"Tingnan mo nga naman. Pagkatapos ahasin ang CEO,ang top Model naman? Ganyan ka ba kapatay gutom sa lalaki Ferancio? Bakit hindi ka sa mga strip club pumunta? Alam kong sabik ka ng makainom ng gatas ng lalaki."
Sa narinig ko kay Maam Grazilda ay nagpanting na ang aking tenga. Sobrang pang iinsulto na sa pagkatao at pagkasino ko ang natatanggap ko mula sa kanya.
Hawak ang baso na may lamang Iced tea ay marahas akong tumayo.
"Faye!" gulat na sabi ni Faust at Sir Kael ng ibuhos ko sa ulo ni Maam Grazilda ang iced tea.
"You son of a bitch! Ang kapa--" gulat na reaksyon ni Maam Grazilda at susugurin sana ako pero mabilis kong nahawakan ang dalawa nyang mga kamay.
"Sige ituloy mo! Hindi ako pumapatol sa babae pero sa pagkakataong ito napuno na ako sayo!" singhal ko.
"I'll sue you faggot!" susugod sana ulit ito pero hinila sya ni sir Kael,maging ako ay hinila ni Faust. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at nakita kong naglalakad na palapit ang guard.
"Gawin mo! Kulang pa ang iced tea na yan panglinis sa madumi mong utak at madumi mong budhi! Ayos na sa akin ang ilang beses mo akong sinaktan ng pisikal. Pero Maam Grazilda,ang insultuhin ako ng paulit ulit ay sobra na. Hindi na ako matatakot sayo." mahaba at taas noo kong sabi,kahit na nanginginig na ang mga kalamnan ko.
"Tingnan mo ang ginawa nya sa akin Kael?! Yan ang ipapalit mo sa akin? Isang baklang panget,na gumanda lang ay mapagmataas na?" galit na baling nito kay Sir Kael.
"Grazilda,ikaw ang nauna! For pete's sake!"
"Humanda kayo sa akin!" ani Maam Grazilda at galit na umalis. Tinulak pa nito ang guard na kakalapit pa lamang.
"Ano pong problema.?"
"Wala naman." sagot ni Faust at bumulong sa akin. "Let's get out of here,Faye."
Tumango ako at tiningnan si Sir Kael. Madilim ang pagkakatingin nya sa akin,at mukhang alam ko na kung anong dahilan.
Dahil kasama ko si Faust.
"Mag uusap tayo Faye." at umalis na din si sir Kael. Saka lamang bumigay ang mga tuhod ko,mabuti at naalalayan ako ni Faust.
"Makaka alis ka na. Wala ng gulo." ani Faust sa guard,tumalima naman ito. Muling bumaling sa akin si Faust. "I didn't know na kaya mo si Maam Grazilda. Dapat dati mo pa syang ginanun." nakangisi pa nyang sabi.
"Napuno na kasi ako eh. Pero natatakot ako sa maaari nyang gawin. Okay lang kung sa akin,pero ramdam kong tuso sya,baka idamay nya ang pamilya ko." ani ko at kinuha ang baso,iinum sana ako ngunit napansin kong wala itong laman. "Bakit wala ng laman?"
Humagalpak ng tawa si Faust kaya narealized ko agad kung bakit. "Silly,ibinuhos mo kaya kay Maam Grazilda." at tumawag sya ng waiter,umorder ulit ng iced tea. Ng maubos ko ito ay nagbayad na sya at umalis na kami ng restaurant.
"Maraming salamat Faust. Alam kong baka pati ikaw ay pag initan ni Maam Grazilda." sabi ko ng nasa labas na kami ng restaurant,pauwi na ako at sya naman ay babalik pa sa La Beau para sa isang photoshoot.
"She's a girl. Hindi sya mananalo sa akin. At ikaw,if ever na may mangyari,don't hesitate to call me,and I will be there." naka ngiti nyang sabi.
At ng maghiwalay na kami ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa restaurant kanina. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Maam Grazilda,nagliliyab ang mga mata nya kanina sa sobrang galit,lalo na nung hindi sya paboran ni Sir Kael.
Si sir Kael. Alam kong galit din sya,damang dama ko sa paraan ng pagtingin nya sa akin kanina. Maaaring sanay ako dati na nag aaway at nagsasagutan kami,pero sa relasyong meron kami ay natatakot ako na galit sya. Natatakot ako na baka sa isang maling salita ko lamang pag kinausap nya ako ay matapos ang aming relasyon. At ayaw kong mangyari iyon,dahil sa ngayon,sobrang mahal na mahal ko na sya,at hindi ko na alam kung paano aahon kung bibitawan nya ako.
BINABASA MO ANG
Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!
General FictionBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE Ang hirap maging panget! Okay dagdagan natin,ang hirap maging panget na bakla! Para kang may sakit,lahat tinatanggihan ka. Kailan kaya ako liligaya at magkakaroon ng maayos na buhay? Haay,subaybayan nyo lang. Ako si Faye,at...