Sheyna's pov
Umuwi ako sa bahay pagkatapos kong malaman ang tungkol sa ky Lee. Dali dali akong umakyat sa taas.
"Maam, tulog na po si Baby Math--"
Nilampasan ko nalang si yaya sa hagdan at dumiretso ako sa kwarto ni Baby Math. Pagkabukas ko ay nakita ko siyang natutulog ng mahimbing. Guminhawa naman ang nararamdaman ko dahil wala namang may nangyaring masama sa kanya.
Agad akong lumapit sa kama at tinabihan siya.
"Baby, hindi kana iiwan ni Mommy."at hinalikan ko siya sa noo at hinaplos ang kanyang maputi at makinis na mukha.
Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko ng makita kong nangingilihid ang tubig sa gilid ng mga mata niya. Umiyak siya.
Umiyak siya dahil akala niya iniwan ko siya. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko. Kaya niyakap ko siya at ibinaun ko ang kanyang mukha sa dibdib ko.
"S-sorry baby, sorry dahil iniwan kita. Sorry dahil hindi manlang kita inisip. S-sorry b-baby.. Hinding hindi kana iiwan ni Mommy..."patuloy sa pag agus ang aking mga luha habang yakap yakap ko si Baby Math.
Napaka tanga ko talaga. Hindi ko manlang inisip ang mararamdaman ng anak ko. Hindi ko manlang siya naisip. Siya nalang ang nagpapalakas sa akin. Siya nalang ang dahilan kung bakit nagpapakatatag ako. Napaka tanga ko dahil hinayaan ko siyang umiyak at iwan sa ibang tao. Napaka tanga ko talaga.
Iniwan na nga siya ng kanyang tunay na magulang. Iniwan ko pa siya sa ibang tao. Hindi ko manlang siya inisip. Napaka-tanga ko talaga.
Hindi man siya sa akin nanggaling peru napamahal na siya sa akin. Itinuring ko na siyang parang tunay kong anak. Masakit pala. Makitang umiiyak ang taong mahal mo. Sobrang sakit.
Napadilat ako sa isang bagay na dumadampi sa aking mukha. Minulat ko ang aking mga mata para makita kung sino.
Medyo hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa blur pa ang paningin ko. Bumangon ako ng dahan dahan at kinusot kusot ang mga mata ko.
"Grey?"sabi ko ng maliwanag na ang paningin ko.
Nakangiti siya sa akin.
"Shey, may sasabihin sana ako sayo."nakangiting sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ba dapat nasa tabi siya ngayon ni Ashlee.
Kumirot naman bigla ang puso ko sa naalala ko.
May anak na siya sa ky Ashlee. Hindi pwede to. Magagalit na naman si Ashlee nito sa akin. Pero okay lang ba na sa akin muna si Grey? kahit isang araw lang. Magpapaka selfish muna ako kahit ngayon lang.
"A-anu yun?"kinakabahang tanong oo sa kanya.
Hinawakan niya naman ang dalawa kong kamay at ngumiti siya ng mapa-it. Alam ko na ang sasabihin niya...
"Paalam Sheyshey..."sabay ng pagkabigkas niya sa pangalan ko ay ang rumaragasang patak ng ulan.
Kagaya ng ulan ay nagsi-unahang lumabas ang mga luha ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko siya matignan sa kanyang mga mata. Automatikong bumitaw ako sa mga kamay niya.
"Sheyshey..."
Ang sakit.
Tama na.
Wala na bang mas sasakit dito?!
Mamatay nalang sana ako.
Ayoko ng ganito.
Sobrang sakit na talaga.
Sobrang naninikip na ang dibdib ko.
Ayoko na... tama na.
BINABASA MO ANG
MY VAMPIRE BOYFRIEND(ON EDITING)
VampireHe's my one and only love until the end. The one and only VAMPIRE in my heart.