chapter6

32 1 0
                                    

Alasyete na nang gabi, isang oras na akong naghihintay sa wala. Para akong tuod dito na nakatayo nang isang oras.

"Miss gumagabi na, hindi ka pa ba uuwi? Delikado na sa daan." Paulit ulit na tanong sakin ng mamang guard

"Maya lang po ng konti kuya, may hinihintay po kase ako," Naghintay pa ako ang ilang minuto pero walang dumating na Zeph. Nanlulumo akong tumayo para maghintay ng taxi sa labas ng parking lot. Ayokong umiyak. Ang sakit lang sa loob na pagod ka na nga sa trabaho, naghintay ka pa sa wala.

"Miss! Okay ka lang? Mukhang hindi na makakarating yung hinihintay mo. Dito ka lang at ako na ang tatawag ng taxi baka mapagtripan ka pa." Tumango na lang ako at magpasalamat.

Mag aalas nuebe na, nang makarating ako sa tinituluyan ko.
Gusto ko nang matulog kahit wala pang laman ang tiyan ko.
Nagpalit na lang ako ng damit at humiga sa kama tinawagan ko muna si anti para kamustahin siya bago ako natulog.

---
"Im really sorry, I forgot to bring my phone last night, kaya di na kita natawagan." Paliwanag niya sa akin habang nagmamop ako sa sahig ng suite niya. Hindi ko siya pinansin baka kung ano lang yung masabi ko da kanya.

"Hey, sorry na! May biglaan kase akong ginawa kaya nakalimutan kong sabihin sayo na hindi na tayo matutuloy." Sabi niya sakin habang sumusunod.

"Okay sir." Sagot ko na lang.Gusto kong isumbat sa kanya kung bakit ginagawa niya sakin to? Malaking kasalanan ba ang nagawa ko? Kaya pinapahirapan niya ako. Sabagay alipin lang naman ako, wala akong karapatang magreklamo.

"I know, you are not okay, its really my fault i'm sorry Aless."

"A-no ba kaseng mabigat na kasalanan ko sa inyo si-r kaya niyo ako ginag-anito? Pumiyok na ko dahil sa pag iyak ko.

"Nothing Aless. I'm just happy teasing you." Tangina! Ginagago niya ba ako? Masaya siya na nahihirapan ako. Pinunasan ko na ang mga luha ko, ayokong magpaawa sa mga katulad niyang walang puso. Lahat sa kanya ay puro laro.

"Kung pananakit po ng ibang tao ang nakakapagpasaya sa inyo wala po akong magagawa.'' Hindi siya umimik kaya lumabas na ko para linisin ang ibang rooms. Wala akong karapatang sumbatan siya pero punung puno nako. Two weeks pa lang ako dito parang di ko na kakayanin. Sa dinami dami ng tao dito sa mundo bat sakin pa napunta lahat ng kamalasan sa mundo?

"Alam mo pinagalitan daw ni Mr. President si sir Eevo kasi lumabas daw siya habang nasa meeting kagabi."

" May punpuntahan daw sana si sir Eevo na importante pero hindi ata nakaalis, nakita ko nga siyang nagmamadaling lumabas patungong parking lot kagabi pero bumalik din naman agad." May dalawang empleyado na nagtsitsismisan sa hall way.

So may meeting pala si sir Zeph kagabi? Bakit hindi niya sinabi kanina? Katulong ka lang niya hindi girlfriend, assuming ka! Sabat ng isip ko. Alam ko Hindi ako nababagay sa isang mayaman, edukado at isa sa most sought- after bachelors sa kaMaynilaan.

--
Day off ko ngayong araw, nagpasya akong maglaba at magkulong na lang dito sa apartment buong araw.

Katatapos ko lang magsampay ng mga nilabhan ko.

"Xyz, may bisita ka sa labas pinapasok ko na. Labasin mo na at nakakahiya." Saad ni Aling Puring na landlady namin dito sa apartment.
"Sino daw po?" Sino naman ang dadalaw sakin? Baka si Paula.
"Hindi ko tinanong ang pangalan, mukhang mayamang gwapo eh, ang gara ng sasakyan niya sa labas." Sagot naman niya habang nagpapaypay. "Sige po, salamat po." Pumasok na siya sa loob. Nandito kase ako sa likod ng apartment, nandito kase ang sampayan.

"Hi!" Tumayo siya sa lumang upuan na kinauupuan nya kanina.
"Uh-h, a-no po ginagawa niyo dito?" Nagulat ako, hindi ko alam na si Sir Zeph pala. Nakakahiya kase ang dungis ko at para akong basahan sa suot ko. He is wearing a dark blue long sleeve polo rolled up to his elbow and and a faded jeans tapos loafer. Ang gwapo niya. Clean cut pa huh?

"I am here to fetch you."
Saan naman kami pupunta? "Ngayon na po? Saan po tayo pupunta sir Zeph?"
"I need to relax so I decided to bring a company wherever I go. Is it okay with you?" Bat ako?

" uhh, sige po sir. Ligo lang po ako." Gumayak na ko patungong CR, nakakahiya naman na paghintayin ko siya.

Pagkatapos kong naligo, pinili ko na lang yung v-neck ko na black, boyfriend jeans at low cut ko na sapatos. PA lang naman ako.

"Let's Go?" Tanong niya sakin. "Hindi po ba nakakahiya sa inyo na parang batang yagit itong kasama niyo?" Ang gwapo niya kasi, tapos ako ? Basahan. " Naah.You have an arresting beauty despite your simplicity and please just call me by my name again Alessandra, I am not your boss neither a principal!" Ngumiti ako.

"sige na sige na, malalate na tayo sa pupuntahan natin."

Pagharap namin sa kotse niya. Hindi ko alam kung sa likod ba ako o sa harap, pero nabigla ako nung umikot siya para pagbuksan ako sa shotgun seat. Ganito ba siya ka gentleman? Sumakay na lang ako at nagpasalamat.

"Saan pala tayo pupunta?"
Tanong ko ulit sa kanya di niya pa kase sinagot noong tinanong ko sa kanya. "You will see when we will get there" tipid niyang sagot.

"Bat ako pa sinama mo sir?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"I just want to be with my slave." He smirked

Hindi na ako nagtanong pa. Nakatingin lang ako sa labas habang bumabyahe patungong ewan.

"Just take a nap, i will wake you up pag nakarating na tayo." Bigla siyang nagsalita.
Hindi ako kumibo, nagtataka lang ako kung bakit ako yung gusto niyang isama sa lakad niyang wala akong kaalam alam.

-----------

Nakatulugan ko ang pag tingin tingin sa labas ng bintana dahil sa layo ng byahe.

"Hey Sleepy head! wake up we're already here." Minulat ko yung mata ko.
Gwapong mukha agad ang nabungaran ko.
"Andito na po ba tayo?"
Tanong ko sa kanya.

"Yeah, almost 30 minutes ago. I didnt bother waking you up coz you are sleeping peacefully but it seems that..." Sagot niya.

"A-no? Bakit di mo ako ginising? Pano kung tumutulo na pala laway ko?" Ngumisi lang ang loko habang hawak niya yung nakapaper bag na pagkaing binili niya ata habang tulog ako.

"Kahit nga tulo laway mo, you are still beautiful."

Pumula mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nakakahiya talaga lumabas na ako sa sasakyan niya para tignan kung nasaan kami. May isang malawak na taniman ng gulay at palay, sa bahaging dulo ng mga punong kahoy sa gilid ng mga tanim may isang two storeys na lumang bahay. Baka ancestral house nina sir Zeph to. May malaking hagdanan sa harap na parang sa horror movies. Ang ganda dito! Ang sariwa ng hangin.

"Nasaan po tayo sir Zeph?'' Tanong ko sa kanya. Habang bunagbagtas namin ang daan patungo sa lumang bahay.

"We are in my grandparents' house, but they are not living here."
So ano ginagawa namin dito?

" I just want to unwind and relax, nakakamatay naman kung ako lang kaya i brought you and ikaw lang ang nag iisang babaeng hindi ako gagahasahin that's why we are here."

Taming Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon