Lee's pov
Lumabas ako ng bahay at nagpakalayo layo. Kahit na sobrang hirap na hirap na ako sa aking nararamdaman. Hindi ko mapigilang hindi makarinig ng iba't ibang boses sa aking taenga. Tila naghahalusinasyon na ako sa aking nakikita.
Dugo.
Ang tanging nasa isip ko. Uhaw na uhaw ako sa dugo. Pilit ko mang labanan ngayon peru hindi ko magawa sapagkat ito lang ang nais ng aking kalamnan at gamot sa nagugutom kong bituka.
Tao man o hayop.
Sila ang aking kasagutan. Peru hinihiling ko na sana hayop nalang at hindi buhay ng isang inosenting tao. Peru huli na.
"Aaaaaaah!"
Huli na ang lahat. Kumitil ako ng isang babaing inosenti. Sinipsip ko ang masarap niyang dugo na dumadaloy sa kanyang ugat. Mapulang mapula ang mga ito at malasang malasa. Sobrang nabusog ang aking lalamunan at bituka sa aking nagawa.
Pero sobra din ang kalungkutan ko na dumadaloy sa aking ugat papunta sa aking puso dahil sa aking nagawa. Hindi ko man ito nais pero wala na akong magawa. Nagawa ko na at kumitil ako ng isang inosenting tao.
Napalayo ako sa bangkay ng taong pinatay ko. Maputla ang kanyang mukha at nakadilat pa ang kanyang mga mata na waring nakakita ng isang halimaw. Halimaw na pumaslang sa isang walang salang tao.
"H-hindi... h-hindi i-ito maaari..."
Napahawak ako sa gilid ng labi ko at napatingin sa palad ko. Dugo. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong pumatay ng isang tao. Ngayon ko lang ito nagawa sa tanang buhay ko. Ngayon lang. Hindi ko akalain na magagawa ko ito. Na wala ako sa sarili ko. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko.
Napatingin ako sa paligid ko. Tanging ang hangin lang ang narito at isang bangkay ng tao.
Tumayo ako at tumakbo papunta sa lugar na ako lang ang nakakaalam. Ako lang mag-isa at wala ng iba.
Sheyna's pov
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Lee at ang babaing kasama ko kanina lang. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Tila nadikit ang aking mga paa sa semento.
"L-lee..."mahina kong sambit sa pangalan niya.
Hindi niya ako nakita dahil sa mabilis siyang tumakbo paalis at nawala na siya sa paningin ko. Tanging ang bangkay nalang ng isang tao ang nakikita.
Napatakbo ako papalapit sa kanya.
"Mis? Mis? Mis?"
Kinapa ko ang kanyang pulso pero huli na. Wala na siyang buhay. Patay na siya. Ang babaing nakasama ko kanina lang. Ang bilis ng pangyayari. Halus hindi ko maisip na magagawa ito ni Lee. Tinignan ko ang leeg niya at nagulat ako sa nakita ko.
"N-no... no..."
Isa lang ang pumasok sa isipan ko. Hindi siya pangkaraniwang tao lang. Hindi ko inaasahan ang nangyari ngayong gabi.
Nagpakasal ako sa isang hindi pangkaraniwang tao. Nagtiwala ako sa kanya. At hindi ko manlang iyun napansin sa loob ng ilang taon na pagsasama namin.
Napahikbi nalang ako sa nalaman ko. Sobrang nagtiwala ako sa kanya. Ilan pa ba ang dapat kong malaman sa kanya? Anu pa ba ang mga bagay na hindi ko alam? Ako lang ba ang walang ka alam-alam sa kanila?
Ako lang ba?
"L-lee..."
Hindi ko lubos maisip na ang taong pinakasalan ko at nakasama ko buong buhay ko ay isang...
...bampira.
BINABASA MO ANG
MY VAMPIRE BOYFRIEND(ON EDITING)
VampireHe's my one and only love until the end. The one and only VAMPIRE in my heart.