"Nako sir! Huwag na po!" ang agad kong sabi ng maka recover ako sa pagka shock.
"No! I insist,sabay na tayo at ihahatid kita,kaya bilisan mo dyan,no buts,just follow me." anito at lumabas na.
"Anyare kay sir? Anong masamang hangin ang nasinghot nya?" sabi ko at lumabas na din.
"I heard you Faye,masamang kinakausap ang sarili,tara na,gutom na din ako." seryosong sabi nito at naglakad na kami sa hallway. Usually normal na sa akin ang pagtinginan ng mga ibang nagtatrabaho dito. Pero ngayon,iba ang tingin nila,para bang kasalanan na makasabay ko ang boss ko.
"Tapos na ang oras ng trabaho,magsi uwi na kayo." ma awtoridad na sabi ni sir Kael,at parang mga natarantang langgam sila na nagmamadaling mag unahan sa elevator at hagdanan.
Sana lang hindi ako mapag chismisan no? Panigurado makakarating agad to kina Debbie at i-interogate na naman ako ng mga bruhang iyon.
"Close na pala kayo ng model naming si Faust?" ani sir Kael habang nagdadrive,dahan dahan ko syang nilingon. Eh ano naman sa kanya kung close kami ni Faust? Does it matter? Pakialamero talaga tong boss ko.
"Medyo lang sir. Sya kasi ang kauna unahang nakipagkaibigan sa akin sa La Beau." ang tanging sagot ko. Naisip ko tuloy si Faust,nasan kaya ang gwapong iyon?
"Ah,I see.. Baka nagsawa na sya kay Homer."
"Ha?"
"Wala. Daan muna tayo sa restaurant,nagugutom na ako." aniya,hindi na lang ako umimik. Bibili na din ako para kina Mama at Papa.
Pagkapasok namin sa Chansu ay namangha agad ako. Dati ko pa nakikita ang resto bar na ito pero ngayon lang ako nakapasok. Gwapo at magaganda ang mga waiters at waitress,maganda din ang uniform nila. At yung banda na nagpeperform ay magaling.
"Order nyo po." sabi ng isang magandang waitress. Bigla tuloy akong nanliit. Ewan ko ba,pag nakakakita ako ng sobrang gwapo at sobrang ganda,pakiramdam ko wala na talagang pag asa ang pangit kong pagmumukha.
"Rice,steak at juice ang akin,sa kasama ko ganon din." ang sagot ni sir Kael.
"Pwede mag take out?" ang pagsingit ko sa kanila.
"Pwede po." ang sagot ng waitress. Nakatitig lang si sir Kael pero hindi ko sya pinansin.
"Sige,uhm apat na rice,adobo dalawang order." sabi ko at itinuon ang pansin sa kumakantang banda.
"Yon lang po? Sige po,just wait for a while." at umalis na yung waitress.
"Nilibre na nga kita,nag take out ka pa? Ganon ka kalakas kumain? Bakit ang payat mo?" ani sir Kael kaya napalingon ako sa kanya.
"Para kina Mama at Papa yon sir. Unfair naman ata na masarap ang kakainin ko pero sila hindi." ang inis kong sagot. Kung bakit? Hindi ko alam.
"Ganon ba? By the way may christmas party ang La Beau sa 23,isama mo parents mo. At sa January 3 naman ay may out of town ako,isasama kita. Hindi ka pwedeng tumanggi." mahaba nyang litanya na ikina nganga ko.
"O-okay,sir."
Nang dumating ang order namin ay tahimik na kaming kumain. Naiilang ako kasi panay ang tingin ni sir Kael. Panget ako,oo. Pero hindi naman kailangang titigan ang pagmumukha ko.
"May babae akong dadating bukas,alam kong sinabi kong hindi na kita idadamay. Pero baka kasi biglang dumating si Grazilda,kailangan ko ng back up." aniya sa gitna ng pagkain ko. Dahan dahan akong nag angat ng tingin at tiningnan sya ng taas ang kanang kilay.
"Hindi sa nakikialam ako sir,pero baka pwedeng itigil mo na yan? Sobrang sakit na binibigay mo kay Maam Grazilda at yung mga babae naman umaasa. Kung hindi mo kayang itigil,pwede kang mag hotel,huwag sa opisina kung ayaw mong mahuli. Mabilis po ang karma,at hindi maganda sa image mo bilang boss namin ang mga ganyang bagay." mahaba at prangka kong sabi. Hindi na ako takot magalit sya sa akin,nag away na nga kami diba?
BINABASA MO ANG
Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!
Fiksi UmumBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE Ang hirap maging panget! Okay dagdagan natin,ang hirap maging panget na bakla! Para kang may sakit,lahat tinatanggihan ka. Kailan kaya ako liligaya at magkakaroon ng maayos na buhay? Haay,subaybayan nyo lang. Ako si Faye,at...