Nice one Frost! Eto na. Eto na talaga. Oo super eto na na talaga. All I need is just this simple courage, to confess to this Goddess infront of me. Woah, english mah men! Pero eto na, matagal ko na 'tong gustong sabihin sakanya. Eto na, One.... Twoooo... Go na agad!
"Ahmmm. Miss, matagal na kitang gusto. Alam kong wala sa pang labas ang tunay na kagandahan, pero matagal na kitang gustong lapitan dahil sa alam kong mabait ka, lagi kitang ginagabayan, sabihin mo ng stalker mo ko. Pero ano magagawa ko, sa ganda mong binihag ako. Mga mata mong yan n pakislap kislap, ilong mong matangos, at wow-ulalam mong kissable lips, that perfect body of yours(teka parang manyak ako dun ah, yaan n nga) , buhok mong parang nka rejoice, sumusunod sa galaw mo, witwiw mong kutis na amputi puti(Frost wengya umayos ka..)
Di pa ako tapos kausapin ng utak ko, este sa mga sinasabi ko sa babaeng to ng manlaki ang mga mata ko, nang iipit nya ang buhok nya sa tenga nya para ipakita saken ang tenga nya."Elf ka?" Yan na lang nasabi ko dahil sa pagka.....mangha!
"HmmmwaaaaaH!!! Ang ganda mo lalo!!! Pangarap ko to eh makakita ng Elf sa personal, para kang isang anime character! Astig!!! Pwede pa pict..."
Natigil ako ng mag slow motion ang paligid ko ng ngimiti sya saken, yung nililipad nyang makinang na buhok, mga damo sa paligid na hinahangin, at dahon ng sakura tree na nahuhulog.
Sabay buka ng bibig na parang may sasabihin sya....
"Sorry Frost, but you're disconnected from virtual world".Nanlumo ako ng magising ako. Panaginip lang! Bat ba nagising ako... Ai teka, bat ba ginising ako ng lokong loko na to. Sya pala un nagsalita eh.
Andun na eh! Un na eh! Jackpot na ko eh! Sayang. Isang kawalan, parang X^2 + y^3 + 3/4 ang nawala sa parte ng puso ko! Wala na. OTL (luhod sabay suntok sa kama)."Pffft! Ahahahahaha"! Laptrep tong si PR ah. "Yung i-i-itsura mo, sumakto ata timing ko sa pag gising sayo ahahahaha"! Tawa ng tawa habang hawak ang tyan sabay palo sa desk tapos ituturo turo un muka ko-.-
"Woi! Ms. Brokenhearted! Anong problema mo! Bakit ka ba nanggigising jan"?
"Eh kase late na tayo sa skul! Sina Fear at Near pinapagising ka". Di lang mahalaga saken tong mga taong to pinasalvage ko na sana eh. Ou! SALVAGE!
Di ako morning type eh. Wala naman akong pake kahit ma late ako sa sarili naming skul. Oo! Skul namen, pag aari namin. Namin kase kasali family ni PR. Kaso gusto ng kambal na maging maayos ang record nila. Pantay nga sila sa pagiging Top sa klase eh. Pero ako? Ahhhmmm. Basta proud ako sa kambal. Yey!
*****
PagkaPark ng ehem... fully set up and upgraded kong Evolution Lancer. Bumaba na kami, si PR nako tulog pa, kaya naman pinag sasampal ko sya! de joke ano lang, simpleng tapik lng sa balikat. Baka konyatan ako nyan eh. Delicades men!
Magkaklase kami ni PR. Well, pina arrange ng parents nmin yan para makapagkopyahan este magtulungan. Ako lng kase tong hirap makipag friends. Yung kambal naman, down ng isang year level samin. 3rd yr hs cla, at 4th yr kami.Sabay sabay kaming naglakad, pwera lng pag yapak, parang nag ma march na kami nin eh, ano to RoTc? At ayun tinginan sila at parinigan, di naman kase yan bulungan e, rinig na rinig naman. Sample ha. Teka.... ah eto,
abnoy boy 1: "ang gaganda ng mga kasama nya oh, chix pre"!
abnoy boy 2: "ou nga pare, lalo n un oh, magkamuka. Sh*t kambal."
abnoy 1: "pre tig isa na tayo, magkamukha pa. Pag gabi delikado baka magpalit jowa natin di natin alam ahahaha".
abnoy 2: "ou nga pare noh! Ahahaha"
abnoy 1: "sino naman un lalake? Mukhang astig ah, papalag ba yan?"At eto na. Here we go again.
Nilapitan ko sila, at tumayo naman sila at ang aangas may patunog pa sa buto ng mga daliring nalalaman. Ilang segundo lng......Rasengan! Chidori! Haduken! nakahiga na sila. Pweh!"Dont u dare act so highly and quit playing it cool, low-life-creatures! Laitin nyo na ko, wag nyo lang babastusin tong mga to. Say it again or else I'll fucking kill you stupid shitheads". nakaka badtrip eh. Di ko talaga ma control sarili ko pag galit ako e.
Hinatid ko na sila sa room nila at diretso na kong tambayan. Di muna ako papasok. Ndi to cutting, break lng to ng ndi break time.
Naks lakas ko pala makapag salita parang hero ah. Ahaha! Pero katahimikan! Inaantok ako. Ahaha. Tulog muna -.-zzZ
*****
"Kuya Frost lunch na gising na". Sabay na sabi nung kambal.
"NT kaen na muna tayo. Napagod ka ata sa ninja jutsu mong turtle ka kanina ah. Ahaha. Libre ka na ng How-Low-Hello jan oh". Ang bait talaga netong Power Ranger na to. Bait nua noh?"Welcome PR=_= . Anong How-Low-ano?
"Yung bang malamig at may madaming rekado. Ah Halo-Halo! Loko lokong loko to ah. Kung anu anong pauso.
"Fear at Near tara kaen libre ko kayo ng How-Low-Hello"
"Yey"! Sabay apir ang kambal at yakap saken.
Lumakad na kami puntang Canteen.
"Woi NT! Joke lang un. Magaling ka nga makipag laban eh. Libre mo n ko"
-.-
Pagkadating sa canteen... kaguluhan!!!
Canteen namin to sinong siga jan!!!"Woi!!! Anong kaguluhan yan!!!"
Biglang tahimik at umalis un limang clown na babae, may binully pala. Uso pa ba ang bully ngayon? Pero teka umiiyak un babae.
"NT tulungan natin dali"
Nilapitan na nga namin at inabot ko ang kamay ko sakanya.
"Miss okay ka lng? May masakit ba sayo? Ano pangalan mo?"
"Oo, okay lang ako, salamat ha. By the way i'm...
.
.
.
.
.
Julie, Julie B. Azura"