AN/ GUSTO ko lang po kayong pasalamatan,dahil hanggang dito sa huling pahina ng buhay pag ibig ni Ferancio ay sinamahan nyo sya. Alam kong marami sa inyo ang nagtataka na natapos na ito. Tulad ng lagi ko pong sinasabi,hindi ko hilig pahabain ang kwentong gawa ko,pero depende din minsan sa takbo ng pangyayari. Pero itong kwento ni Ferancio ay hanggang dito lang po talaga. Again,maraming salamat po sa pagbabasa,pagcomment at pag boto. Maraming maraming salamat po. =)
===================
Pagmulat ko ng mga mata ay madilim parin,pero medyo nasanay na ng konti ang mga mata ko sa dilim. Nakasubsob ako sa balikat ng taong yumakap sa akin.
Shit! Sino to?
Agad ko syang tinulak,naramdaman kong umuga ang cart kaya napamura ako.
"Its alright Faye. Makaka alis din tayo dito." at tumayo sya.
Nanginig ako sa narinig ko. Nananaginip ba ako? O patay na ako dahil tuluyang bumulusok pababa ang elevator. Siguro nga patay na ako,paano mapupunta dito sa loob si Sir Kael eh nasa Houston sya kasama si Grazilda.
Dahan dahan syang lumapit at halatang nag iingat na huwag umuga ang cart. Naglahad sya ng kamay. Kahit medyo madilim ay nasisigurado kong sya iyon. Agad kong tinampal ang sarili ko para kung panaginip man ito ay agad akong magising.
"What are you doing? Bakit mo sinampal sarili mo?"
"Ikaw nga!" agad akong tumayo at niyakap sya. Kaya pala pamilyar ang amoy at init ng katawan nya. Ngunit sa ginawa kong iyon ay umalog ang cart at muling bumulusok pababa. Napahigpit ang yakap namin sa isa't isa dahil dun.
Kung mamamatay man ako,atleast sa kahuli-hulihang hininga ko ay kasama ko si Sir Kael.
Yan ang nasa isip ko ng mga panahong ito.
"Kalma lang. We'll find a way to get out of here." ani Sir Kael ng tumigil muli ang cart. Dinig na dinig ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso nya. I want to kiss him but I know its not the right time lalo na at nasa bingit kami ng kamatayan.
Dinig na dinig ko ang sigawan ng mga tao. Sigurado akong lindol ang dahilan,its not really safe na nasa ganito kang lugar pag lumilindol.
Napasinghap ako ng kumalas sa yakap si Sir Kael,gusto kong magprotesta. Pero hindi ito ang panahon para maglumandi. Gusto ko din syang tanungin,but it can wait.
Bumukas ang ilaw. Probably ang generator ng La Beau ang ginamit.
"May butas sa taas. Doon tayo pwedeng dumaan." ani Sir Kael.
"Huh? Baka mas lalo tayong bumulusok pababa pag nadagdagan ang bigat sa itaas." ang agad kong hindi pag sang ayon. Ngunit huli na dahil naka akyat na sya sa itaas ng cart.
"Do you trust me?" aniya.
"Yes." sabi ko at napalunok. May tiwala ako sa kanya,tapos na ang mga panahong puro pagdududa ang aking isip.
"Give me your hands Ferancio. Nauubusan na tayo ng panahon! I just dont wanna die here ng hindi ko nagagawa ang gusto kong gawin sayo. Gusto pa kitang makasama hanggang sa pagtanda natin." ma awtoridad nyang sabi ngunit nagdulot ng kakaibang kilig sa akin na humaplos sa puso ko.
Without hesitation ay iniabot ko ang mga kamay ko sa kanya,buong lakas nya akong hinila pataas. Pagdating sa ibabaw ng cart ay muli itong umalog kaya napayakap ako sa kanya.
Swerting ilang pulgada lang ang taas sa amin ng isang pinto ng elevator. I don't know kung nasaang floor na kami pero naririnig kong ginigiba nila iyon at may sumisigaw sa labas. Sobrang pinagpapawisan na ako at kinakapos sa hangin.
Paglingon ko kay Sir Kael ay may hawak na syang bakal at hindi ko alam kung saan nya nakuha. Ito ang ginamit nyang pangbukas sa pinto ng elevator,at ng bumukas ito ay nakakita agad ako ng pag asa.
"Dali,tumuntong ka sa akin para maka alis ka na agad." aniya at inilahad ang mga kamay.
"Paano ka?"
"Huwag mo akong alalahanin. Hindi ako mamamatay ng hindi ka nahahalikan." aniya na nagpangiti sa akin.
Agad akong tumuntong sa mga kamay nya. Iniangat nya ako at naabot ko ang pinto ng elevator.
"Faye!" si Faust,agad nya akong hinila pataas. Kompleto ang lahat,nandito din ang mga empleyado.
Ngunit pagtapak na pagtapak ko sa sahig ay nadinig kong bumulusok ang cart pababa kaya agad akong napalingon.
"SIR KAEL!!" ang sigaw ko agad at lumapit sa elevator. Hindi ko na agad napigilang tumulo ang mga luha ko.
"Stop crying you cry baby!"
"Huh?" ang gulat kong reaksyon. Dun ko lang napansin na nakakapit pala sya sa sahig. Agad ko syang hinila at tinulungan ako nina Faust.
Pagka angat kay Sir Kael ay agad ko syang niyakap at hinalikan. Nagulat man sya ay tinugon din nya ang halik ko. Pakiramdam ko ay muling nakompleto ang buhay ko dahil sa halik na iyon.
"Akala ko tuluyan ka ng nawala sa akin." ani ko ng kumalas ako sa aming halikan.
"That would never happened. Pero ngayong nahalikan na kita ulit,pwede na akong mamatay." aniya,at sya na ang humalik sa akin.
"Baka pwedeng dalhin ka muna sa ospital sir Kael,dumudugo ang ulo mo." boses iyon ni Nay Julia.
"Hindi makapag hintay? Nahiya naman daw kaming lahat na nakakakita." sabi naman ni Debbie kaya agad kaming kumalas sa halikan.
"Now that you mention it Nay Julia. Kailangan ko ngang magpadala na sa ospital. Bukod sa masakit ang ulo ko at nahihilo ako ay ang bilis pa ng tibok ng puso ko." nakangising sabi ni Sir Kael at bumangon.
"Baliw!" at hinampas ko sya sa braso na ikinatawa lang nila. Nakakahiya!
"Kung makalaplap uhaw na uhaw!" pahabol pa ni Chike na mas ikinatawa ng lahat.
======================
Kakalabas ko lang ng private room ni Sir Kael dito sa ospital ng makasalubong ko si Faust kasama si Homer.
"Gising ba sya? May sulat akong dala galing kay Graz." ani Homer.
"Oo,nanonood sya ng Tv." ang sagot ko naman at ibinaling ang tingin kay Faust na nakangisi. May mga gusto akong itanong kung paano napunta si Sir Kael sa elevator.
"Okay! Haay! Hindi ko alam kung bakit ako ginagawang messenger this past few days! Pasalamat kayo at nagpapaka bait na ako." ani Homer at pumasok na sa private room. Nagkatinginan kami ni Faust at saka napatawa.
"May relasyon ba kayo?" ang hindi ko mapigilang tanong. Matagal ko na din kasi iyong iniisip,napaka over protective kasi ni Homer kay Faust.
"Hahahaha! Wala! Ang totoo nyan ay half brother sya ni Mama. Nang mamatay ang mga magulang ko ay si Homer na ang nag alaga sa akin." napanganga ako dahil sa rebelasyon ni Faust. "Magkapatid talaga ang turingan nila ni Mama,halos magpatiwakal na nga sya sa depression,anak sya sa labas at kami lang ni Mama ang malapit sa kanya. Kaya ayon,naging protective na sya sa akin,pero huwag ko daw sya tawaging Tito dahil baka hindi daw ako magka girlfriend,kaya pasensya na din kung sinusungitan ka nya." mahaba pa nyang dagdag.
Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin.
"Ah. Now I understand. Pwede naman kaming maging magkaibigan ng tito Homer mo." nakangiti kong sabi.
"He would loved too,nahihiya lang yon."
"Teka nga,paano napunta sa elevator si Sir Kael? At yung meeting na pupuntahan ko dapat nun,ano ng nangyari?"
Tumawa si Faust kaya tinaasan ko agad sya ng kilay. May nasense tuloy akong sabwatan.
"Actually,its his idea. Sinabihan nya kaming nandito na sya sa bansa at huwag daw ipaalam sayo. Si Homer ang naging messenger,the original plan was holdapin ka sa elevator at dalhin sa isang restaurant. But the earthquake occur,kaya ayon ang nangyari. Tama nga ako na hindi mo mapapansin na sya ang pumasok sa elevator." mahaba nyang sabi at tumawa ulit.
"Pinagkaisahan nyo ako! Mga baliw!" ang tanging nasabi ko na lamang. Tumawa sya at nagpaalam na kakausapin din nya si Sir Kael.
Ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng ospital. Kailangan kong bumili ng mga prutas dahil naubos na ni sir Kael ang dala nina Chike na prutas.
Sa supermarket ko naisipang bumili. Idadamay ko na sina Mama at Papa na nagrereklamong puro meat na lang daw ang nakakain nila mula ng maging CEO ako ng La Beau.
Nasa counter na ako ng may bumati sa akin.
"Nabalitaan ko ang nangyari sa La Beau. Nagkaganun din sa company namin ng lumindol."
"Yeah. Nagka trauma ata ako,hadanan na lang ang gagamitin ko." ani ko. Sakto natapos na ang pag punch sa mga pinamili ko.
"Nagbalik na din pala loverboy mo. It means wala na talaga akong pag asa."
"Oh Pipo. Please? Huwag natin yan pag usapan dito." nahihiya kong sabi dahil pinagtitinginan na kami.
Isipin pa ng mga nakakarinig napaka ambisyosa kong bading.
"Pwede ba tayong maglunch?" sa halip ay sabi nya. Theres something in his eyes na hindi ko matanggihan.
Sa isang coffee shop kami nagpunta.
"Mahal na mahal kita Faye pero mukhang wala na talagang pag asa." ang malungkot na sabi ni Pipo. Naaawa ako sa kanya,sana hindi na lang ako ang minahal nya,madaming ibang nababagay sa kanya,maraming babaeng maghahabol sa kanya.
"Makakahanap ka din ng iba Pipo. Hindi ako ang para sa iyo. Huwag mong sayangin sa akin ang damdamin mo. Kaya kitang suklian ng pagmamahal na pagkakaibigan,pero ang pagmamahal na gusto mo ay hindi. Dadating ang araw na makakahanap ka ng para sayo. Pero mananatili akong kaibigan mo." ang mahaba kong sabi at hinawakan ang mga kamay nya.
"Youre right. I think I have to start a new. Mas gugustuhin ko nga sigurong magkaibigan lang tayo. Maraming salamat sa lahat ah?"
"Its nothing. Remember,you're my bestfriend?" ani ko at nginitian sya. Hiniling ko na sana ay agad nyang makita ang karapat dapat para sa kanya.
Matapos ng pag uusap naming iyon ay sumama si Pipo sa ospital para kamustahin at kausapin si Sir Kael.
Masaya ako sa kinalabasan ng mga pangyayari. Pero kailangan pa naming magkausap at magkaintindihan ni Sir Kael.
======================
Kabadong kabado ako dahil ngayon ang dinner date namin ni Sir Kael with his family. Sa tinagal tagal naming magkakilala ay ngayon ko lang talaga makikilala ang pamilya nya.
"Pumikit ka ng maayos! Nanginginig ang talukap mo! Hindi malagyan ng eyeshadow!" ang reklamo ni Chike habang mini-make-up'an ako. Kasama din sina Mama at Papa.
"Kinakabahan kasi ako. Dapat ba talagang magbihis at mag make up?"
"Natural! Gusto mo bang humarap sa pamilya ni Sir Kael na mukha kang gusgusing beki?" ang segunda ni Rara na inaayos ang buhok ko.
"Babae ka sa paningin ni Sir Kael,kaya dapat babae ka talaga! Huwag mong sayangin ang pinaghirapan natin! Bruha ka." ani Chike na ikinatawa namin.
"Ang taray ng Beki La Fea natin. Pamamanhikan na agad? Ang swerte ng mga baklang gaya mo." ani Powder na katatapos lang ayusan si Mama sa labas.
"Makakahanap din kayo. Huwag atat." sabi ko na lamang.
Maya maya pa ay may nag doorbell na. Isa siguro kina Mama at Papa ang nagbukas ng pinto. Hanggang sa pumasok si Papa sa kwarto ko.
"Nandyan na ang maghahatid sa atin kina sir Kael. Tapos na ba iyan?" ani Papa na pormang porma. Lumabas tuloy ang kagwapuhan nya.
"Yes father dear! Off to go na kayo!"
At sabay sabay na kaming lumabas.
Sina Chike ay may pupuntahan pa daw,samantalang kami nina Mama at Papa ay sumakay na sa kotse na sumundo sa amin. Panay ang papuri nila at daldalan,pati ang driver ay dinadaldal nila,samantalang ako ay hindi mapakali.
Paano kung hindi ako magustuhan ng pamilya nya? Paano kung mas gusto pa din nila si Grazilda? Paano kung...
Ugh! Hindi dapat ako nag iisip ng mga negative na bagay! Yun ang laging bilin sa akin ni Sir Kael. Paano ba naman,dati wala akong insecurities,wala akong pakealam kung laitin ako. Pero mula ng maging kami ay panay na ang insecurity ko,lagi na akong natatakot sa sasabihin ng ibang mga tao.
Pagdating kina Sir Kael ay mas lalo akong kinabahan. Sa pakiwari ko nga ay nanlalamig at nanginginig ako. Blouse at leggings lang naman suot ko,masyado ba itong manipis kaya nilalamig ako?
Sinalubong kami ng isang maid,natanong ko tuloy sa sarili ko kung nasaan si Sir Kael.
"Finally! Kinabahan ako? Akala ko hindi kayo makakarating." biglang sulpot ni Sir Kael mula sa kung saan. Nag mano sya kay Mama at Papa saka bumaling sa akin. "Ang pangit mo talaga!"
"Wow huh? Ngayon mo lang ulit ako ginanyan! Maraming salamat!" sarkastiko kong sabi.
"Im just kidding! Lets go! Hinihintay na nila kayo." at kinurot nya ang ilong ko.
"Ngayon ako kinabahan." ang pagsingit ni Mama na nakahawak pa sa dibdib. "Ang laki ng bahay nyo Sir,tas yung mga muebles parang mas mahal pa sa buhay ko." dagdag ni Mama,sinuway sya ni Papa kaya napahagikgik kami ni Sir Kael.
"Don't be,'ma! Mas mahal ko pa din si Ferancio." aniya at kumindat pa. Parang tumalon ang puso ko ng tawagin nyang 'Ma' si Mama.
Dinala nya kami sa napakalaki nilang dinning hall. Napaka haba ng mesa. Nasa pinaka dulo ang papa ni Sir Kael,sa right side ang Mama nya. Nakakatakot,mukha silang sobrang istrikto.
"Have a seat ang let's start our dinner." ang ma awtoridad na sabi ng Papa ni Sir Kael,bigla tuloy kaming napaupo.
"Mom,Dad,natatandaan nyo si Faye diba? Sya yung dati kong secretary na ngayon ay mahal na mahal ko. At sila naman sina Papa Bert at Mama Fatima,parents ni Faye." ang pagpapakilala ni Sir Kael.
"Goodevening po!" sabay naming sabi nina Mama at Papa. Nakaka intimidate sila.
"Im Karlo and this is my wife Klare. Hindi namin inaasahan na lalaki din ang mamahalin ng kaisa isa naming anak,inaasahan pa naman naming sya ang magpapatuloy ng lahi namin." ani ng Dad ni sir Kael.
"Pero kailangan naming tanggapin dahil kung sino ang mahal ng anak namin ay dapat din naming mahalin." dagdag ni Maam Klare na kahit may edad na ay maganda pa din. "Akala talaga namin ay si Grazilda na,pero ng malaman namin ang ginawa ng pamilya ni Grazilda ay nanlambot kami."
"Mom,Dad? Please,ibang bagay na lang ang pag usapan." ang pagsingit ni Sir Kael. Kami naman nina Mama at Papa ay tahimik lang.
I need to say something,hindi pwedeng puro si Sir Kael na lang ang naninindigan.
"Listen." ani sir Karlo. Ma awtoridad at talagang matatahimik ka. "Gusto naming malaman ang lahat kaya pinaimbistigahan namin ang pamilya ni Grazilda,and then nalaman din namin na isang bakla nga ang kinababaliwan ni Kael kaya nagkaganun si Grazilda,hindi ko matanggap na--"
"Pa!" ang pagputol dito ni Sir Kael.
"Mawalang galang na po,pero ang sinasabi nyong isang bakla ay anak namin. At mahal na mahal namin si Ferancio." ang pagsingit ni Papa. Kailangan ko na ding magsalita.
"Hindi ko po alam kung kailan at paano nangyari. Pero nagising na lamang ako na mahal ko na si Sir Kael. Nilabanan ko naman po pero sadyang makapangyarihan ang pagmamahal." ani ko at nilingon si Sir Kael na halatang nagulat sa sinabi ko,ginagap nya ang aking kamay at pinisil. "Wala po sa estado ng buhay at sa kasarian ng isang tao masusukat ang pagmamahal. It just glow and flow naturaly,pinapangako ko po na wala akong ibang intensyon kundi mahalin ang anak nyo with all my heart and soul." ang pagtatapos ko. Nagkatinginan sila,nasabi ko na ang dapat kong sabihin,bahala na kung hindi pa din nila kami matanggap.
"Mom,Dad. Mahal na mahal ko po si Faye,at ngayong ayos na ang lahat,gusto kong kayo ang unang makaalam kaya nga pumayag ako ng sinabi nyong gusto nyong makilala si Faye at ang pamilya nya." ani Sir Kael.
Nagulat na lamang kami ng sabay na tumawa sina Maam Klare at sir Karlo.
"Sino bang nagsabi na tutol kami? Ipapaliwanag lang sana namin ang nangyari pero nag interrupt kayo." ani Maam Klare na nagpupunas ng luha dahil sa kakatawa. Kami naman ay gulantang pa din.
Anong nangyari?
"Na amazed nyo kami Faye,kayo din Bert at Fatima." sabi naman ni Sir Karlo. "Welcome to the family."
Nagkatinginan kami ni Sir Kael,yung kaba ko tuluyan ng nawala,pero ang luha ko dahil sa kaba kanina ay kumawala. Pinunasan ito ni Sir Kael. "Don't cry. Pasensya na kung kinabahan kayo. Ganyan talaga mag power trip sina Mom and Dad."
Power trip? Jusme! Halos mawalan na ako ng ulirat sa sobrang kaba,trip lang pala?! Pag untugin ko kaya ang pamilyang ito?
"Kinabahan ako,pakiramdam ko na flat ang dibdib ko." biglang sabi ni Mama,halos mapa facepalm ako,hindi na makahinga sa kakatawa si Maam Klare.
"Ako nga din. Mag agree nga sana ako kanina,kasi inaasahan ko din na si Ferancio ang magpapadami sa lahi ko eh." pagsabat ni Papa kaya pati si Sir Karlo ay humagalpak na sa tawa.
Mga magulang ko ba talaga sila?
Matapos ang dinner ay umakyat kami ni Sir Kael sa kwarto nya. Napaka masculine ng kulay,malinis at mabango,ang itsura ng kwarto nya ay tulad ng itsura ng kwartong gamit ko sa condo unit nya.
Umakbay sya sa akin at naupo kami sa kama.
"Anong nangyari sa inyo ni Grazilda sa Houston?" ang tanong ko habang nakahilig ang ulo ko sa balikat nya.
"Patawarin mo ako at iniwan kita." aniya at mas hinigit ako.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad,naiintindihan kita. Nagsakripisyo ka para sa akin at sa pamilya ko. Ako ang dapat humingi ng tawad." ang sabi ko naman. Handa na akong aminin sa kanya ang nangyari sa amin ni Pipo.
"Dahil ba nagpagamit ka kay Pipo? Sobrang sakit nun,pero naiintindihan kita. Mahal kita at lagi kitang iintindihin." mahina nyang sabi. Agad nanlaki ang mga mata ko. Paano nya nalaman iyon? "Nagtataka ka siguro. Nung gabing may nangyari sa atin,nagulat ako dahil agad kitang napasok."
"Im sorry. Hindi ko naisip na--"
"Sshh. Huwag na natin yan pag usapan. You know what happened diba? Pag punta namin sa Houston ay balik kami sa dati ni Grazilda,she want us to get married. Pero on the 3rd week,she met this guy,eventually,at that very moment nainlove sya. Siya na mismo ang pumutol sa kung anong meron kami. On the 4th week nagplano na ako ng gagawing surprise para sayo,and that's how we end up on that elevator." mahaba nyang paliwanag. Wala na akong masabi,lahat ng gusto kong malaman ay nasagot na.
"Thank you." sincere na sabi ko.
"For what?" taka nyang tanong.
"For loving me for who am I,for loving me the way you loved me. For everything."ang maiyak iyak ko ng sabi. Sobrang overwhelming kasi ng nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya.
"And thank you too. I don't like cheesy and flowery words. I just love you and I don't know how much. Its overflowing. I just want to prove it." aniya at hinawakan ang mukha ko. Nagkatitigan kami. Ang mga mata nyang walang kasing ganda na naglalaman ng kanyang nararamdaman ay nakatutok lamang sa akin.
"Mahal na mahal kita. You don't have to prove it. Nararamdaman ko iyon mula pa nung umpisa." ang sagot ko at ipinagpatuloy ang pagtitig sa napaka gwapo nyang mukha.
"You know what? Love is not just saying how much you love the person. Love is how you do it with that person." paanas nyang sabi at tinawid nya ang pagitan ng aming mga mukha.
Buong magdamag naming pinagsaluhan ang aming pagmamahalan na matagal tagal din naming hindi naipadama sa isa't isa.
Sino ba ang mag aakala,na ang isang panget na baklang gaya ko ay makakahanap at makakatagpo ng isang lalaking mamahalin ako ng tapat at totoo? Hindi lang sa teleserye at fairytale nangyayari yon no? Kaya sa mga gaya ko,huwag kayong mawalan ng pag asa.
Hindi porket panget ka ay wala ka ng karapatang sumaya at lumigaya. Tandaan nyo,minsan hindi sa panlabas na anyo tayo minamahal ng taong magmamahal sa atin,hindi din sa estado ng buhay at lalong lalo ng hindi sa kasarian.
Ako nga pala si Ferancio Ballesteros,at dito na nagtatapos ang kwento ng buhay pag ibig ko.
~~~ **
THE END
All rights reserved: June 30,2014
BINABASA MO ANG
Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!
Ficción GeneralBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE Ang hirap maging panget! Okay dagdagan natin,ang hirap maging panget na bakla! Para kang may sakit,lahat tinatanggihan ka. Kailan kaya ako liligaya at magkakaroon ng maayos na buhay? Haay,subaybayan nyo lang. Ako si Faye,at...