"The ms. Bacarra 2016 is contestant no. 5!" Ang anunsyo ng MC.
Halos mapatalon ako sa tuwa dahil hindi ko inaasahan na ako yung mananalo sa pageant na ito. di ko na maigalaw ang bibig ko sa kakangiti sa mga audience sa harap ko dahil ako ang tinanghal bilang ms. Bacarra dito sa aming lugar. Ang daming bumati sa akin at sa mga kasamahan kong nanalo ng "Congratulations!"
Pagkatapos maibigay sa akin yung korona at premyo, umuwi na ko sa bahay ng anti ko.
"Andito na pala ang pamangkin kong beauty queen! Alam ko naman na ikaw yung mananalo, ikaw yung pinakamaganda at pinaka matalino dun!" Masayang bati ng tiyahinko.
"Anti, ibibigay ko po itong kalahati sa inyo itong napanalunan ko, eto pong kalahati gagamitin ko po paluwas ng maynila."
" Huwag na, ipunin mo na lang yan. ano naman ang gagawin mo sa Maynila? Dito kana lang wala akong kasama di to sa bahay." Maalumanay na sagot ni anti Aning
" matagal ko na po kasing plano ito anti. Maghahanap po ako ng trabaho dun. Kahit ano po basta matulungan ko lang po kayo." Sabi ko habang naghihilamos.
Alam ko ang daming sakripisyo ng tiyahin ko sakin, kahit hanggang second year college lang ang natapos ko sa kursong education. Gusto ko siyang tulungan at ibalik lahat ng pagsisikap nya sa akin. Namatay ang nanay ko nung limang taong gulang ako! dahil sa sakit sa puso. Iniwan kami ng tatayko nung pinagbubuntis pa lang ako ng nanay ko. Ang anti aning ko ay kapatid na aking yumaong ina na walang pamilya kaya kinupkop niya ako pagkamatay ng akin ina.
" Isay, anak alam ko mahirap ang buhay natin dito sa probinsya, pero bakit sa Maynila ka pa magtratrabaho? Ang dami naman dito." Malungkot na saad ni anti.
" Huwag na kayong malungkot ang pangit nyo na oh! Mahirap po kasing maghanap ng trabaho dito sa probinsya." Birong sagot ko.
" Kaw bata ka, pinagloloko mo na naman ako. Sige na, basta mag ingat ka dun ha? Kaw na lamg ang natitirang pamilya ko iiwan mo pa ako." Nakasimangot pa ri ang tiyahin ko.
"Ngiti ka na diyan anti! Sayang yang ganda niyo!" Biro ko sa kanya.
" Sige na! Magpahinga ka na at gumagabi na, " paalam sakin ni anti paglabas ng kuwarto ko.
Hindi ako makatulog, iniisip ko, ano kaya ang magiging buhay ko sa Maynila? Ni minsan hindi inaranasang makapunta sa lugar na iyon. Alam ko na mahihirapan akong makahanap mg matinong trabaho dun. Pero bahala na.
Kinabukasan, nag empake ako ng gamit ko na dadalhin ko papuntang Maynila. Tahimik na nanonood si anti sakin. Alam ko ayaw niya sa desisyon ko, kaso eto lang yun paraan para matulungan ko sya at para makatapos din ako ng pag aaral.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo Isay?" Naiiyak na tanong ng anti ko
" Anti naman eh! Hindi po ako aalis papuntang North Pole, sa Maynila lang po. Sasama na lang kaya kayo para pag hindi natin alam yung lugar na pupuntahan natin, may kasama akong maliligaw! Ano anti sama ka?" Tinaas taas ko pa yung dalawa kong kilay, to make her laugh and to vanish her worries!
"Sawa ka na ba sa anti mong maganda na pinagmanahan mo?"
Napatawa ako sa tanong niya. Para kasing bata yung mukha niya nagpapacute na ewan.
"Hindi sa ganun anti, maghahanap ako ng magandang trabaho dun, itutuloy ko po ang pag aaral ko pag nakaipon na ako, pag naging guro na ako, sasahod ako ng halos singkwenta mil kada buwan, edi mayaman na tayo!" Nakangiti kong saad kay anti aning
"Basta mag iingat ka dun,"
"Opo anti, mag iingat din po kayo dito! Tatawag po ako palagi."
" Sige na, ayusin mo na lahat ng gamit mo baka may maiwan ka."
Habang nasa biyahe ako ngayong gabi, hindi ko lubos maisip na nakaya kong mapahiwalay sa tiyahin ko na naituring ko nang para konh tunay na ina! Iyak ako ng iyak kanina, halos hindi na ako tumuloy dahil ayoko siyang iwan pero pinal na ang desisyon ko. At nakahanda na ako kung ano ang magiging kapalaran ko sa Maynila.
Ako nga pala si XYZ (SAYZI) ALESSANDRA DOMINGO, 22 years old, nakalimutan ko palang magpakilala.