,ate alam nyo po lagi po nya akong inaaway"natawa naman ako dun kaya tumayo na ako.
"Hoy! Jay uwi na tayo paalam ka na sa gerlplen mo" hindi nakapagreact yung pamangkin ko, ginulo ko yung buhok nya.
"Cindy paalam na daw yung sweetheart mo" panloloko pero tumawa lang si Cindy, iniwan na namin si Cindy sa grocery.
Pagkauwi ko humiga ako sa kama at hinawakan yung bracelet na gawa sa mga sea shells.
Kamusta ka na kaya Peter..
***
Pagkabukas ko ng locker ko may nahulog na namang love letter, bakit naman kaya?
"Capture some pictures for me, and chase him wherever he goes as his stalker"
Diba pagstalker panget? Hmp! Naku!! Pagako namatay mumultuhin ko sya..
Pasalamat na lang at advantage ko ang member ng staffers,pumunta muna ako kay Sir at good thing ay nandun na si Anne.
Miss ko sya..
Ngumiti sya sakin kaya I smile back, hindi naman kami binigyan ni Sir ng topic basta ang sabi nya,,give me your best shot.
Sabay kaming lumabas ni Anne at nagkwentuhan ng konti pero habang nagkukwento sya nahagip ng mata ko si Rinoa kaya nagpaexcuse na ako.
Hinabol ko sya pero ang kinagulat ko nandun sya sa pinagtatambayan ko at humiga sa gilid ng puno.
Bingo! Buti tulog sya, umakyat ako sa katabing puno at doon tumbay.
![](https://img.wattpad.com/cover/61720237-288-k301506.jpg)
BINABASA MO ANG
Diary ng Stalker
Teen FictionI never expect na ang isang simpleng shot ng picture ay magbabago ang buhay ko, from the past I was a loner pero dahil sa kanya natuto akong ngumiti, tumawa,at magmahal ng palihim. Dahil sayo hindi ko namalayan na napasama na pala ako sa mga stalker...