Beau # 11

16.4K 367 15
                                    

"Olaaaa!!" biglang bumukas ang pinto ng cottage at pumasok si Chike,kasama sina Rara at Powder.

Agad inalis ni sir Kael ang pagkakayakap nya sa akin at humarap sa mga bagong dating. Dun ko lang narealize na hindi na pala ako humihinga kanina.

"Hindi ba kayo tinuruan kumatok ng fairy Godmother nyo?" nakangising sabi ni Sir Kael. Napangiti ako,kaya din pala nyang makipagbiruan.

"Sorry sir! We are not inform na may yakapan palang nagaganap." ani Chike.

"Naabala ba namin kayo sir?" sabi naman ni Rara.

"Obvious naman mga bakla!" segunda pa ni Powder.

"Anong bang sadya nyo?" ang pagsingit ko sa usapan.

"Well,may kasiyahan dun sa kabila ng mga ka meeting kanina ni sir Kael. Ang daming foods and drinks kaya naisipan naming mag enjoy muna tayo ng bongga para pagbalik sa La Beau ay masaya tayong lahat." ani Chike na nagtataas baba pa ang mga kilay.

"I like that. C'mon Faye,lets just enjoy and forget all about the stress." ani sir Kael at hinila ako,nauna kaming lumabas at sumunod ang tatlo.

Pagdating namin dun ay sa amin napako ang tingin ng lahat. Lalo na sa akin. Binati nila kami at inanyayahang sumalo na pinaunlakan naman naming apat since pare pareho kaming hindi pa nakaka kain ng dinner.

"Nasan ang secretary mo Kael?" tanong nung lalaki. Isa din sa mga palatanong nung meeting.

"Katabi ko." nakangising sagot ni sir Kael. Literal na napatingin sila sa akin ng nakanganga. Parang gusto ko tuloy matawa.

"Sya na yon? Akala namin babae!" sabi ng babae na nasa meeting din kanina.

"So. This means na sa iyo na namin ipagkakatiwala ang aming mga models. Magpirmahan tayo ng contract bukas." sabi ng isa pa.

"Ang ganda na nya." komento ng isa.

"Maganda na po talaga si Faye,tamad lang syang mag ayos. See? Wala pa syang make up nyan. Salamin at braces lang ang tinanggal namin at inextension lang namin ang buhok nya." proud na pagsingit ni Chike.

"Its a close deal. Mula ngayon nasa La Beau na ang aming suporta. Lets drink to that!"

At yun nga. Kain at inum ang nangyari. Hindi ko alam pero panay na ang pagiging sweet ni sir Kael. Ang ingay ingay ng lahat. Bumibida sina Chike,Rara at Powder sa pagpapatawa. Yung iba nananakit na ang panga kakatawa,yung iba naman ay naluluha na.

Nang lumalim na ang gabi ay mas naging wild na. May mga nagsasayaw pa. Syempre ang tatlo nanguna sa pagsasayaw. Hanggang sa napalitan ng sweet song.

"Lets dance Faye." bulong ni sir Kael sa tenga ko.

"Hindi po ako marunong."

"Hindi naman kailangang marunong ka eh. C'mon." at inalalayan nya akong tumayo. Nakihalo kami sa mga sumasayaw. Madaming nanonood,punong puno ang function hall.

"Sa araw na makalaya ako kay Grazilda. Mapapangako mo ba sa akin na mananatili ka pa din sa tabi ko." ang mahina nyang sabi at mas dinikit ang katawan sa akin.

"Diba sabi ko nga sir susuportahan kita?" ang sagot ko naman at nakipagtitigan sa kanya. Bago sa akin ang lahat,ang pagiging sweet nya,ang uri ng pagtingin nya sa akin,ang paghawak nya. Ang layo na nya sa unang pagkakakilala ko sa kanya,ito ang totoong sya. At hindi ko din masisisi ang sarili ko kung bakit unti unti akong nahuhulog sa kanya.

"Yan lang ang gusto kong malaman." aniya at kinabig nya ang ulo ko. Naglapat ang mga labi naman. Napaka smooth ng paghalik para akong lumulutang at walang patid sa pagtambol ang dibdib ko.

Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon