Beki La Fea! (boyxboy)

37.2K 523 44
                                    

PROLOGUE ~

"Im sorry pero hindi kami hiring ngayon." napanganga sya sa narinig at nanlaki ang kanyang mga mata.

"Pero Sir,nakalagay sa labas na in needs of applicants po kayo." pag sagot nya sa nag interview sa kanya,kung matatawag ngang interview ang agad na pag reject nito sa kanya,ni hindi pa nga nag iinit ang puwit nya sa pagkaka upo. Hindi pwedeng hindi sya matanggap,nakailang apply na sya,naubos na ang dala nyang bente pirasong resume at pagod na sya sa kakalakad.

"That's all Mr.Ballesteros,thank you." ang walang patumanggang sabi nito na parang hindi sya narinig. Napabuntong hininga sya bago tumayo at walang lingon likod na nilisan ang lugar na iyon.

Pagkalabas nya sa building ay malapit na magdilim. Bigo na naman syang magkatrabaho,maganda naman ang records nya,maayos at malinis ang mga cridentials nya,galing sya sa maayos na eskwelahan,pero bakit ganon?. Halos dalawang taon na ang nakakalipas ng maka graduate sya bilang marketing,dalawang taon na din syang panay apply,pero lagi syang umuuwi ng bigo.

Ano ba ang mali sa akin? Ang naitanong nya sa sarili.

Ubos na ang pamasahe nya kaya maglalakad na lamajng sya pauwi. Kahit nananakit na ang mga paa nya ay kailangan nyang magtiis. Iniisip na lamang nya na pag nagkatrabaho na sya ay masusuklian din ang lahat ng pagod nya.

Napadaan sya sa isang shop kung saan napansin nya sa glass window ang kanyang repleksyon. Napabuntong hininga sya.

"Ang pagmumukha ko sigurong ito ang problema at dahilan kung bakit hindi ako matanggap tanggap sa trabaho." aniya sa sarili.

"May braces ako sa pang ibaba at pang itaas na mga ngipin. Kailangan kasi ito,hindi pantay pantay ang mga ngipin ko noon,at pinag ipunan ko pa talaga para makapag pagawa ng mgaj ito. Malaki at makapal ang aking salamin sa mata,malabo ang aking mga mata at mataas ang grado. Kulot ang buhok ko na hanggang leeg. Sino nga ba ang tatanggap sa akin sa trabaho sa itsura kong ito?" ang pagsasalita nya sa glass window na akala mo ay may kausap talaga.

"Hoy PANGIT! Umalis ka dyan! Baka walang pumasok na costumer sa shop ko!" sigaw ng may ari ng shop na hindi nya namalayang nasa tabi na pala nya.

Maka pangit naman ang isang iyon! Eh puro tigyawat nga mukha nya! Hmp!.

Ito ang hirap pag pangit. Pangit talaga ang tingin sayo. Unang kita pa pa lang sayo ay nahusgahan ka na agad,hindi man lang inalam ang ugali at pagkatao. Hindi gaya ng mga gwapo at maganda,unang tingin pa lang,hinahangaan na kahit hindi naman alam ang ugali nila. Kung sana,ang ugali at pagkatao ay nakikita at napapansin agad sa unang tingin,siguro lahat ay magiging masaya. Pero alam ko namang imposible yon. Sa mundong ito na mapanghusga? I doubt.

Yan ang litanya ni Farencio Ballesteros o mas kilala sa tawag na Faye. Patuloy syang naglakad,kumakalam na din ang sikmura nya dahil ni hindi man lang sya nakapag agahan at tanghalian sa pagmamadali at pagbabaka sakaling swertihin syang makahanap ng trabaho sa araw na ito.

Gusto na nyang makauwi para makapag pahinga. Para kinabukasan ay makapag apply na ulit sya. Ayaw nyang habang buhay ay umasa sa mga magulang nya. Ayaw nyang maging pabigat.

Nagpalinga linga sya sa paligid habang naglalakad. Tuluyan na talagang nag gabi at ang liwanag ng syudad ang nangingibabaw. Napatigik sya sa paglalakad ng may mapansin syang nakapaskil sa isang pader. Binasa nya ito at medyo nag alangan pa sya.

"Hmmm,wala naman sigurong masamang sumubok."

LA BEAU CORPORATION: Hiring- Secretary. Male or Female. College Graduate. Please inquire at our office.

Agad nyang kinopya ang address,maaga pa naman, alas sais pa lang,pwede pa siguro humabol sa pag a-apply at mukhang malapit lang naman din ito. Ng marating nya ito ay tinanong sya ng security guard kung mag a-apply sya,pag sagot nya ay agad syang pinapasok nito. Nagtanong tanong sya kung saan ang office ng mag i-interview,sa awa ng Diyos ay wala namang dumedma sa kanya kaya maayos nyang narating ang pakay.

"Good evening po. Uhm gusto ko pong mag inquire about dun sa secretary position. " ang agad nyang sabi pagka pasok pa lamang. Nakayuko yung lalaki na parang may mga pinipirmahan. At ng mag angat ito ng tingin ay nagulat ito at napaurong kasama ng swivel chair na inuupuan nito. Tinitigan sya nito mula ulo hanggang paa,pabalik sa kanyang mukha. Ngumiwi ito kaya napalunok sya.

Alam ko na,hindi na naman ako tanggap. Malungkot nyang sabi sa isipan.

"Let me see your cridentials." seryosong sabi nito. Lumapit sya at iniabot dito ang kanyang envelope. Binuksan nito ito at binasa ang laman.

"May tanong ako,huwag ka sanang ma offend."

Nako! Huwag naman sana nyang tanungin kung bakit ganito ang itsura ko,dahil maski ako ay hindi ko alam ang sagot.

"Sige po Sir. Ano po iyon?" ang kinakabahan nyang sabi.

"Are you a gay?."

"Uhm.. Opo sir. Hindi po ba pwede?." ang laglag balikat nyang sabi at tanong.

"That's all I want to know. Tanggap ka na,you may start tomorrow as my secretary,agahan mo,ayaw ko ng tamad at laging late. You may go now." anito at muling yumuko at ipinagpatuloy ang pag pirma sa mga papeles nito.

Halos lumundag ang puso nya sa tuwa. Na sa wakas,after two years ay nagkatrabaho na din sya.

"Sige po sir. Salamat!" aniya at tiningnan ang pangalan ng gwapong boss na nakalagay sa ibabaw ng table nito.

KAEL C. CUANGCO

Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon