Beau # 16

11.8K 328 17
  • Dedicated kay Rhaine Abla
                                    

AN/ SALAMAT KAY RHAINE ABLA. Dahil sa kanya nakapag update ako :) maraming salamat po! Makakabawi din ako balang araw. Enjoy reading guys! =)

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Nanginginig ako sa galit at tensyon na unti unting sumasakop sa buong sistema ko.

"Hindi nila ito pwedeng gawin." umiiyak na sabi ni Mama. Naawa ako sa kanya. Naaawa ako sa nangyari sa amin.

Bakit ito nagawa ni Sir Kael? Nilinlang nya lang ba ako?

"Ma,kumalma ka muna. Naghahanap na si Papa ng malilipatan natin." ang pagpapakalma ko kay Mama.

"Pero buong buhay natin ay dito na tayo nakatira!"

"Ma,legal po ang nangyari at wala na tayong magagawa. Now,kumalma ka at magpahinga,may haharapin lang ako." ani ko at tinungo na ang aking kwarto para magbihis.

Kung si Sir Kael nga ang may kagagawan nito,kaya kong isakripisyo ang pagmamahal ko para sa kanya. Mas matimbang pa din ang pamilya ko.

At kung si Maam Grazilda naman,ay makakatikim sya sa akin ng higit pa sa naranasan nya sa restaurant. Punong puno na ako sa mga pinag gagawa nya.

Matapos maligo at makapag bihis ay naabutan ko si Mama na naglalagay ng mga gamit namin sa mga kahon. Muling kumirot ang puso ko. Hindi namin deserve ang ganito,wala kaming ginagawang masama sa kahit sinong tao.

"Makakabalik ka ba anak bago mag gabi? Paano kung dumating ulit sila?" maiyak iyak na sabi ni Mama. "Humingi kaya tayo ng tulong kay Pipo?"

"Sandali lang ito,Ma. At saka problema natin ito. Huwag tayong mandamay." ani ko at humalik sa pisngi nya. "Babalik ako agad." at tuluyan na akong lumabas ng bahay.

Agad akong pumara ng taxi at sinabi kung saan ang destinasyon ko. Mabuti at hindi traffic,agad akong nakarating sa La Beau.

"Nandyan ba si sir Kael at Maam Grazilda?" agad kong tanong sa guard.

"Oo Faye. Nasa board meeting ata sila."

"Salamat." agad akong pumasok at tinungo ang elevator. Habang sakay ng elevator ay kung anu-ano ng eksena ang pumapasok sa isipan ko.

Parang lumolobo ang ulo ko at para ding humihinga. Unti-unti na namang bumabangon ang aking galit.

At ng nasa tamang palapag na ako ay diretso ang lakad ko patungo sa conference room. I don't care kung mabulabog silang lahat! Matitikman nila ang galit ko.

Padarag kong binuksan ang pinto. Maingay sila at parang hindi nagkakasundo,ngunit agad din silang napatingin sa akin.

"Kael,Grazilda! Mag uusap tayo!" ang galit kong sabi.

"What's this? Paano sya nakapasok dito?" ang galit na tanong ni Grazilda.

"I can't believe this! Sino na ang bagong may ari ng La Beau?" sabi ng isang board member.

Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon