Ito ang first out of town ko. At kahit hindi ko na kinibo si sir Kael ay nag enjoy naman ako sa tanawing nadadaanan namin.
Nag enjoy ako ng nasa tagaytay na kami,kitang kita ko ang sikat na Taal lake at taal volcano.
"Next time dyan na tayo pupunta." ani sir Kael. Saglit ko lang syang nilingon at kinunutan ng noo. Ewan ko sa kanya,sala sa init,sala sa lamig.
"San ba tayo sa Batangas sir?" bagkus ay tanong ko na lang,nakakapagod din kasi pag walang imik,parang mapapanis ang laway ko.
"Sa Matabungkay." aniya at ngumisi. Parang bigla akong nagduda. Outing ba ito o meeting talaga?
Makalipas ang isa pang oras ay nakarating na kami sa Matabungkay. Namangha ako dahil sa ganda.
"Diretso tayo sa meeting. Nasa function hall sila." ani Sir Kael at sumunod lang ako. Gusto ko sanang mag reklamo dahil hindi man lang kami nagpalit ng damit.
Pagdating namin sa function hall ay medyo nailang ako. Alam mo yung pwesto ng lamesa pag may press con ang artista? Ganon! Tapos pinagtitinginan pa kami. Hindi ko sila masisisi,late kami.
"And finally,the Big boss of La Beau!" ani ng isang lalaki at nagpalakpakan sila.
"Thank you everyone. And this is my secretary,Ferancio Ballesteros." sabi ni sir Kael,kinikilig yung mga babae tapos yung iba nagbubulungan kung bakit siguro bading ang secretary ni sir Kael.
Naupo na kami,nagsimula na nilang idiscuss ang pakikipag merge ng maliliit na modeling company na ito sa La Beau. Ako naman ay tahimik na nakikinig lamang habang nagpe-play ang record sa aking phone,ayokong mag take down list kaya record na lang.
"Paano kami makaka siguro,na ang mga ipapasok naming modelo ay nasa magandang daan?" sabi ng isang lalaking medyo may edad na.
"Well,we have Homer na hahawak sa mga models,madami kaming connections,at bawat isang modelo ay kikinang sa kanyang sariling bituin. Hindi lang yon,may magagaling kaming make up artist at mga mananahi,de kalidad din ang mga gamit naming tela. At ang bawat model ay mayroong monthly allowance,hindi pa kasama doon ang sweldo." ang kalmado at nakangiting sagot ni Sir Kael. Nagsitanguan ang lahat ng nasa meeting.
"Perhaps,lets say na may modelong maganda ang katawan,pero hindi maganda ang mukha. Anong ginagawa nyo? Sagot nyo ba ang pagpaparetoke?" tanong naman ng isang babae.
"Im sorry,pero hindi kami mga surgeon,magagawan iyan ng paraan sa make up kung kinakalaingan,naniniwala ako na pag maganda ang kalooban mo ay maganda ka din." sagot pa din ni Sir Kael. Parang gusto ko syang sikuhin,parang hindi naman ganon ang tingin nya sa akin nung una.
"Well then. Pwede mo ba iyang patunayan sa amin? Sa pamamagitan ng Secretary mo." sabi nung lalaking unang nagsalita kanina. Napalunok ako at nanlaki ang mga mata.
Bakit ako nadamay dito?
"Im sorry,pero huwag naman sana nating idamay ang secretary ko." tiim bagang na sabi ni sir Kael.
"Kailangan may mapatunayan ka. 3days pa tayo dito sa resort,pwede mong tawagin ang mga stylist mo at papuntahin dito." sabi nung babae kanina.
Tiningnan ako ni sir Kael,at hindi ko alam kung anong reaksyon ang naibigay ko sa kanya.
"We all know that he's a gay,hindi sya babae para imake over." mataas na ang boses ni sir Kael kaya kinabahan ako. Kailangan kong magsalita.
"Do it or hindi kami tutuloy sa pakikipag merge sa La Beau. Isipin mo,tatlong company din kami. And may I remind you na hindi lang babae ang mini make over,and last may mga lalaking model na mukhang babae."
BINABASA MO ANG
Beki La Fea! (boyxboy) - COMPLETED!
General FictionBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE Ang hirap maging panget! Okay dagdagan natin,ang hirap maging panget na bakla! Para kang may sakit,lahat tinatanggihan ka. Kailan kaya ako liligaya at magkakaroon ng maayos na buhay? Haay,subaybayan nyo lang. Ako si Faye,at...