Fatima's POV
"Oh! My Ghod!" Nagulat ako ng inulit nya yung pagsasalita nya..hay! As I expected he's not that the usual boy I've known. Bigla syang natawa, siguro sa epic na reaction ko, I always not showing my reaction pero ngayon nakita nya ang panget kong pagkagulat.
For the very first time..
"Ang cute mo pala pagnagugulat" from what he says parang gusto ko ng magtatalon, is that a compliment? Well if it does,parang gusto ko ng mamatay.
First time din kasing may nagapproach sakin,closely and sya pa. Hindi ko tuloy alam kung paano ako magaayos ng pinagkainan ko, kaya tumingin na lang ako sa baba, nakakahiya..
Hiccup**
Natauhan ako dahil sinisinok na ako, kahit hanggang sa pagharap ko muli sa kanya,Tumawa ulit sya, ganun ba ako katawa tawa sa kanya?
Mukha ba akong clown?
Inayos ko na yung bag ko at tumayo, baka kapag hindi ako umalis dito baka mag hyperventilate na ako dito, tama! Its a great idea..just like what I'm going to do, yung kilos na parang walang nangyari..
Paalis na sana ako habang sinisinok biglang nyang hinawakan yung wrist ko at hinila ako kung san man..waaahh!!! For the first time ding may humawak sakin!!
OK, Oa ko na..at sya ang lahat ng first ko..
Ang nakakainis hindi ko man lang sya mapigilan dahil siguro sa tagal ko ng hindi nagsasalita dito sa school lalo pang umurong yung dila ko dahil kasama ko sya.
Bakit ba ganito! Napipi na ba talaga ako! Tapos ngayon hinahayaan ko lang syang hilahin ko kung san man, pinagtitinginan tuloy ako ng ibang students.
First time ko din yan..
Napapikit na lang ako sana magising na ako sa kabaliwang ito, baka masyado ko na syang pinagpapantasyahan. Sorry po lord baka kasi nasosobrahan na ako ng pagamoy ng lumang libro sa library, mabango kasi sa pangamoy ko.
Ano bayan lalo na atang lumalala yung utak ko! I'm starting to think of those nonsense.
Bigla akong napadilat sa pagbangga ko sa likod ni Raven, dun lang ako natauhan sa mga pinagiisip ko. Hay! Ano bang klaseng brain ang meron ako.
Cafeteria? Ngayon ko lang napagisip-isip na grade 7 pa ako ng huli kong punta dito. Pinaupo nya ako dun sa isang table saka sya kumuha ng pagkain.
Buti hindi nya nahalatang natataranta ako sa mga kinikilos ko, ang friendly nya rin pala so mali pala ang akala ko for the most of the time ng high school life ko?
Hindi ko alam na may mabait palang katulad nya, that character makes me fall for other reason, at hindi na sa talents nya kundi sa buong pagkatao nya.
Ayiieee!! Kilig much
Pagkabalik nya nakita ko syang may dalang pagkain so kakain din pala sya, kaya siguro nya ako hinila. Buti na lang at wala na ang sinok ko, pagkaupo nya nagabot sya ng sprite in can, nakakahiya naman kaya umiiling ako.
"Huwag kang mag-alala libre ko na yan" kinuha ko na lang tutal tinapon nya yung juice ko. Ininom ko na lang, ibubuka ko na yung bibig ko pero walang lumabas na boses.
So I only mouthed 'thank you' hindi ako ngumiti or what so ever kasi kahit papano hindi ko parin gustong makisalamuha sa mga tao.
Kahit sa kanya..
Siguro mas kontento na lang ako sa hanggang silay..ayokong maranasan na to the point na mahulog na ako sa kanya. Sa totoo lang I'm afraid of falling in love natatakot ako sa mga bagay na alam kong hindi ko kayang malusutan.

BINABASA MO ANG
Diary ng Stalker
Novela JuvenilI never expect na ang isang simpleng shot ng picture ay magbabago ang buhay ko, from the past I was a loner pero dahil sa kanya natuto akong ngumiti, tumawa,at magmahal ng palihim. Dahil sayo hindi ko namalayan na napasama na pala ako sa mga stalker...