Bigla akong nataranta ng makita ko sa call waiting ang pangalan ni Sir Kael. Bakit sya napatawag? Anong meron?
"Uhm. Faust?"
"Yes Faye? May problema ba?"
"Pwede bang ibaba ko muna ang tawag mo? Nasa kabilang linya kasi si sir Kael,baka importante ang sasabihin nya." ang nahihiya kong sabi kay Faust.
"O sige,bye."
"Hello? Sir Kael?" ang kinakabahan kong sagot dito. Ano kaya ang sadya nya?
"Bakit ang tagal mong sagutin? Sinong kausap mo?" halata ang pagkairita sa boses ni sir Kael. Anong problema nya? Eh halos buong araw kaming magkasama ah?
"Uhm,ano. Si Faust po kasi Sir,tumawag at nangangamusta lang." ang naisagot ko na lamang.
"I dont want to talk about him. May iba akong sadya." ang seryoso nyang sabi na ikinanganga ko.
"H-ha?"
"About your offer. Lets talk about it in the office tomorrow. Goodnight Faye."
tut tut tut tut
dug dug dug dug dug
Anong sabi nya? Y-yung offer ko? Shet! Tinanggap nya ang offer ko? Hala? Anong gagawin ko?
Biglang tumunog ang cellphone ko na ikinagulat ko. May text,at galing ito kay Sir Kael at Faust.
Faust :
Mukhang nakatulog kna. Goodnight Faye,see you tomorrow :)
Sir Kael :
Payag na ako,basta walang makaka alam. Lets talk about it tom. Goodnight!
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog o nakatulog ba talaga ako. Masyado akong nawiwindang sa bilis ng mga pangyayari. Kaya pagdating sa opisina ay tensyonado ako na hindi ko mawari.
Pagpasok ko sa opisina ay nakayuko si Sir Kael,busy sya sa mga paperworks nya.
"Good morning po Sir Kael." ang pagbati ko pa sa kanya pero hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin.
Problema nya? Bahala nga sya dyan.
Dumeretso na ako sa aking lungga. Binuksan ang Pc at nagsimula na sa trabaho. Ayaw ko munang mag isip ng kung anu-ano. Baka lalo akong pumangit.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Bigla na lang bumukas ang pinto at iluwa si Debbie.
"Anong ginagawa mo dito?" ang agad kong tanong.
"Bakla ka. Syempre kakaladkarin na kita papunta sa pantry. Oras na ng pagkain no? Nagpaalam naman ako kay sir Kael na susunduin kita,kaya tara nya." sagot ni Debbie ng makalapit sa akin at bigla akong hinila.
"Hindi ka naman gutom nyan?" ang pang iinis ko habang palabas kami ng private office.
"Hindi naman. May importante lang tayong pag uusapan regarding sa Christmas Party ng La Beau." sagot nya at hinila na ako papunta sa elevator.
Mukhang excited na nga silang lahat para sa christmas Party ng La Beau. Ako nga wala pang bagong damit,ni hindi ko pa nasasabihan sina Mama at Papa.
Pagdating namin sa Pantry ay nandun na sina Monica,Nay Julia at Perry.
"Okay,since kumpleto na tayo,ito ang plano." agad na sabi ni Debbie ng makaupo na kami.
"Plano? Para saan?" ang agad kong tanong.
"Duh? Para sa Christmas party! Boobito." ani Perry sabay irap.
"Bunganga mo teh,ang baho!" bara dito ni Monica na ikinatawa namin.
BINABASA MO ANG
Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!
Ficción GeneralBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE Ang hirap maging panget! Okay dagdagan natin,ang hirap maging panget na bakla! Para kang may sakit,lahat tinatanggihan ka. Kailan kaya ako liligaya at magkakaroon ng maayos na buhay? Haay,subaybayan nyo lang. Ako si Faye,at...