Prologue:

43 3 4
                                    



First year, naaasar ako sa'yo. Kapag mang-aasar ka, ako lagi ang pinupuntirya mo. Ako lagi ang kinukulit mo. Hindi lang yun ang ikinainis ko sa'yo. Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay kung ba't ganyan ang hairstyle mo. Nakakaasar ka talaga! Alam mo ba yun?

Second year, mas naasar ako sa'yo. Alam mo ba kung bakit? Hindi dahil sa pang-aasar mo o sa pangungulit mo o sa hairstyle mo. Nasanay na ako. Kulang ang araw ko kapag hindi mo ako kinukulit o inaasar. Mas naasar ako sa'yo, lalo na sa sarili ko dahil...parang crush na kita.

Third year, tuluyan na akong naasar sa'yo, pati na din sa sarili ko. Andyan pa rin ang pang-aasar at pangungulit mo. At ang hairstyle mo, walang pinagbago. Nakakaasar ka talaga! Pero kahit ganun, kinikilig ako. Napapangiti ng palihim, iniirapan ka dahil malapit na akong kiligin. Then I realized, crush na nga kita.

Fourth year, sobrang naasar ako. Hindi sa'yo, hindi sa hairstyle mo, hindi sa sarili ko, kundi sa tadhanang pinaglayo tayo. Bakit kasi sa huling taon natin sa high school, pinag-iba pa niya ang section natin? Nakakainis talaga! Pero nang makita kita, parang nag-iba ka na. Hindi mo na ako inaasar. Hindi mo na ako kinukulit. Oo, magkaiba na tayo ngayon ng section pero, that doesn't change the fact that we're friends. Bakit ka nagbago? Because of that, nawala ang paghanga ko sa'yo. Hindi na kita crush. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Biruin mo, yung paghanga ko sa iyong nawala...bumalik.


Author's Note:

Hello po sa lahat ng mga wattpaders out there! This is my first story here in wattpad. Hope you'll like this story. Sana mapangiti at mapakilig kayo ng story na 'to. Thank you. :)

- Triangelle


Those Four YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon