Beau # 8

15.2K 384 13
                                    

"Opo sir ako nga ito." diretso kong sagot. I dont know pero nakaramdam ako ng confidence. Siguro dahil alam kong hindi ako malalait ngayon. Pagkatapos ng unang may mangyari sa amin,ngayon lang ulit nya ako pinansin. And I think,I should thank Deborah later dahil sa ginawa nyang pagbabago sa itsura ko.

"You look so different. In a positive way." ani sir Kael na nakatingin pa din sa akin. And again,I dont know,pakiramdam ko kinilig ako na ewan? Nagsimula lang naman ito pagkatapos nung nangyari sa amin.

"Thank you sir." ang tanging sagot ko at luminga linga sa paligid. Lahat ay abala,ang tanging bumabagabag lamang sa akin ay ang pangbayad sa damit ni Maam Grazilda,tae talaga.

"Mabuti at dumating ka. Is youre family here?" aniya at namulsa. Lalo syang gumwapo sa paningin ko,lumapit pa sya,kaya naman nagulat ako ng makaramdam ako ng malakas na pag pintig ng puso kaya medyo napaatras ako.

"Opo sir,kasama sila ni Debbie,pupuntahan ko na nga po sil--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may humablot sa akin.

"Hello po sir! Advance merry christmas! Hiramin ko lang si Faye ah?" at kinaladkad na ako ng walangyang si Debbie.

"Ano ba? Makahila ka naman! Nadala mo na ba kina Nanay Julia sina Mama at Papa?" ani ko habang kinakaladkad ako nito,nilingon ko si sir Kael,sinusundan lamang nya kami ng tingin ni Deborah.

"Huwag mo ng problemahin yon,masaya na silang nagchichikahan ngayon." sagot ni Debbie habang hinihila pa din ako sa kung saan.

"Eh san mo ako dadalhin?"

"Oh,nandito na tayo." at tumigil kami sa likod ng mga nag uusap na tao. Kilala ko sila. Sila ang mga models ng La Beau. "Excuse me,nandito na ang hinahanap mo." sabay kalabit nito sa lalaking nakatalikod. Humarap ito at nalaglag ang braces ko.

"Faust?" ani ko. Napaka gwapo ni Faust. Hindi lang sya pang model,pwede din syang mag artista.

"Huh?" ang parang nangingilalang tugon nito.

"Naku si Faust talaga! O sya maiwan ko na kayo!" at parang ninja na biglang naglaho si Debbie.

Kapatid ba sya ni Naruto o kaya ni Sakura?

"Excuse me guys." ani Faust sa mga kausap nya. Tiningnan ako ng mga ito pero yung tinging walang panlalait,kundi tinging nagtataka. Nagtataka siguro sila kung bakit isang bakla ang kakausapin ni Faust. "Ikaw ba talaga yan Faye?"

"Uh..Siguro?" nakangisi kong sagot. Ngumiti na din sya.

"Ikaw nga yan! Tara dun tayo." aniya at sumunod ako sa kanya.

"Maganda at maayos dito,ganito pala mag christmas party ang La Beau." ani ko ng makarating kami dun sa maliit na tulay.

"Yup. La Beau wants the best for their employees,family and friends. Pero ginulat mo talaga ako." nakangiting sabi ni Faust.

"Bakit naman? Did I gave you a heart attack?" ang pabiro ko namang sabi.

"To be honest with you. Yes,you almost gave me a heart attack. Dati ko pang nakikita ang kagandahan mo,pero I didn't expect na ganyan,youre gorgeous Faye." seryosong sabi ni Faust,at alam ko,kung hindi lang medyo dim ay makikita na nya ang pamumula ng mukha ko.

"Ikaw talaga. Si Deborah ang may kagagawan nito eh." ang nahihiya ko na lamang ng sabi.

"Youre beautiful Faye. Inside and out." aniya. Im lost for words. Ngayon lang may pumuri sa aking lalaki and I dont how to react.

"Salamat." ang sabi ko na lang. Dahil sa tingin ko,yun lang ang dapat sabihin.

"By the way. Where's your family? I want to meet them." pagkuway sabi nya.

Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon