PRE FINALE
AN/ Ayon! Umabot na tayo sa puntong ito. Huwag sana kayong mainis sa akin. You'll know everything sa Grand Finale. Enjoy reading po! =)
~
KAEL's Point of view
Matapos ang mainit naming pagtatalik ni Faye ay hinintay ko syang makatulog. This will be the last,ayokong masaktan pa sya pero kailangan kong magsakripisyo para hindi na sila guluhin ni Grazilda.
Nagbihis na ako,kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang sulat na kahapon ko pa nagawa dahil sa kagustuhan ni Grazilda. Call me weak,coward,but its the only way para hindi na magulo ang pamilya ni Faye.
I really love him. Never in my wildest dream na magmamamahal ako ng same sex,but I just did. Kung bakla na din ako dahil minahal ko si Faye ay malugod kong tatanggapin.
Tinupi ko ang sulat at ipinatong ito sa bedside table. Masakit para sa akin ang gawin ito,sobrang mahal ko na talaga sya at ang gawin itong bagay na ito ay tumutusok sa puso ko.
"Mahal na mahal kita,Faye. Sana maintindihan mo ako. At sana mapatawad mo din ako." bulong ko sa natutulog na si Faye at mabilisan syang hinalikan sa labi saka ako nagmamadaling lumabas.
Pagpasok ko sa kotse ko ay alas sinco na ng madaling araw. Makakahabol pa ako sa airport,paniguradong nandun na si Grazilda at naghihintay.
Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kahapon. Sobrang kinakabahan pa ako dahil sa ginawa nyang pag suicide,pero ng makarating ako sa bahay nila,it was just a trap. Plinano nya ang lahat,and I can't even believe na makakagawa sya ng ganon.
"Hindi pa huli ang lahat Kael,sumunod tayo kina Mom and Dad sa Houston at papakawalan ko ang mga magulang ni Ferancio." aniya pa habang nakaupo sa sofa.
"So,hindi ka talaga nag suicide? You planned this? Tama nga ang hinala ko." tiim bagang kong sabi habang tinitingnan sya ng masama.
"Kael you know me? Ano,sasama ka ba sa akin o mawawalan ng mga magulang ang baklang iyon?" aniya at nag de quatro saka ako nginitian.
She's really evil. Hindi ko alam kung bakit nagpaka tanga ako nun. Pero ngayon,kung gamitan ang gusto niya ay game ako. Besides,sigurado na ako sa magandang kinabukasan ni Faye at ng pamilya nya dahil sa kanya ko nga ipinangalan ang La Beau.
"Sige. Pakawalan mo ang mga magulang ni Faye. Susundin ko ang gusto mo,pero mangako kang hinding hindi mo na sila guguluhin,Grazilda."
"Mangako ka din na ako lang,na hindi mo na iisipin ang baklang pangit na iyon. Pumayag na akong nasa kanya na ang La Beau,pero hindi ako papayag na pati ikaw ay maagaw nya sa akin. Hindi ako magpapatalo." aniya,tumayo at lumapit sa akin,ipinulupot nya ang mga kamay nya sa batok ko.
"Sige,pero pakawalan mo na ang mga magulang nya at ihatid sa condo unit ko." ang sabi ko. Patawarin sana ako ni Faye,sana sundin nya ang gusto ko na bumalik na sya sa La Beau.
"Then,that's a deal. Pagdating sa Houston ay magpapakasal tayo. Bubuo tayo ng pamilya,tama ng pinagbigyan kitang tumikim ng iba't ibang babae noon. This time,magpapaka asawa ka at magpapaka ama sa mga magiging anak natin." mahaba nyang sabi.
She is really wise,pero I have other plans. Sa ngayon,kunwari ay sunod-sunuran ako sa kanya.
Nang makarating ako sa airport ay nakita ko agad si Grazilda na naghihintay habang nakaupo.
"I thought youre not coming." aniya at hinalikan ako.
"Marunong akong tumupad sa usapan Grazilda." ani ko at naupo sa tabi nya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa Houston,pero sisiguraduhin kong babalik ako sa Pilipinas para kay Faye,at sana sa mga panahong iyon ay may balikan pa ako.
BINABASA MO ANG
Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!
Ficción GeneralBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE Ang hirap maging panget! Okay dagdagan natin,ang hirap maging panget na bakla! Para kang may sakit,lahat tinatanggihan ka. Kailan kaya ako liligaya at magkakaroon ng maayos na buhay? Haay,subaybayan nyo lang. Ako si Faye,at...